Fight For My Sons Right Chapter 91-96 (Final)

Please wait 0 seconds...
Scroll Down and click on Go to Link for destination
Congrats! Link is Generated





Written by: KoryanangNegra


Introduction
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"



Chapters 91-96
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

Chapter 91


Naiinis ako sa sarili ko!
Bakit hindi ko magawang iuwi ang sarili kong pamilya sa pamamahay ko? Bakit hanggang ngayon magkahiwalay pa rin kami ng bahay ng asawa at mga anak ko?
Marami akong mga pag-aari na bahay, hacienda, mansyon pero hindi pa rin buo. Alam kong may kulang na kahit marami akong pera na pwedeng pambili ay hindi ko makuha kung ano ang kulang na tinutukoy 1<0.
Bakit kahit anong gawin ko hindi ko siya makuha. Hindi ko pa rin mapa-uwi si Karen. Sinusuyo ko naman siya tulad ng isang manliligaw.
Araw-araw akong nagbibigay ng bulaklak, chocolates at kung anu-anong mga pagkain na alam kong paborito niya. Kung hindi nga lamang sa mga negosyo na pinapatakbo ko sa iba l t-ibang lugar ay magtatagal ang pananatili ko sa bahay niya. Gusto ko silang makasama kahit saan kami tumira.
Sa isang banda, tama naman si Karen sa kanyang mga sinabi. Ako ang may kasalanan kung bakit nawalan ako ng karapatan sa kanya. Ako naman talaga ang dapat sisihin kung bakit nagkahiwalay karni. Hindi ko siya masisi dahil wala namang ibangdapat sisihin kundi ang sarili ko lang.
Ngunit handa akong magtiis kahit ilang beses niya akong ireject. Kahit ilang beses niya pa akong barahin sa mga sinasabi ko. Kahit magsalita pa siya ng masama laban sa akin ay buong puso kong tatanggapin.
Natatawa na nga lamang ako dahil sarili kong asawa ay basted lagi ako.
Handa akong maghintay hanggang sa magbago ang isip niya.
Marahil natatakot na lamang ang asawa ko na muli akong pagbigyan dahil wala naman akong ipinakita na maganda sa kanya ng nag sasama pa kami sa iisang bubong.
Batid kong likas na may mabuting puso si Karen ngunit nasagad ko ang limitasyon ng kanyang pasensya na siyang dahilan kung bakit nahihirapan akong pa amuhin siya.
"Pa, maganda po ba itong damit at saka ano po ang mas maganda? Ito pong barbie o ito pong lutu-lutuan?"
Tanongsa akin ni Seb habang hawak ang
isang dress na kulay pink, isang set ng barbie doll at isang kitchen set na laruan.
Sa tuwing bibilhan ko siya ng bagong damit at laruan ay hindi pwedeng hindi niya isisingit na magpabili rin ng damit pambabae o kaya naman  ay mga laruang pambabae rin.
Nagtataka man ay hindi naman kami nagtanong pa ni Selene sa bagay na 'yon. Hinayaan na lamang namin siya sa paniwalang baka ibinibigay niya isang batang babae na kalaro o kaya ay kaklase sa eskwelahan.
Kasama ko ngayon si Seb sa isang malapit na mall kung saan nakipag meeting ako sa isa sa mga business partners 1<0. Saglit lang naman kasi ang meeting at wala rin namang klase ang anak ko kaya isinama ko na upang magka bonding pa rin kami. Si Santino ay may pasok kaya hind  kasama ngayon.
"Parehong maganda. Mabuti pa ay bilhin na lang natin lahat ng mga hawak mo upang huwag ka ng mag-isip kung ano ang mas maganda at huwag kang mag-alala kahit anong piliin mo sa mga hawak mo ay tiyak na magugustuhan ng pagbibigyan mo." Sagot ko naman at hinawakan ko pa ang damit na siguradong magugustuhan ng sinuman na pinagbibigyan ng anak ko dahil sa ganda ng damit.
"Talaga PO? Salamat PO, Papa." Pasasalamat sa akin ni Seb na bakas ang kasiyahan sa mukha habang pinagmamasdan ang mga gamit pambabae na kanyang mga pinili.
"Seb, tanong ko lang anak. Kanino mo ito ibibigay? Sa kalaro mo o sa kaklase mo? " wala sa
100b na naitanong 1<0. Gusto ko lang na magkwento si Seb para malibang na rin at hindi mainip habang kasama ako.
Umiling ang anak ko at saka sumagot. "Kay Sam po 'yan, Papa."
"Sam? Sino si Sam? Kaklase mo o kalaro mo?" kunot-noo kung tanong.
"Hindi ko po siya kaklase at lalo po na hindi ko siya kalaro. Bakit hindi niyo po kilala si Sam?
Kakambal ko po si Sam. Kapatid ko po siya, Papa."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot ni Seb.
Kakambal? Kapatid?
"Sure ka ba Seb, na may kakambal ka?" naninigurado kong tanong.
"Opo, Papa. Kahit magtanong pa po kayo kay Mama." Bibong sagot ng anak ko na tuwang-tuwa na pinagmamasdan ang mga darnit habang papunta sa counter para makapag bayad na kami sa aming mga pinamili.
Bigla akong naguluhan. Anong kakambal?
Sino angtinutukoy ni Seb na kakambal? Ewan, ngunut waring dinunggol ng hindi mapaliwanag ba kaba ang akingdibdib.
"Kung ganun, nasaan ang kambal mo? Nasaan si Sam? Bakit hindi niyo siya kasama?" sunod-sunod kong tanong.
"Nasa malayo po kasi siya Papa. Kaya nga po nag-iipon ako ng mga ibibigay ko sa kanya bilang pasalubong kapag nagpunta na naman kami ni Mama sa kanya. Miss ko na nga po si Sam, matagal na rin na hindi kami nagpupunta sa kanya."
Hindi ako makapaniwala.
May kakambal si Seb pero walang nabanggit  si Karen. Bakit?
Pinaampon niya ba ang isa sa mga anak ko?
Madali kong tinapos ang pamamasyal namin ni Seb. Kailangan naming magkita ni Karen sa lalo't madaling panahon. Kailangan ko siyang komprontahin tungkol kay Sam.
Iniwan ko muna si Seb kay Selene upang hindi niya marinig ang anuman na maging pag-uusap namin ng kanyang Mama.
Hindi talaga ako mapakali sa nalaman. Anongdahilan ni Karen upang ilihim sa akin ang bagay tungkol sa isa ko pang anak?
"Senyorito, nasaan si Seb?" agad na tanong sa akin ni Karen matapos akong mabilis na umibis sa aking sasakyan.
"Iniwan ko muna kay Selene dahil may mahalaga tayong pag-uusapan." Seryoso ang sagot ko na nagpa kunot sa noo ni Karen.
"Totoo bang may kakambal si Seb?" diretso kong tanong.
Nakita ko ang pagkagulat at pagtakas ng kulay sa mukha ng aking asawa. Natigilan siya at waringnaumid angdila.
"So, totoo ng may kakambal si Seb? Kaya pala kapag binibilhan ko siya ng kahit anong bagay ay lagi siyang may kasamang laruan na pambabae o damit na pambabae. Akala ko noong una ay baka ibibigay niya lamangsa kanyang kalaro o kaya naman sa kaklaseng babae. Kanina ko lang siya tinanong at sinabi niya nga ang tungkol sa kambal niya na siyang pagbibigyan niya ng mga laruan at mga damit."
Litanya ko ngunit nanatili lamang nakatingin sa akin si Karen.
"Karen, nasaan ang kakambal ni Seb? Nasaan ang anak ko? Pinaampon mo ba siya? Pinamigay?" sunod-sunod kong tanong.
"Gusto mo ba talaga siyang makita? l' walang emosyon na tanong ni Karen. 



Chapter 92


"00, gusto kong makita ang anak kong si
Sam. Kaya ngayon din ay dalhin mo ako sa kanya. Gusto kong makilala ang kambal ni Seb." Tila nag-isÏp muna si Karen at saka nag buntong-hininga.
"Sige, dadalhin kita sa kanya kung 'yan ang gusto mo. Siguro nga ay panahon na para makilala mo si Sam."
Tila nasabik ang puso ko na makilala ang babae kong anak. Nagmamadali akong sumunod sa direksyon na sinasabi ni Karen habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan. llang sandali na lamang ay makikita ko na ang isa ko pang anak.
"Anong itsura ni Sam? Sino ang kamukha niya? Kilala niya ba ako? Bakit ba kasi hindi niyo siya kasama? Sabi ni Santino ay pinupuntahan niyo lang siya?" mga katanungan ko kay Karen ngunit nanatili lang siyang nakatingin ng diretso sa daan at waring balak na sagutin anuman sa mga katanungan ko.
"Karen, bakit ba angtahimik mo? Pinamigay mo ba ang anak ko? Pina-ampon mo ba si Sam
kung saan at kung kanino? Bakit ba ayaw mo akong sagutin, Karen?" muli kong mga tanong.
"Hinding-hindi ko kailanman magagawa na ipamigay o ipaampon ang sinuman sa mga anak 1<0." Walang emosyon na sagot ni Karen at nanatiling seryoso na may halong lungkot sa kanyang mukha..
"Kung ganun ay bakit hindi ka makapag kwento tungkol sa anak kong si Sam? Ano ba ang nangyari, Karen?"
"Senyorito, iliko mo sa daan na 'yan. Kapag nakita mo si Sam, lahat ng katanungan mo ay m asasagot."
Ngunit laking pagtataka ko dahil ang daan na aming tinatahak ay papunta na ng hacienda Sto. Domingo. Ngunit ang direksyon na aming binabagtas ay hindi patungo sa nasasakupan kong lupain kundi patungo kung nasaan ang matatagpuan ang isang lumang sementeryo.
Hindi nga nagtagal ay nakikita ko na ang arko ng lumang sementeryo at doon sa harap ng malaking lumang gate na kinakain na ng kalawang pinahinto ni Karen ang aming sasakyan.
Nagpati-unang bumaba si Karen sa sasakyan at malungkot na tinanaw ang sementeryo na nasa harapan. Ewan ko ba, parang ayoko ng
bumaba ng sasakyan. Tila ayaw ng kumilos pa ng aking mga paa at ayaw ko ng magpunta sa kung saan ko makikita si Sam. Waring bigla akong tinakasan ng lakas
May binubulong ang hangin na isang sapantaha sa utak ko ngunit pilit kong winawaksi at pinapatangay muli sa malamig na hangin.
Kahit ayokong kumilos ay dahan-dahan akong humakbang upang sundan ang paglalakad ni Karen habang nilalampasan namin ang ibang mga lumang nitso kung saan nakahimlay ang mga patay.
Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang puntod.
Agad kong nabasa ang dalawang pangalan na nakaukit sa lapida.
Karina Caspillan ang nakasulat sa ibabaw na walang iba kundi ang aking biyenan ko na Nanay ni Karen. Habang ang isang pangalan ay malinaw ko rin nabasa at pinakatitigan. Nahinto ang pag-inog ng mundo ko. Nagsimulang manlamig ang pakiramdam ko. Tila nakalimutang kumurap ng aking mga mata at maging ang paghinga ng mahinahon ay nakalimutan ko ng gawin.
Baby Samantha ang pangalawang pangalan na nakaukit sa lapida.
Lumapit si Karen sa lapida at inalis ang mga tuyong dahon na nasa paligid nito.
"Nay, pasensya na po kung ngayon na lang ako ulit nakadalaw. Alam niyo naman po na nag-aaral na angdalawa mong apo." Wika ni Karen sa kanyang Nanay na pumanaw na.
"Sam, anak, narito na ulit si Mama. Pasensya na anak at madalang na akong makadalaw sa inyo ng Lola Karina mo. Huwag mong isipin na hindi ka mahal ni Mama kaya hindi kita madalas na dinadalaw. Nag-aaral na kasi si Kuya Santino at ang kambal mongsi Seb. Hayaan mo at sa bakasyon nila sa eskwela ay lagi na ulit kami na mag pupunta clito sa inyo ng Lola mo. At alam mo ba anak kung sino ang kasama ko ngayon at ipakikilala sayo. Alam kong gusto mo rin siyang makilala. Maya Sam, anak, kasama ko ngayon ang Papa mo."
Tila tuluyan na akong nawalan ng lakas. Napaluhod na lamang ako sa harap ng puntod at nanatiling nakatitig sa lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng isa ko pang anak. Ngayon ko lang nalaman na may isa pa akong anak maliban kay Santino at Seb. Ngunit ngayon ko langdin nalaman na wala na siya. Patay na siya at hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala man lang siya.
Lumapit sa akin si Karen.
"Senyorito, si Samantha, ang sanang kakambal ni Seb. Ang isa rin sa mga anak natin. Ang totoo hindi ko alam kung ano nga ba ang kasarian niya pero bilang Nanay, malakas ang kutob ko na kung nabuhay sana siya ay isa siyang babae. At alam kong kamukhang-kamukha niya sana si Selene. Kaya nga sa tuwing makikita ko si Selene ay masaya akong pinagmamasdan ang mukha niya. Iniisip ko kasing nakikita ko sa kanya ang mukha ni Sam na hindi ko man lang nakita." Nakangiting saad ni Karen habang nakadantay ang mga kamay sa aking balikat.
"Pa-paano siyang nawala? Paano Karen? Paano? 'l lito na ang isip ko. Paano nawala ang isa sa kambal ko gayong buhay si Seb?
Kanina lang may saya akong nararamdaman ng malaman kung may kakambal si Seb na isang babae. Tapos biglang napalitan ng pinaghalong lungkot, panghihinayang at galit.
"Paano siya nawala?!" Sumisigaw na tanong sa isip ko.
"Naalala mo ba noong nagkasagutan tayo dahil sa natapunan ni Santino ngjuice ang mga papeles na kaharap mo? Umalis ka ng bahay hindi ba?" tanong ni Karen.
00, tandang-tanda ko ang araw na Iyon dahil
iyon na rin ang huling araw na nakita ko sila ni Santino sa bahay.
"Dinugo ako dahil buntis na pala ako ng hindi ko alam. Nakaligtas si Seb dahil agad akong naitakbo sa ospital pero, hindi si Sam." Malungkot na kwento ni Karen.
Kasalanan ko na naman pala. Kasalanan ko na naman angnangyari.
Kung hindi ko siya sinigaw-sigawan ng araw na 'yon ay malamang na hindi siya ma-iistress. Kung tinutulungan ko siya sa pag-aalaga kay Santino ay malamang na hindi siya mapapagod at duduguin.
Lahat ng mga iyon ay kasalanan ko.
Kasalanan ko kung bakit nawalan ako ng isanganak.
Kasalanan ko!

 

Chapter 93


"Nay, bakit po kaya parang laging malungkot si Papa at ilang araw na rin po siyang wala sa hacienda Esmeralda? May problema po kaya si Papa?" Tanong sa akin Santino.
Tila napansin ko lang rin na magmula ng malaman ni Senyorito ang tungkol kay Sam ay parang nag-iba siya. Hindi ko matukoy kung ano ngunit alam kong may iba.
Naging sibil ang pakikitungo niya sa akin kapag sinusundo at ihahatid niya ang mga anak namin.
Ngumingiti at tumatango na lamang siya kapag kinakausap ko.
Tinigilan na rin niya ang pagbibigay ng mga bulaklak, tsokolate at kung anu-ano pang mga bagay.
Pero hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa mga anak. Ganun pa rin siya kasaya sa tuwing makikita kong kasama niya Sina Santini at Seb.
Naiisip kong baka galit siya sa akin nang malaman na nawalan siya ng isang anak at hindi ko man lang agad sinabi sa kanya.
"Bakit mo naman naisip na malungkot o may problema ang Papa mo, anak?"
"Mad alas po kasi siyang absent-minded nitong mga nakaraang araw na nakakasama po namin siya ni Seb. Kapag nasa hacienda po kami ay lagi po kamingtinatanong ni Nanay Puring kung kailan ba raw kayo uuwi para raw po huwag ng malungkot at huwag ng inorn ng inorn ng alak si Papa sa gabi.ll Mga kwento ng panganay ko.
Tama ako. May nagbago nga sa kanya. Pero malakas ang kutob kong tungkol kay Sam kaya siya nagbago.
Kaya naman nagpunta ako ng hacienda Esmeralda para kausapin siya ngunit si Selene lamang ang naroroon.
"Ate, nasa hacienda Sto. Domingo si Kuya." Imporma sa akin ni Selene ng aking tanungin kung nasaan ang kanyang kuya.
"Selene, may napansin ka ba na nabago kay Senyorito nitong mga nakaraang araw? Sabi kasi sa akin ni Santino na parang malungkot daw ang Papa nila?
Lumatay ang lungkot sa magandang mukha ni Selene sa aking itinanong.
" Ate Karen, sorry. Nalaman ko rin ang tungkol sa kakambal sana ni Seb. Sobrang lungkot rin ang naramdaman ko at sobrang na guilty dahil hindi ko man alam na nawalan ka na pala ng isang anak at palagay ko 'yun din ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Kuya Simon ngayon. Lalo din siyang na guilty sa ginawa niyang pagmamalupit sayo dati. Sinisisi ni kuya ang sarili niya kung bakit nawala ang kakambal sana ni Seb. Alam kong sobra niyang sinisisi ang sarili sa pagkawala ng isa sa mga anak ninyo.
Masaya man siya sa araw dahil nakakasama sina Santino at Seb. Nagluluksa naman siya sa tuwing sasapit ang gabi at nilulunod lagi ang sarili sa alak para makalimot man lang."
Natigagal ako sa nalaman.
"At kaya rin siya umuwi muna ng hacienda Sto. Domingo ay para malapit lamang siya sa namatay ninyong anak. Kwento sa akin ng driver niya, araw-araw daw na nasa puntod ni Baby Sam si Kuya Simon at umiiyak ng umiiyak. Paulit-ulit daw na lumuluhod at humihingi ng sorry si Kuya Simon sa harap ng puntod ni Baby Sam dahil kasalanan niya raw ang Iahat ng mga nangyari. Kusang naglandas ang Iuha ko sa aking pisngi sa nalaman.
Naintindihan ng puso ko bilang magulang ang kung ano ang saloobin mayroon ngayon si
Senyorito Simon hinggil sa pagkawala ng isa sa
kambal.
Bakit ko nasabi?
Dahil ilang araw, linggo, buwan at kahit pa ilangtaon na ang nakakalipas. Iniiyakan ko pa rin ang pagkawala ni Sam.
Sinisisi ko rin angsarili ko dahil hindi ko man lang nalaman na nasa sinapupunan ko na pala siya. Hindi ko man lamang nalaman na sa bawat paghinga ko, kasabay ko na siya.
Kaya napakasakit. Halos mabaliw ako sa sobrang pagsisisi sa aking sarili. Pero pinapalakas ang 100b ko nina Santino at Seb.
"Selene, pwede bang makitingin muna Sina Santino at Seb?" tanong ko kay Selene.
"00 naman, Ate."
"Na sa eskwelahan pa kasi silangdalawa. Pupuntahan ko si Senyorito Simon sa hacienda Sto. Domingo."
Napangiti ng malapad si Selene sa narinig. Agad niya namang tinawagan ang driver niya para ihanda ang sasakyan para ihatid ako sa kabilang hacienda.
Aaminin kong hindi man naging maganda ang nakaraan naman ni Senyorito Simon ay concern pa rin ako sa kanya. Ginagawa niya naman ang lahat para matabunan ng magagandang alaala ng kasalukuyan ang mapait naming nakaraan.
Mahal na mahal niya ang mga anak namin. Hindi siya sumusuko kahit ilang beses ko na siyang binasted kahit pa sa batas ng tao ay mag-asawa pa rin kami. Kaya pupuntahan ko siya ngayon.
"Sino yan?! Hindi ba sinabi ko ng ayoko ng istorbo? ! "
Pasinghal na tinig ni Senyorito Simon. Inabutan na ako ng dilim sa daan bago ako maratingsa hacienda Sto. Domingo.
Nagtaka nga ako dahil halos hindi magkada-ugaga ang lahat ng mga kasambahay ng nakita akong pumasok sa mansyon. Lahat ng tao dito ay magiliw akong kinakausap.
Ang mayordoma ay hindi rin mapakali sa pagtatanong kung ano ang nais kung kainin o kung meron akong gusto at kailangan. Ngunit magiliw naman akongtumanggi dahil ang pakay ko lamang ay ang amo nila.
Agad nila akong sinamahan paakyat sa pangalawang palapag at iniwan sa harap ng silid kung nasaan nagmumukmok ang ama ng aking mga anak.
Pinihit ko ang doorknob at saka ako
pumasok kahit pa sininghalan niya ako.
Madilim ang buong kwarto at bukod tanging liwanag lamang na nanggaling sa lampshade ang nagbibigay liwanag na sapat lam ang para mamataan ko ang bulto ngtaong hinahanap ko. Naroon siya nakaupo gilid ng kama malapit sa side table.
"Ano bang kailangan niyo!?" muli niyang pasigaw na tanong na naiirita ang boses.
"Ako ito, Senyorito. Si Karen Imporma ko sa kanya.
Alam kong natigilan siya ng marinig ang boses ko.
"Anong ginagawa mo rito, Karen? Urnuwi ka na sa bahay mo, total doon naman ang gusto mo hindi ba? Kaya umalis ka na. Huwag ka ng babalik dito! Umuwi ka na! Hindi ka dapat nagpunta rito!" Taboy niya sa akin ng hindi man lang ako nilingon.
Hindi ako nagpatinag kahit sigawan niya pa ako ng paulit-ulit. Lumakad pa rin ako patungo sa kanya at hindi takot kahit pa pinapaalis niya ako.
Agad kung napansin na may hawak siyang bote ng alak. Sobrang kalat ng kanyang silid na waringdinaanan ng bagyo.
"l said go away!"
 


Chapter 94




Nagulat ako ng tumaas ang kanyang boses pero hindi ako matitinag.
"Ayoko nga! Hindi ako uuwi hanggat hindi ka tumitigil magmukmok. Akala mo siguro hindi ko malalaman itong pinaggagawa mo ngayon. Maging si Santino ay napapansin ang pagbabago mo." Sermon ko sa kanya.
"Wow! Acting like a nagger wife? Gayong malinaw at paulit-ulit mo ng sinabi sa akin na ayaw mo na, tapos na tayo at hiwalay na tayo bilang mag-asawa. Kaya huwag mo akong sermunan na parang concern na concern ka dahil alam kong ayaw mo ng isalba ang anumang relasyon na legal na meron tayo. Bumalik ka na sa bahay mol Hayaan mo na akong mag-isa dito! Huwag kang mag-alala dahil hindi na kita kukulitin at ipagpipilitan na mag-asawa pa tayo. Hahayaan na kita sa gusto mo, kaya pabayaan mo na ko!" galit na galit na sambit ni Senyorito Simon.
"Kaya ka ba nagkaganito ay dahil kay Sam?" Muling natigilan si Senyorito sa tanong ko at panay ang lagok ng alak sa bote.
"Senyorito, hindi mo na siya maibabalik kahit ilangdaang alak pa ang inurnin mo. Kaya tigilan mo na kung anuman ang ginagawa mo dahil hinahanap ka na rin ngdalawa mo pang mga anak 
" Bullshit! ll
Sigaw niya sabay hagis ng boteng hawak sa pader.
"Wala akong kwentang asawa! Wala akong kwentang ama! Kasalanan ko kung bakit nawalan ako ng anak! Kung sana naging mabuti akong asawa sayo! Kung sana hindi ko pinasama ang 100b mo! Sana hindi ka nakunan. Sana hindi nawalan ng kapatid si Santino at nagkaroon ng kakambal si Seb. Kaya kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko, Karen. Kasalanan ko kung bakit siya nawala! Kung bakit ka nakunan. Kasalanan ko! Kasalanan ko! ll
Halos madurog ang puso ko sa nakikitang anyo ni Senyorito Simon sa oras na 'to.
Urniiyak at binabayo ang sariling dibdib habang sinisisi angsarili at sinasabing kasalanan niya ang lahat kung bakit nawalan siya ng anak.
Hindi ko alam na ganun niya sinisisi ang sarili. Hindi ko alam na mahal na mahal niya ang isang anak na hindi man lamang niya nakita o nakasama.
Lum apit ako kay Senyorito at pilit pinipigilan ang kanyang kamao na kanyang isinusuntok sa kanyang dibdib.
"Tama na 'yan, Senyorito. Pareho lang naman tayong may kasalanan. Kung sanang nalaman kong buntis ako ng panahon na 'yun ay sana ay iniwasan na langdin kita. Kaya kasalanan ko din, kasi ako ang Nanay pero napabayaan ko siya.ll pag-alo ko kay Senyorito.
"No, it's all my fault, Karen. It's all my fault! That's why I'm blaming myself for being a useless husband and useless father!"
Niyakap ko si Senyorito Simon.
"Tama na, Senyorito. Nakaraan na 'yun. Kung nasaan man ang nawala nating anak  malamang na malungkot si Sam dahil nagkakaganyan ka. Hindi ko rin matanggap noong una, halos mabaliw nga ko noon pero iniisip ko na lamang na hindi siguro siya para sa akin, para sa atin. Kaya Senyorito, huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala namang may kagustuhang mawalan ng anak." wika ko sa kanya.
Gumanti ng yakap sa akin si Senyorito. Umaalog-alog ang balikat niya tanda ng kanyang pag-iyak.
"1 1 m sorry, Karen. I'm so sorry dahil wala ako noong panahong kailangang-kailangan mo ng karamay. Patawad dahil hindi kita nadamayan ng mawala ang anak natin kasabay din ng pagkawala ni Nanay Karina. Hindi ko ma-imagine kung gaano ka nagluksa at kung paano kang nagsimula ng ikaw lang mag-isa. 1 1 m sorry dahil makasarili ako. Iniisip ko ang sarili ko gayung ikaw dapat ang mas inaalagaan ko. Sising Sisi ako, Karen. Lalo na ng malaman kung nakunan ka dahil sa akin. Dahil pabaya ako. Dahil wala akong kwenta.'l
"Shhh, tama na Senyorito. Pinapatawad na kita sa anuman nagawa mo sa akin o sa amin pa nina Santino, Seb at Sam. Ang mahalaga naman tinanggap mo ang pagkakamali mo at nagsisisi ka. Kaya tama na, huwag ka ng magmukmok dito at hinahanap ka na ng mga anak mo."
Tumigil na sa pag-iyak si Senyorito pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin.
Namayani ng ilang minuto ang katahimikan sa amingdalawa.
Waring ninamnam ang sandaling magkayakap kami at nagdadamayan sa lungkot na nadarama.
"Talaga bang pinapatawad mo na ako,
Karen?" maya-maya'y tanong niya. Hindi ko makapa ang galit sa puso ko pero nahihirapan akong sagutin angtanongna iyon dati.
Pero ngayon, batid ko sa sarili kong matagal ko ng limot ang anumang galit na naramdaman dahil ang totoo, napatawad ko na siya, dati pa, matagal na.
Dahil ang totoo? Pareho lang naman kaming biktima ng mapaglarong tadhana.
"00, Senyorito, gusto mo ay bawiin ko? ll biro ko ng maiba naman ang tema ng malungkot na paligid.
"Huwag! Mamamatay na ako kapag hindi mo pa ako napatawad.ll Sagot niya naman na mas hinigpitan ang pagyakap sa akin.
Napangiti na lamang ako. Tila kay gaan sa pakiramdam.
Ang nag kapatawaran na sa mga kasalanan.
"Karen, mahal na mahal kita pero sige, igagalang ko ang desisyon mo na ayaw mo na.
Hindi ko na ipipilit na mag-asawa pa rin tayo. Ipapa-annulled ko ang kasal natin para tuluyan ka ng maging malaya sa akin. Mahirap para sa akin pero karapatan mong maging masaya pagkatapos ng mga masasakit na alaala na dulot ko sayo,ll saad ni Senyorito Simon sa malungkot sa tinig.
Nawalan ako ng kibo kapagdaka.
Ngunit surnilay din ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi ni Senyorito na handa niya akong pakawalan kahit sinabi niyang mahal niya ako.
Alam kong maliban sa pagmamahal ng mga anak ko ay may isa pang pagmamahal na kakaiba at waring ngayon ko lang nadama.
"Ganun ba? Sayang papayag na sana akong urnuwi dito sa bahay mo at papayag na rin sana kong sundan na natin si Seb." Deklara ko.
Nanlalaki ang mga mata na humarap sa akin si Senyorito pagkatapos niyang burnitaw sa mahigpit na pagyakap sa akin.
"Ulitin mo nga ang sinabi Imo?"
"Ang alin? Ang papayag na akong umuwi dito sa bahay mo?" Nakakunot noo kung pag ulit sa sinabi 1<0.
"Hindi, iyong payag ka ng sundan na natin si Seb."
Nahampas ko ng di-oras ang balikat ni Senyorito Simon.
"Manyak! " buska ko sa kanya.
Ngumisi si Senyorito ng marinig ang sinabi ko. Dagling naglaho ang anumang kinikimkim na kapighatian niya kanina lang.
"Talagang manyak na manyak na ako sayo,
Karen. Kaya wala ng bawian sa mga sinabi mo kanina."
At muli niya akong hinapit sa bewang paharap sa kanya.
"Senyorito, kelangan ko ng urnuwi ng
Hacienda Esmeralda dahil hahanapin ako ng mga anak natin."
"Sarap naman pakinggan ng sinabi mo. Ang mga anak natin. Pero hindi ka makakauwi ng Hacienda Esmeralda hanggat hindi ako nakaka siguradong may kasunod na talaga si Seb." Bulong niya sa tenga ko.
Nag tayuan ang lahat ng balahibo.sa katawan. Naghatid ng boltahe ng kuryente ang mainit niyang hininga na dumampi sa aking balat.
Hindi naman ako urninom ng alak ngunit pakiramdam ko ay lasing ako.
Nalunod sa anumang nag uumapaw na pagka sabik sa pagitan naming dalawa.
Hanggangsa namalayan ko na lang na pareho na kaming walang saplot sa katawan ni Senyorito at sabay na sumasayaw sa saliw ng isangtugtog na hindi kumukupas at naluluma kahit ilang panahon pa ang lumipas.
 


Chapter 95



"Akala ko ba okay na tayo, Karen, asawa 1<0?" may pagsusumamo sa mga mata ni Senyorito habang pinagmamasdan akong isinisilid ang mga damit ko kasama ang mga damit nina Seb at Santino sa isang malaking bag.
Hindi ako kumibo at nagpatuloy lamang sa ginawangpag-iimpake.
"Karen, don lt do this to me, please. May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" muli niyang tanong.
Zinipper ko na ang bag at saka binitbit ngunit pinigilan ako ni Senyorito Simon at pilit kinukuha ang bag na hawak 1<0.
"Karen naman, ano bang problema mo? Hindi natin maayos ang problema kung hindi tayo nagkakaintindihan."
Nanlilisik ang mga matang tinitigan ko siya.
"Ang mga halaman sa garden mo, sino ang nagbigay sayo? Kilala ko ang mga halaman na 'yan dahil mga tanim ko silang lahat at natatandaan ko kung sino ang bumili sa akin. Sabihin mo nga may babae ka ba?!" mabalasik kong sunod-sunod na tanong kay Senyorito.
Nalukot ang kanyang mukha na wari ly nag-isip.
Nagkaayos na kami simula ng puntahan ko siya mismo sa hacienda Sto. Domingo at napagpasyahan ko na ngang urnuwi na rin kami ng mga anak ko sa kanyang poder dahil napatunayan niya naman na mahal na mahal niya kami ng mga anak namin.
Ngunit ngayon ko lamang napansin ang pamilyar na mga halaman sa kanyang hardin  maging ang mga paso kung saan mga nakatanim. Pumasok sa balintataw ko ang magandang babae na siyang bumili ng aking mga pinakamamahal na halaman.
Sino siya? At bakit naririto sa garden ng mansyon na pag-aari ng asawa ko ang kanyang mga pinamili.
Nagngingitngit ang kalooban ko sa samut-saring emosyon at kung anu-anong eksenang pumapasok sa utak ko.
"Naging babae mo siguro ang babaeng bumili sa akin ng mga halaman at hindi ka na nahiya, dinala mo pa dito sa hacienda kung saan pinauwi mo kami ng mga anak 1<0! Ang baboy mol.
Ang baboy! Baboy ka! Umalis ka sa harapan ko! Nandidiri ako sayo!" talagang kinukutkot ang kalooban ko ng panibugho kaya hindi ko na
makontrol ang galit at inis ko.
Kaya wala akong pakialam kahit pa masaktan si Senyorito Simon sa malakas na paghampas ko sa kanya ng bitbit ko rin na shoulder bag na alam kong mamahalin dahil bigay ni Selene.
Naiinis ako! Nagagalit ako!
Kaya siya ang pagdidiskitahan ko total sa kanya naman talaga ako galit na galit.
"Aray! Tama na! Ano ka ba masakit!" lumakas na ang kanyang boses habang sinasangga ng kanyang mga kamay ang sunod-sunod kong pag-atake.
"At sinisigawan mo na ako ulit? Anong susunod mong gagawin? Sasakalin mo na ko ulit? Sige saktan mo na ako ng magkaroon na talaga ako ng dahilan para hindi na talagang makisama sayo!" singhal ko sa kanya.
Nabahala lalo ang kanyang gwapong mukha sa sinabi ko.
"No! Mamatay muna ako. Hinding-hindi na kita sasaktan kahit hampasin mo ko ng hampasin." Agad niyang dipensa sa sarili ngunit hindi ako kumbinsido.
Halos ka papasok lamang nina Seb at
Santino sa bago na nila ngayong eskwelahan.
Kaya naman kaming mag-asawa lang, si Selene, ang mga kasambahay ang narito ngayon sa mansyon.
Hindi ako nag paapekto sa paawa effect niya dahil mas lalo lang akong naiinis sa pagmumukha niya.
"Umalis ka sa daraanan ko! Gusto kong urnalis! l' patuloy kong sigaw na naman sa kanya. Dahil nakaharang lang naman ang malaki niyang katawan sa pintuan ng kwarto .
"Umalis ka, Senyorito! "
Urniling siya at lalo pang ginwardyahan ang pintuan.
Naiinis ko na panimulang bilang. Hindi pa rin siya nagpatinag.
"Dalawa!"
Ganun pa rin.
Umiinit na talaga ang bunbunan ko sa galit.
Kaya naman sinugod ko siyang muli at pinaghahampas sa iba't-ibang parte ng katawan ang shoulder bag na hawak ko.
Naka-alpas naman ako sa pinto at tuloy-tuloy na naglakad pababa ng hagdan.
"Asawa ko naman, mag dahan-dahan ka sa
pagbaba. Ako ang ninerbyos sayo.ll Habol ni Senyorito Simon .
Naka-abot na ako sa sala ng maabutan niya na akong muli.
"Karen, sekretarya ko lang 'yun. Inutusan ko lang na bilhin Iahat ng halaman mo noon. Kaya nariyan sa garden ng bahay natin.ll Imporma niya.
Nasaan ang dati niyang sekretarya na ka-close ko?
Lalo akong nainis sa kaisipang nakakasama niya pala ang babaeng 'yun sa kanyang opisina ng araw-araw.
Makatawag pansin na rin sa mga kasambahay ang boses ni Senyorito Simon.
Alam kong pikon na pikon na siya pero patuloy lang ang pagpapasensya sa akin.
Huminto ako sa paglalakad dahil humarang na naman siya sa malapad na pintuan.
"Bakit nag-utos ka pa? Hindi mo kayang bumili ng halaman na ikaw lang mag-isa?" tanong ko na may kasamang pag-uusig .
"Karen naman, syempre natatakot ako noon na baka hindi mo ako pansinin, kaya hindi ako agad makalapit." Katwiran niya na napakamot pa sa kanyang batok.
"Talaga lang? Paano ako makakasiguro na
sekretarya mo lang iyon at hindi mo babae?" paniniyak kong at pinagkrus ko po ang aking mga braso sa aking dibdib.
"l call her." Kinuha niya ang smartphone sa bulsa ng kanyang khaki shorts at saka nag dial ng numero. Ngunit naka ilang beses na siyang turnatawag ay wala namang sumasagot.
"Bakit walang sumasagot?" naiinip kong tanong.
"Baka maraming ginagawa. Ang mabuti pa ay pumunta na angtayo sa opisina." Suhestiyon niya .
"Sabihin mo gurnagawa ka lang ng palusot dahil bawal sa akin ang bumiyahe." At para kaming napapatentero sa harap ng pintuan dahil pilit niya akong hinaharangan na huwag makalabas.
"Senyorito, nanggigigil ako sayo! Umalis ka sa daraanan ko!" taboy ko sa kanya.
"No, patayin mo man ako hindi ko aalis dito at hindi ako papayag na umalis ka.ll Giit niya.
Sa sobrang inis ko ay hinubad ko ang suot king tsinelas at bin ato ko sa kanya na sakto sa noo niya tumama.
"Ouch! Karen naman! Naging sadista ka na."
Reklamo niya na nakahawak pa siya sa parte ng
kanyang ulo na nasaktan ng ibinato kong tsinelas. "Kasalanan mo 'yan! Ayaw mong umalis diyan! ll asik ko naman.
"What's happening?"
Sabay pa kaming napalingon ni Senyorito Simon sa nagtanong.
Si Selene na naglipat-lipat pa angtingin sa amin ng kuya niya na tila naguguluhan sa eksen ang kanyang naabutan.
"Si Karen, pinag-iisipan akong babae ko ang sekretarya ko. Sabihin mo nga sa kanya Selene na hindi totoo ang sapantaha niya. Na wala akong n aging babae.ll Surnbong ni Senyorito sa nakababatang kapatid.
Turnawa naman si Selene ng mahina at narinig ko rin na palihim na nagsibungisngisan ang mga kasambahay na abala sa paglilinis sa nakikita at naririnig na aming kumusyon.
 


Chapter 96


"Gosh! Kuya, ganyan ka pala talaga katakot na mawala si Ate Karen? Mabuti pa, ipalock mo na ang lahat ng pintuan na pwedeng labasan ni Ate Karen sa buong hacienda." Buska ni Selene sa nakatatandang kapatid na hindi talaga umaalis sa Pinto.
"Bueno, Ate Karen, totoo ang sinasabi ni Kuya. Malamang na lapitin siya ng mga babae pero alam ko at saksi ako na loyal siya sayo. Hayan na nga ang resulta diba? Agad-agad kayong nakabuo.l' Tinuro pa ni Selene ang tiyan ko na medyo nakaumbok na rin. Limang buwan na ang pinagbubuntis ko, kaya naman halata na.
"See? Wala akong babae. Kaya Karen naman umakyat na tayo sa itaas. Ibalik mo na ang mga damit ninyo ng mga bata sa closet."
Pakiusap ni Senyorito habang si Selene ay napapangiti na lamang habang umiling-iling at  saka tumuloy sa kusina.
Pinaningkitan ko ng mata ang lalaking ayaw akong palabasin ng bahay.
Hindi naman magsisinungaling si Selene at hindi rin naman sinungaling itong si Senyorito Simon. Todo effort nga siya mapunan lamang ang walongtaon naming hindi magkasama.
Malambing siya at maasikaso lalo na ng malaman na naman namin na buntis na naman ako. Lahat ng uri ng prutas ay nasa 100b na ng bahay.
Naiinis na nga ko dahil panay ang tanong niya ng ano ang gusto kong kainin?
Marahas na lang akong nag buntong-hininga at saka umikot na pabalik ng aming kwarto sa ikalawang palapag.
Sumunod naman siya agad at pilit pang kinukuha ang bitbit kong bag.
Matapos kong ibalik sa closet ang mga damit ko at darnit ng mga anak ko ay nakadama ako ng pagod kaya naman nahiga ako sa malambot na kama.
"At bakit nasa tabi kita?" sita ko kay Senyorito na akmang mahihiga na rin.
"Napagod din ako, kaya naman magpahinga na rin ako." Sagot niya.
"Ayaw kitang katabi kaya sa ibang kwarto ka matulog. Labas!" taboy ko sa kanya.
"Ano ba namang pagpaparusa ang ginagawa mo sakin asawa 1<0. Hindi na nga ko nakaka-ano sayo ngayon ayaw mo pa kung makatabi."
Ang sinasabi nyang hindi siya "nakaka-ano" ay hindi kami nakakapag-sex dahil ipinagbawal muna. Kaya naman buryong na buryong na sa buhay itong asawa ko.
"Ayaw nga kitang katabi. Okay, sige, dito ka, ako na lang ang lalabas." Banta ko .
Madali naman niyang kinuha ang isang unan at saka nagmamaktol na nag martsa palabas ng kwarto.
Hindi ko alam kung anong meron pero naiinis akong natutuwa kapag nakikita ko siyang bwisit na bwisit na.
Nakatulog na naman ako at paggising ko naman ay agad kong hinahanap ko ang presensya niya.
"Ate, umalis si Kuya Simon kanina." Imporma ni Selene ng kaming dalawa ang nagsabay kumain sa tanghalian. Hindi na rin naman kasi umuwi sa bahay Sina Seb at Santino dahil may canteen naman sa school nila at isa pa ayoko na rin silang mapagod sa biyahe pauwi sa bahay at pabalik na naman sa eskwelahan.
"Kamukhang-kamukha na naman malamang ni Kuya Simon ang nasa tiyan mo, Ate Karen. Palagi mong inaaway si Kuya.'l
Natatawang komento ni Selene na nanalangin na sana babae na ang ipinagbubuntis ko para may
aayusan na siya at dadamitan.
"Ewan ko ba, inis na inis ako sa kanya. Hinahanap ko naman siya kapag wala. Tulad ngayon, nakakabwisit dahil wala siya paggising ko kanina."
Napatawa ng mahina si Selene sa aking tinuran.
Malamang nga na kamukhang-kamukha na naman ng aking asawa ang ipinagbubuntis kong bata.
Tulog na ang mga anak ko sa kanilang silid ganun din si Selene at maging ang mga kasambahay aytulog na rin. Pero wala pa rin si Senyorito Simon. Wala akong natanggap na text o kahit tawag sa kanya sa maghapong lumipas kaya naman sinasalakay na ako ng kaba.
Nabuhayan ang loob ko ng bandang ala-una ng madaling araw ay narinig ko ang pagtigil ng kanyang sasakyan.
"Saan ka galing?"
Matigas kong tanong ng makita na siyang pumasok sa pintuan.
Medyo nagulat pa nga siya ng makita ang presensiya ko.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya rin.
"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?
Hindi ka man nagtext o tumawag maghapon? Sinasabi ko na nga ba at siguradong may babae ka." Paratang ko na naman sa kanya.
Tila pagod niya akongtiningnan.
"Karen, pagod ako at isa pa madaling araw na para mag-away na naman tayo. Doon na ako sa guest room matutulog." Saka niya na ako iniwan sa sala.
Nangingilid ang luha ko. Pakiramdam ko wala na siyang pakialam sa akin dahil nilampasan niya lamang ako at ayaw niya pa akong makatabi sa silid namin.
Malamang na totoo talagang may babae siya at naroon siya maghapon. Kasi nga naman hindi ko maibigay ang pangangailangan niya sa kama dahil hindi pwede sa kalagayan ko at isa pa lagi ko siyang inaaway kaya marahil ay na nagsasawa na siya sa ugali ko.
"Bakit ka riyan matutulog? Diyan ba ang kwarto natin?" asik ko na namang tanong ng sundan ko siya papuntang guest room.
Nag buntong-hininga mo na siya bago siya sumagot.
"Hindi ba ayaw mo naman akong katabi? Pinalayas mo nga ako kanina sa kwarto hindi ba?
Kaya para walang away, dito na ako matutulog,"
saad niya at saka pagod na humiga na sa malapad na kama.
Lalo akong kinutkot ng galit.
"Babae siguro ang kasama no maghapon kaya pagod na pagod ka ano?!" pagpaparatang ko sa kanya.
Ngunit hindi man niya ako pinapansin at nakapikit lang.
Kinuha ko ang ang unan at pinaghahampas na naman siya. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Ano ba naman, Karen? Can't you see I'm tired? Gusto ko ng magpahinga at wala na akong panahon makipagtalo pa sayo." Inis na inis nyang sabi bagamat pigil ang pagtaas ng boses.
"Sinigawan mo na naman ako?" tanong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Why are you crying? Ikaw na nga itong bintang ng bintang at nananakit tapos ikaw pa itong iiyak diyan? l'
"Aalis na ako bukas para wala ng iistorbo sayo!" wala sa 100b kong sabi.
Hindi na siya kumibo at bumalik sa paghiga. Tinakpan ng unan ang kanyang mukha.
Ngitngit na ngitngit talaga ako sa galit.
Akala niya siguro hindi ko gagawing layasan na naman siya. Nagawa ko na dati, kaya naman
kaya ko na namang gawin.
Kaya naman nag martsa ako palabas ng guest room sa sobrang inis.
At ramdam ko ang lagapak ng aking pwet sa matigas na sahig. Nagkamali ako ng apak ng paa na siyang dahilan kung bakit ako natapilok at tuluyang marahas na napa-upo.
" Karen!"
 
Last Episode
Lumipas ang mga araw at kabuwanan ko na sa panganganak. Akala ko nga mawawala naman ang pinagbubuntis ko matapos akong madulas ng gabing inaaway ko si Senyorito Simon.
Takot na takot ako ng mga oras na 'yon. Agad niya naman akong nadaluhan ng asawa ko at tinakbo sa ospital. Mabuti na lamang at walang masamang nangyari sa sanggol na nasa sinapupunan ko. Ngunit napansin kong nag-iba na naman ang pakikitungo sa akin ni Senyorito Simon na halos hindi na naman kami nagkikita kahit sa isang bahay lang naman kami nakatira.
Si Selene ang madalas kong kasama sa mga check-up ko sa doktor na tumitingin sa akin. Nagpa-ultra sounds na ako pero hindi sinabi sa akin ni Selene ang resulta.
Magpaparty daw siya para sa gender reveal ng susunod niyang pamangkin. Pero manganganak na ko ay wala pa rin ang party para malaman ko na ang kasarian ngaking anak. At syempre, angdalangin ng karamihan ay sana babae na ang bagong miyembro ng aming pamilya. Si Santino ay babae rin ang gusto.
Ganun din ang panalangin ni Seb. Pero ang opinyon ng Papa ng baby ko ay wala na naman. Laging wala sa bahay si Senyorito at hindi ko alam kung umuuwi pa nga ba
"Selene, maglakad-lakad muna ako para matagtag." Paalam ko kay Selene na may pinag kaka-abalahan. Niyaya niya kasi akong magpunta dito sa Hacienda Esmeralda dahil daw may aasikasuhin siya. Sumarna naman ako dahil miss ko na rin ang lugar na ito maging ang lugar kung saan kami nakatira ng mga anak ko dati.
Hindi naman mainit ang sikat ng araw kaya naman mas lalo akong nalibangsa paglalakad. Nagtataka nga ako at parang walang ibang tao sa paligid. Kanina pa ko lingon ng lingon partikular sa lupang sakahan at baka sakaling may makita na kakilala. Ngunit wala akong masumpungan kahit isa. Ayoko sanang lumayo pero awtomatikong humahakbang ang aking mga paa sa direksyon kung saan naroon ang aming kubo.
Napupuno nga ng galak ang puso ko habang papalapit ako ng papalapit sa bahay kung saan nanirahan kami ng mga anak ko. Bahay na naging saksi sa hirap na pinagdaanan namin sa buhay lalo na noong panahong maliit pa lamang sila. Noong panahong hindi ko alam kung ano at sino ang uunahin ko sa oras na umiyak sina Seb at Santino dahil wala pa akong nilutong pagkain.
Literal na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang malaking pagbabago ng bakurang kinatitirikan ng aming bahay kubo.
Agad akong nagpunta sa gate.
Laking pagtataka ko kung paanong nangyari ang lahat sa paligid.
Ang dating bakuran na napapaligiran lamang ng mga halamang ligaw bilang bakod, ngayon ay ibang-iba na ang itsura. Ang gate na dati ay gawa sa langsa kawayan, ngayon ay bakal na rin at may malaking padlock.
Awang ang labi ko habang palinga-linga sa malaking pagbabago na pinagmamasdan 1<0. Naroon pa rin ang aming kubo ngunit ang kapaligiran ay ibang iba na.
Nagmistulang greenhouse ang paligid. Maraming naggagandahang bulaklak at halaman ang aking nasisilayan.
May iba't-ibang kulay, Iaki at hugis ngunit lahat ay kay gaan sa mata.
Heto ang pangarap ko, ang pangarap namin ng Nanay 1<0. Ang magkaroon ng ganitong hardin. Tipong punong-puno ng mga halaman.
Hindi ko alam kungsaan ibabaling ang aking paningin.
Ngunit hindi ko maiwasan ang magtaka kung paanong nangyari ang bagay na 'to.
Sa pagkakaalam ko, sa akin ang lupang to kaya sinong pangahas ang nagpabago at pakialaman ang lupang pag-aari ko?
Wala akong itulak kabigin sa ganda ng lugar. Naiinis man ako dahil walang permiso ang sinumang may kagagawan nito ngunit hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mga halamang nasa paligid.
Ibat-ibang variety ng alocasia, may mga bulaklak ang bawat peace lilies na mamataan ko. Ang ibang halaman kahit hindi ko alam ang pangalan ay alam kung inaangkat pa sa ibang bansa dahil ang ibang uri ng mga halaman ay nakikita ko online.
Hindi ko alam kung saan ko ililingon ang ulo ko. Hindi ko alam kung sino ang una kong pag mamasdan.. Lahat ng mga halaman sa paningin  ko ay animo nagpapaligsahan sa kariktan at hinihikayat ang mga mata ko para sila ay pagmasdan.
"Nagustuhan mo ba?" napapitlag pa ako ng may marinig na tanong at ng lingunin ko. Ang asawa ko na mukhang galing sa 100b ng kubo.
"Senyorito, anong ginagawa mo rito?" nagtataka kongtanong. Lumapit naman sa akin
ang lalaking sa totoo lang ay mas miss na miss ko na.
"Nagustuhan mo ba ang paligid?" muli niyang tanong habang pinagmamasdan din ang kapaligiran.
"l-ikaw ba ang may gawa nito?" mahina kongtanong.
Tumango naman siya at ngumitl.
"Alam kasing malapit ka sa mga halaman." Sagot niya at hindi ako makapaniwala. Buong akala galit na naman siya sa akin dahil sa hindi niya naman ako kinikibo. Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-iyak.
"Karen, hindi mo ba nagustuhan?" may pag-aalala sa kanyang mukha maging sa kanyangtinig. Umiling ako at saka pinahid ang tubig na kumawala na sa aking mga mata.
"Bakit hindi mo ako kinakausap? Bakit parang ayaw mo na akong makita?" sa halip na sagutin angtanong niya ay iba ang ibinulalas ng aking bibig.
Tumingin siya sa akin ng may pang-unawa. Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang dalawa kong kamay .
"Dahil ayokong ma-stress ka, ayokong maulit na magalit ka na naman sa akin at baka may mangyari na namang hindi maganda sayo at sa magiging anak na naman natin." Madamdamin niyang pahayag.
Lalo akong naluha sa kanyang tinuran.
Umiiyak ako gabi-gabi sa kakaisip na baka hindi nama niya ko mahal at may iba na siyang gusto.
"Akala ko may ibang babae ka na at ayaw mo na sa akin."
Ngumisi siya at hinalikan ang labi 1<0.
"Silly, ang takot ko lang na ilayo mo na naman ang mga anak ko kapag ginawa ko ang na 'yon. Mahal na mahal kita Karen pati ang mga anak natin. Kaya nga tiniis ko rin na huwag mo nang lumapit sayo dahil baka galit na galit ka naman sakin sa aksidente mong pagkadulas. Kaya nga nag-isip ako ng isang bagay na pwede kung gawin na ikakasaya mo. Total naman mahilig ka sa halaman kaya naisip ko gurnawa ng isang greenhouse at alam kung sa lugar na ito ay marami kayong ala-ala ng mga anak natin. Kaya dito ko naisip gawin. Magtiyaga akong humanap ng magagandang halaman online para iba't-iba ang mailagay ko dito sa garden mo." Litanya ni
Senyorito na [along nagpabalon sa mga mata ko. Kung anu-anong iniisip ko gayong siya naman pala ay abala sa pag-iisip kung paano ako mapapasaya.
"Asawa ko, bakit ka ba iyak ng iyak?
Nagaalala akong baka may mangyari na naman sayo niyan.
Niyakap ko siya at umiyak ako ng umiyak sa kanyang malapad na dibdib. Hinaplos niya ng buong pagmamahal ang aking likod habang sinasabingtumahan na ako.
"Masaya lang ako, hindi ko akalain na gagawin mo lahat ng ito para lang mapasaya ako." Wika ko sa pagitan ng paghikbi.
"Lahat gagawin ko para mapasaya ka.
Marami akong nagawang pagkukulang sayo. Marami akong utang sayo na kahit ang buhay ko hindi sapat na pambayad. Ang sakripisyo mo para mabuhay ng maayos ang mga anak natin sa kabila ng ikaw lang mag-isang bumubuhay sa kanila ay isa sa mga pinagpapasalamat ko. Karen, asawa 1<0, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin."
Kumalas sa pagka kayakap ko si Senyorito at may hinugot sa bulsa ng kanyang pantalon. At sa hindi ko inaasahan, lumuhod siya sa aking harapan hawak ang isang kumikinang na singsing na kanyang hawak.
"Karen, asawa 1<0, umpisa pa lang ng ating pagsasama ay inaamin kong naging malupit ako
sayo. Hindi ako naging mabuting asawa at hindi naging mabuting ama sa panganay natin na anak. Pero sa kabila ng Iahat ng kasamaan ko nagawa mo pa rin akong pagsilbihan bilang asawa ng taos sa puso mo. Ilang beses man  kitang saktan patuloy mo pa rin pinaglalaban na mahalin ko si Santino bilang anak kahit inaalipusta kita sa paratang na wala naman akong sapat na basehan. Noong mawala kayo sa buhay ko, naramdaman kong nawala rin ang isang bahagi ng pagkatao ko. Kaya naman hinanap ko kayo at sa hindi ko inaasahan, muli mo akong pinahanga ng makita kong may isa pa pala tayong naging anak pero nagbalik ang lungkot at galit ko sa sarili ng malamang may kinalaman ako sa pagkawala ng sana ay kakambal ni Seb pero anong ginawa mo? Ikaw pa ang nagpalakas ng loob ko sa kabila ng impyernong buhay na pinaranas ko sayo. Hindi ako karapat-dapat para sa pagmamahal mo pero handa akong magsakripisyo kahit pa paghahampasin mo ako araw-araw ng bag mo." Mahabang pahayag ni Senyorito Simon habang lumuluha na rin kagaya ko.
"Karen, asawa ko, gusto ko sanang magsimula tayong muli kasama ng mga anak natin. Si Santino, Seb at ang isa pang regalo na nasa loob pa ng tiyan mo. Karen, asawa ko, gusto
 sana kitang pakasalan ulit. Isang kasal na karapat-dapat sa isang kahanga-hangang Ina, asawa at babaeng gaya mo. Will you marry me, Again?" Wala akong makapang kahit anong salita na ma pagpapaliwanag sa kung anong saya ang nadarama ko sa mga oras na ito.
"00, asawa ko, magpapakasal ako ulit sayo kahit ilang ulit pa." Sagot ko na may matamis na ngiti sa aking labi.
Nagmamadaling isinuot ni Senyorito Simon ang singsing sa aking daliri at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ako sa labi ng marubdob at punong-puno ng pagmamahal.
Biglang may nag sigawan at nag palakpakan sa paligid.
"Congrats Papa at Mama." Pagbati ni Santino at hinalikan ako sa pisngi. Yumakap naman agad sa amin sa Seb.
"Mama, Papa, sobrang saya ko po ngayon dahil magkasama po tayong lahat." Wika niya.
"Congratulation Ate, Kuya." Pagbati rin ni
Selene at niyakap kami pareho ng kanyang Kuya.
Lumapit din ang mga tao sa paligid at bumati sa amin.
"Congrats Senyorito, Senyorita .11
Sabay-sabay na pagbati ng mga tauhan ng hacienda Esmeralda.
"Kaya pala nagtataka ako bakit parang walang tao sa paligid. Nandito pala kayong lahat." Kunwari ay pagtatampo kong sambit kina Ate Clara, Manang Puring at sa lahat ng naroroon na halos lahat naman ay mga kakilala namin ng mga anak 1<0.
"Ate Karen, si Kuya Simon talaga ang nagplano ng lahat ng ito. Kaya nga naudlot ang gender reveal party dahil isasabay natin ngayon." Wika naman ni Selene at saka may mga lumapit na kababaihang may dala-dalang malaking kulay berdeng cake na ang terna ay mga halaman.
Napangiti ako dahil ang cute ng design.
May tao rin na may dalang lobo na kulay blue at pink at saka isa-isang kumuha ang mga taong kasama namin.
Halos kalalakihan ang may hawak ng kulay asul na lobo at obvious naman na mas marami ang may gustong babae ang gender ng baby ko sa dami ng may hawak ng pink na lobo.
Namamangha ako.
Hindi ako makapaniwala na ganito ko iseselebra ang pagkakataong malalaman na namin ang kasarian ngsanggol na aking nasa sinapupunan.
Ang totoo wala namang kaso kung lalaki o babae. Ang mahalaga naman sa mga magulang ay ang makitang malusog at normal ang kanyang anak.
"Ate, hilahin niyo ni Kuya Simon ng dahan-dahan ang nasa ibabaw ng cake." Utos ni Selene at itinuro angdapat naming hilahin ng kanyang kuya.
Masaya naming sinunod na mag-asawa ang sinabi ni Selene.
Dahan-dahan naming hinila ang nasa itaas ng cake.
Unang salitang nabuo ay congratulations at dahil na rin sa mga sigawan ng mga tao sa paligid ay binigla na namin ang paghila sa mga susunod pa na letra.
Nakakabingingsigawan na may kasama ng palakpakan ang naririnigsa paligid.
Niyakap na naman ako ng aking asawa at mga anak ng napakahigpit.
GIRL.
Ang huling salita.
Nanubig na naman ang aking mga mata. "Thank you, asawa 1<0." Sambit Senyorito at saka ako hinalikan sa mga labi.
"Yes! May babae na akong pamangkin.
Congrats to the both of you." Maluha-luha rin na sambit ni Selene.
"Please lang Selene, huwag mong masyadong turuan mag make-up ang baby girl 1<0." Ang bilin ni Senyorito sa kanyang kapatid. "l can't promise big bro." Nakangising sagot naman ni Selene.
Alam ko namang ma-i-ispoiled na naman kay Mommy Selene ang baby girl namin..
"Ma, ibibigay ko po sa kanya lahat ng naipon kong mga laruan at damit na para kay Sam."
Napangiti ako lalo sa sinabi ni Seb.
"00, anak."
Masaya ang lahat. May mga pagkain din palang nakahanda na nakapwesto sa likod ng kubo na hindi ko napansin agad 
"Pagod ka na ba? Mauna na tayo sa hacienda kung gusto rno?" tanong ng asawa ko.
Tinitigan ko siya at saka ako napangiti. "Hindi ako mapapagod dahil nandyan kayo ng mga anak natin." Sagot ko.
Si Senyorito Simon naman ang napatitig sa akin.
"May dumi ba ang mukha ko?" tanong ko at saka pinunasan ng palad ang aking noo. "Napakaganda mo kasing buntis.ll
Sumimangot ako sa sinagot niya.
"Ang laki kaya ng ilong ko ganun din ang eyebags ko. Paano naman kasi lagi kitang iniisip." Nakasimangot kong wika.
Natawa ng mahina si Senyorito.
"Asawa ko, mahal na mahal kita. Kahit lumaki pa ang ilong mo ng kasinlaki ng kamatis o sin laki pa ng backpack ang eyebags mo ay patuloy kong pasasalamatan hanggang sa kabilang buhay Sina Lola Loreta at Nanay Karina. Si Lola sa pagpili niyang pakasalan kita na akin palang pagsisihan kung hindi ko siya sinunod. At syempre kay Nanay Karina, dahil ipinangak ka niya at pinalaki ngtama. Salamat sa kanilang dalawa dahil may asawa akong kahanga-hanga,
Ina ng mga anak ko at magiging mga anak ko pa." Masayang deklara ni Senyorito Simon na hindi umaalis sa tabi ko kahit pa itinataboy 1<0.
"At saka nga pala, asawa ko. Pwedeng huwag mo na akong tawaging Senyorito." Hiling ng asawa ko.
"Ayoko, mas gusto kitang tawaging Senyorito para unique sa lahat." Sagot ko naman.
"Ganun ba? Ikaw ang bahala kung 'yan ang gusto mo. Basta ang mahalaga, mahal natin ang isa't-isa at wala ng bawian ang pagpapakasal no ulit sa akin." wika ni Senyorito Simon.
"Aray!'l
Daing ko kasabay ng pagguhit ng sakit sa aking balakang.
Sumigid ngsumigid angsakit. Manganganak na ako.
Nagkagulo na ang mga tao sa paligid ng hindi ko na kaya ang nararamdaman.
Mabuti na lamang at inabot pa rin naman ako ng panganganak sa ospital.
"Thank you, Karen 
"Para saan na naman?" tanong ko sa asawa ko na nakatabi sa akin habang ako ay nakahiga clito sa kama ng ospital. Kahapon pa ako nanganak kaya naman medyo okay na ang pakiramdam ko lalo na ng makita at mahawakan ko ang malusog na sanggol na iniluwal ko.
Si Sab o Sabrina.
Si Seb ang nagbigay ng pangalan sa kanyang bunsong kapatid.
"For being my wife at sa pagbibigay sa akin ng mga anak." Madamdaming saad ni Senorito habang nakatingin sa tatlo niyang anak.
Nakalagay sa kulay pink na crib ang bagong miyembro ng aming pamilya habang ang dalawa niyang kuya ay walang sawang nakamasid sa kanya.
Inihilig ko ang aking ulo sa balikat ng aking asawa.
Nilingon naman niya ako.
"l love you." Bulong niya at saka hinawakan ang aking kanang kamay
"l love you too." Pagsagot ko.
Napangiti kami sa isa't-isa at sabay pinagmasdan angtatlo naming mga anak. Sa wakas, matapos ang ilang taon. Isa na kaming ganap na pamilya.
Wakas.

END.
DATE SAV E 04/30/2022






 




About the Author

Good day! Thank you for visiting us! We hope you find what you’re looking for and that you enjoy your stay.

Post a Comment

Cookie Consent
We serve cookies on this site to analyze traffic, remember your preferences, and optimize your experience.
Oops!
It seems there is something wrong with your internet connection. Please connect to the internet and start browsing again.
AdBlock Detected!
We have detected that you are using adblocking plugin in your browser.
The revenue we earn by the advertisements is used to manage this website, we request you to whitelist our website in your adblocking plugin.
Site is Blocked
Sorry! This site is not available in your country.