Fight For My Sons Right Chapter 81-90

Please wait 0 seconds...
Scroll Down and click on Go to Link for destination
Congrats! Link is Generated





Written by: KoryanangNegra


Introduction
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"



Chapters 81-90
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

Chapter 81


Halos panawan ako ng ulirat ng humahangos na dumating sa bahay si Senyorita Selene. Urniiyak siya habang sinasabing kailangan naming magpunta sa ospital dahil naaksidente raw Sina Senyorito Simon at Santino. Halos isang oras na nga ang nakalipas ng nag tatakbo si Santino at habulin ni Senyorito Simon. Hindi ko sila sinundan sapagkat iniisip ko ang magkasarilinan silang mag-ama para magka-usap ng masinsinan. Wala sa hinagap ko na pwedeng silang mapahamak lalong-lalo na ang anak ko.
Waring nawalan ako ng lakas. Tanging alam ko na lamang ay mabilisan kaming lumulan sa kotse ni Selene kasama na rin si Seb na litong-lito sa nangyayari.
Basta na lamang umagos ang luha ko na parang hindi na maampat sa sobrang pag-aalala. Naurnid na angdila kodahil wala na akong maisatinig na kahit anong letra. Panay ang dalangin ko sa aking isipan na, nawa'y walang nangyaring masama sa mag-ama.
"Doc, kami ang pamilya ng mag-amang na-aksidente. Kamusta sila? ll agad na tanong ni Selene sa nakitang doktor sa 100b ng ospital na aming pinasukan.
Nanlalamig ako at balisang-balisa.
Parang hindi ako makahinga sa sobrang pag-aalala. Hindi ko marinig ang sagot ng Doktor sa tanong ni Selene.
Basta na lamang akong hinila ni Seb para sumunod sa nagmamadaling si Selene.
Huminto kami sa isang silid at ng burnukas ang pinto at makita ko si Santino na nakahiga sa  isang puting higaan ay lalong bumuhos ang luha ko.
Halos tinalon ko lamang ang pagitan naming mag-ina at saka ko siya mahigpit na niyakap.
"Santino, anak, anong pakiramdam mo?
lturo mo saan ang masakit?" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang sinusuri ko ang kanyang katawan. Maliban naman sa gasgas sa braso ay wala naman akong nakitang seryosong pasa o sugat sa kanyang katawan.
Umiling si Santino at nangingilid ang luha.
"Sorry po Ma, kung pinag-aalala po kita." Naluluha niyang wika.
"Papa, bakit po may balot ang isa mong braso?
Ang tanong ni Seb ang nakapag paglingon sa akin sa kabilang higaan kung saan nakahiga naman si Senyorito Simon.
"Wala ito anak, gasgas lang." Tumatawang sagot niya kay Seb na lumapit na sa kanya para suriin.
"Kuya, what happened ba? Paano ba kayo naaksidente nitong si Santino? Alalang-alala kami sa inyo. Akala ko nga hihimatayin na si Ate Karen sa sobrang putla nya kanina.ll tanong naman ni Selene na lumapit kay Santino at saka niyakap din ang anak kong panganay.
"Santino, you sure you're okay? Please don 't hesitate to tell kung may masakit sayo."
Senserong saad ni Selene sa pamangkin.
Tumango naman si Santino sa tiyahin.
"Okay lang po ako, Mommy Selene." sagot niya.
Bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang isang lalaking doktor na palagay ko ay nasa late forties na ang edad at isang batang nurse na lalaki rin na may hawak na chart na hub crewilang sandali lamang ay binasa na ng doktor.
"Mr. Sto. Domingo, walang serious fracture ang X-ray mo at ganun din ang resulta ng X-ray ng anak mo," saad ng Doktor ng makita ang)(-ray ng mag-ama.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ligtas na silang dalawa.
Pinaalala lamang ng doktor na laging uminom ng gamot at linisin ang mga sugat ni kanilang natamo. Lalong-lalo na si Senyorito Simon na may kalakihan ang sugat sa kaliwang braso.
Gustuhin ko man na tanungin ang anak ko sa kung anong nangyari sa kanila ng kanyang ama ay pinagpaliban ko muna.
"Sige na anak, matulog ka na ulit,ll sabi ko sa kanya dahil pasado alas onse na pala ng gabi. "Ma, uuwi na po ba kayo ni Seb?" agad naman niyangtanong.
Urniling ako.
"Sila lamang ni Mommy Selene ang uuwi. Maiiwan si Mama para alagaan ka." Nakangiti kong turan.
Nakapag desisyon kung ako na lang ang magbantay sa mag-ama. Si Selene na lang muna ang bahala kay Seb .
"Bye kuya ,bye Papa, sana gumaling na kayo agad para makapag bike na tayo." Pamamaalam ni Seb dalawa naming pasyente.
"Anak, huwag mong kulitin si Mommy
Selene, ha." Bilin ko sa aking bunso na unang beses kong hindi makakasama sa pagtulog. Sa mansyon sa hacienda Esmeralda ang tuloy nilang magtiyahin.
"Opo, Ma, promise PO." Pabibong sagot naman ni bunso.
"Don 't worry, Ate, aalagaan ko to kahit gaano pa niya ko kulitin." Si Selene na hinahaplos pa ang buhok ni Seb.
Matapos magpaalam ay umuwi na ang mag tiyahin at kamingtatlo na lamang nina Santino at Senyorito Simon ang naiwan sa pribadong silid ng ospital. Mabuti na lamang at pinabalik ni Selene ang kanyang personal na driver para sa mga darnit na aming pamalit na hindi na ako nagtataka na puro branded at bago.
Pinunasan at pinalitan ko ng pantog si Santino habang tulog naman sa kabilang kama si Senyorito Simon.
"Anak, kapag may masakit sayo agad mong sasabihin kay Mama." Paalala ko sa kanya habang pinapalitan ko siya ng mas makapal na damit dahil malamig ang aircon ng kwarto.
"Wala naman po akong masakit Ma. Itong gasgas 1<0, balewala po ito sa sugat ni Pa-pa." Tila nahihiya pa si Santino na tawaging Papa ang sinulyapan sa kabilang kama.
"Iniligtas po ko ni Papa, Ma. Hinahabol niya po ako kaya mas lalo po akongtumakbo ng mabilis. Nang makarating po ako sa kalsada, hindi po napansin na may mabilis na single na motor. Napahinto na lamang po ako sa gitna ng kalsada dahil po nasilaw na po ko sa ilaw ng motor. Ipinikit na po ang mga mata dahil akala po mababangga na ako. Kaso po may yumakap po ng mahigpit sa akin at sabay po kaming natumba sa kalsada. Pagmulat ko po ng mata, si Papa po ang nakayakap sa akin. Iniikot pa po niya ang katawan niya para po ako ang nasa ibabaw at hindi po ako masaktan." Maluha-luha na lahad ni Santino habang nakatingin pa sa Papa niya sa kabilang kama.
Hinaplos ang puso ko sa narinig na kwento ni Santino. Napatingin din ako sa kabilang higaan kung saan himbing ang tulog ni Senyorito Simon.
"Kaya anak, huwag na huwag mo ng gagawin ulit ang ginawa mo kanina." Pangaral  sa anak ko.
"Pangako po, hinding-hindi na po Mama," sagot ng panganay ko na itinaas pa ang kanang kamay na para bang nanunumpa.
Napangiti na lamang ako sa kanya at iginaya  siya para matulog ng muli. Nang makatulog si
Santino ay unti-unti akong bumangon sa pag katabi sa kanya. Dahil baka mapahimbing ako ng tulog at hindi siya makainom antibiotic na na oras para sa sugat nya.
Bahagya pa akng nagulat ng makitang titig na titig pala sa amin si Senyorito Simon na hind  ko namalayan na nagising pala.
"Gising ka na pala Senyorito, nagugutom ka ba?" agad kong tanong at saka siya nilapitan.
Ngumiti si Senyorito at saka urniling.
"Nagising ako kasi baka panaginip lang na nandito kayo ni Santino kasama 1<0," wika niya na tumingin pa sa anak na himbing na din ang tulog.
"Senyorito, salamat nga pala sa pagligtas kay Santino. Nagkwento na siya sa akin kanina kung anong nangyari." Pasasalamat sa kanya.
Deretsong tumingin sa mga mata ko si Senyorito.
"Ako ang dapat magpasalamat sayo Karen.
Salamat dahil binigyan mo ako ng mga anak. Salamat sa pagpapalaki sa kanila ng maayos kahit wala ako sa tabi niyo, kahit wala ang suporta 1<0. Salamat dahil kahit napakasama kung tao hindi mo nagawang siraan ang pagkatao ko sa mga anak natin. Salamat Karen at alam kong hindi sapat kahit isakripisyo ko pa ang sarili kong buhay para sa kaligtasan ni Santino o kahit
pa ninyo ni Seb para mapatawad ang nagawa kong kasalanan." Madamdaming linya ni Senyorito.
"Alam mo kanina ng makita kong mababangga ng motor si Santino, naisip ko kung gaano talaga ko walang kwentang ama. Nag-flash back sa isipan ko noong panahong wala kang malay at kinuha siya sa 100b ng matris mo. Noon muntik na siyang nawala dahil sa kagaguhan ko tapos ngayon muntik na naman siyang mapahamak dahil na naman sa kagagawan 1<0.
Alam mo ang pakiramdam na sising-sisi ako dahil mas nakinig ako sa ibangtao at hindi sa kung ano ang nasa puso ko." Patuloy na saad ni Senyorito. "Kung sana na hindi ako naging. makasarili, kung sana na mas pinakinggan kita kaysa sa hinusgahan base lamang sa kwento ng iba. I'm the worst husband, the worst father kaya kahit mamatay pa ako hinding-hindi ako nagsisisi na namatay ako para sa kaligtasan ng anak ko, ng anak kong itinatwa ko."
Ewan, pero kusang tumulo ang luha ko sa pakikinig sa mga sinasabi ni Senyorito. Ramdam ko ang bigat sa kanyang bawat salita.
Nagpilit burnangon si Senyorito Simon mula sa pagkakahiga kaya naman kusang gumalaw ang katawan ko para lumapit at alalayan siya.
"Karen, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sainyo ng mga anak 1<0. Pero handa akong maghintay. Maghihintay ako sa araw na mapapatawad mo ako." Pagsusumamo ang nabasa ko sa mga mata ni Senyorito Simon.
Nabigla pa ako ng hawakan ng kanyang kanang kamay ang aking ding kanang kamay at dalhin sa kanyang labi at masuyong hinagkan.
"Sorry for ruining our family. Promise babawi ako sa inyo ng mga anak natin.ll Muli niyang sambit sa nangungusap na mga mata.
Hindi ako nakakibo.
Pakiramdam ko nag kabuhol-buhol ang paghinga ko at burnilis ang ritmo ng puso ko. Hinigit ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at saka umiwas ng tingin.
Magsasalita pa sana ni Senyorito Simon ng may kumatok sa pintuan at pumasok ang isang nurse na chineck ang lagay nila si Santino. Nagising din si Santino kaya naman nakahinga ako ng maluwang dahil nakaiwas ako sa kanyang ama.
Habang nakahiga ako sa tabi ulit ni Santino ay may gumugulo sa utak ko.
Anong pinagsasabi ni Senyorito?
May pahalik-halik sa kamay 1<0?
Hindi pa ba sila kasal ni Senyorita Daphne?
 


Chapter 82


Matapos ang tatlong araw na pananatili sa ospital ay pinauwi na Sina Senyorito Simon at Santino. Pareho naman na natuyo na ang kanilang mga natamong sugat lalo na ang kay Santino na kung tutuusin ay maliit lamang na gasgas ang tinamo at napakalayo sa kanyang bituka.
Kakasuhan sana ang driver ng motor na nakabangga sa kanila, ngunit nakiusap ako kay Senyorito Simon na huwag ng kasuhan dahil kung tutuusin ay wala naman talagang kasalanan ang lalaking driver na nasa kwarenta na siguro ang edad. Humingi naman kasi ng pasensya sa nangyari at nakita kong may mga gasgas din sa kanyang katawan dulot ng aksidente. Pasalamat na lamang kami na pare-pareho silang igtas at pawang mababaw na sugat lamang ang mga natamo. Ayaw san ang pumayag ni Senyorito
Simon ngunit kalaunan ay nakinigna rin sa akin. "Thank you, Ate Karen sa pagpayag mo na dito na muna tumuloy Sina Seb at Santino." Malapad ang ngiti ni Selene sa pasasalamat dahil nakiusap siya na kung pwede ay sa kanila muna
angdalawa kong anak na hindi ko naman natanggihan dahil gusto ko rin namang mapalapit ang 100b ng mga anak ko sa kanilang tiyahin lalong-lalo na sa kanilang ama.
Syempre, kinausap ko muna ang dalawa kung anak kung payag ba sila. Walang problema kay Seb habangsi Santino naman ay nagdalawang-isip dahil ako lang ang mag-isa sa bahay namin.
"Wala 'yon, Selene. Alam ko namang mahal na mahal mo sila kaya panatag ako." Sagot ko naman .
Lumamlam ang mukha ni Selene matapos marinig ang sagot ko.
"You know what, Ate. Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi sa pagiging makasarili ko dati,11 wika niya sa malungkot na tinig.
"Napatunayan kong kapag gumawa ka talaga ng masama lalo na sayong kapwa, babalik ang karma sayo ng doble. I almost killed myself because of depression pero nang marinig ko mismo sa bibig ni kuya kung paano ang naging trato niya sa inyong dalawa ni Santino. Lalo akong na-guilty sa ginawa kong kasalanan. Naisip ko na magpakamatay dahil ang laki ng kasalanan ko sa inyo ng pamangkin ko. Hiyang-hiya ako pero mas
Namuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Selene habang nagsasalita.
"Napakasama kong tao, paano kong nagawa ang naging kasalanan ko sayo? Tapos nagpapakamatay ako dahil lamang niloko ng walang kwenta kung n aging ex-boyfriend samantalang ikaw, mag-isang nakibaka sa buhay, mag-isang binuhay Sina Santino at Seb.
Samantalang ikaw na walang ginawang masama, hinusgahan, pinaratangan at sinaktan." Patuloy ang punas ni Selene walangtigil na pagpatak ng luha sa mga mata.
"Kaya lalo akong na-guilty, Ate Karen. Kasi lahat ng paghihirap at pagtitiis mo at ng mga pamangkin ko ay dahil iyon sa akin. Dahil sa kagagawan ko. Pero sa kabila ng pag-amin ko sayo ng kasalanan ko. Bakit ang bait mo pa rin? Alam mo na hindi naman ako karapat-dapat pero you gave me another chance."
Wala akong madamang galit para kay
Selene. Awa, ang nararamdaman ko sa kanya. Bakit? Mag-isa niya langdin kasing nilabanan ang sarili niya. Nasadlak man ako sa kalungkutan ay may dalawa naman akong anak na laging pinapaalala na kaya kong lahat kahit anong pagsubok.
"Nakakagalit naman talaga ang ginawa mo
sa akin. Kung alam mo lang na ilang beses na sumakit ang ulo ko sa kakaisip kong bakit nagising na lamang ako bigla sa kama ng isang lalaki at amo ko pa. Masakit pakinggan ang mga ibinabatong bintangsa akin kasi wala naman talaga akong alam. Mahirap pa ng mga panahon na iyon, wala ang nanay ko. Wala akong kakampi kundi ang sarili ko at si Senyora Loreta. Kaya wala akong pagsidlan ng saya ng dumating si Santino sa buhay ko. Siya ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko ng mga panahong madilim at hindi ko alam kung saan ako dapat kumapit." Lahad ko.
"Pero kong kaligayahan ng mga anak ko ang nakasalalay, bakit hindi kita bibigyan ngtiyansa. Alam kong mahal mo si Santino at ganun din si
Seb. Kaya sino ba naman ako para tutulan pa 'yon. Lahat ay may pangalawang pagkakataon." Patuloy kong lahad.
Niyakap ako ng mahigpit ni Selene.
"Ate Karen, I'm sorry, I'm very very sorry for what i've done before. I know hindi na maibabalik ng pag so-sorry ko ang nakaraan but I promised na mamahalin ko kayo ng mga pamangkin 1<0. Lahat gagawin ko makabawi langsa mga panahon na nawala. Ate, sobrang salamat." Gumagaragal na wika ni Selene habang patuloy sa pag-iyak.
Niyakap ko lamang siya at inalo. Hinyaan ko lamang siyang urniyak ng urniyak sa balikat ko, kung iyon ang makapgpapagaan sa bigat sa kalooban niya at makakabawas ng guilt na nararamdaman niya.
Hindi ko alam kung galit ba ako o kung may galit nga ba ako?
Basta ang alam ko, importante ang kaligayahan ng mga anak ko.
"Ma, bakit po ba kailangan mo pang umuwi? Dito na lang din kasi kayo matulog." Maktol ni Seb ng magpapaalam na ko para umuwi sa aming kubo. Pasado ala-singko na kasi ng hapon at maya-maya lamang ay madilim na sa daan.
"Nak, ilang araw ng walangtao sa bahay natin. Babalik naman ako agad dito bukas ng umaga." Katwiran ko naman sa kanya.
"Ma,bakit po ang Mama at Papa nila Kuya Estong magkasama. Bakit po kayo ni Papa magkahiwalay po kayo ng bahay?" Inosenteng tanong ulit ni Seb.
Natigilan ako at hindi maka-apuhap ng salitang pwedeng ipaliwanag sa mausisa kong anak.
"Seb, hayaan mo na si Mama. Babalik naman siya bukas." Singit ni Santino.
Tila nag-isip naman si Seb at pinatulis pa ang nguso habang nag-iisip.
"Basta po babalik ka bukas, Mama.
Hihintayin kita sa labas.'l
Napangiti na lamang ako sa pagpapa-cute ng anak kong bunso.
Inalok din naman ni Selene na kung pwede ay doon muna na rin ako sa mansyon ngunit tinanggihan ko dahil nais ko nga silang magkaroon ng sari-sariling bonding na wala ang presensya 1<0.
Matapos ang ilang sandali na pagpapaalam ay lumabas na ako ng malaking gate ng hacienda at saka nagsimula ng maglakad upang tahakin ang daan patungo sa aming munting bahay kubo. Balak kong mag-short cut na lamang ng daan  para agad makauwi. Ayoko na rin naman sumakay ng tricycle dahil sa mas gusto kong ilakad ang mga paa ko kaya tinanggihan ko din ang offer ni Selene na ihahatid ako. Katwiran ko na lamang na ako na ay may iba pang daraanan na kakilala.
Madilim na madilim ang aming bakuran ng sa wakas ay makauwi na ako. Binuksan ko agad ang ilaw sa poste ng aming gate. Agad naman na kumalat ang liwanag sa madilim na paligid.
Pumasok na ako sa bakuran at nag tuloy na sa aming kubo. Nagligpit-ligpit muna ako sa 100b ng bahay bago nagluto ng aking hapunan.
Nagsaing ako ng sa palagay ko ay sapat lamangsa akin at ang ulam ko na lamang ay nilagangtalbos ng kamote na pinitas ko pa sa likod bahay garnit ang flashlight na ilaw upang makita ko at pritong tinapa na galunggong na binili ko pa noong isang araw at nilagay sa basket na lagayan na isinasabit pa sa itaas sa naka-kalawit na alambre para iwas maabot ng mga pusa o daga. Inamoy ko naman angtinapa kung okay pa ang amoy. Wala naman akong naamoy na sira na ang isda kaya pinrito ko na. Nanibago ako. Walang maingay. Walang nag-aaway.
Literal na nag-iisa lamang ako sa bahay. Ang tahimik na hindi ako sanay.
Namiss ko tuloy agad ang mga anak ko. Unang beses na wala silang dalawa. Samantalang sa 100b ng ilang taon ay kami langtatlo ang magkakasama. Naisip kong mahirap pala talagang nalalayo sa mga anak. Ako nga na kilometro lang ang layo sa mga anak ko ay hindi ko ay miss na miss ko na silang dalawa. Kaya paano na lang ang mga magulang na nasa ibang bansa. Paano nila kinakaya ang lungkot sa pagkawalay sa kanilang mga anak?
Wala man lang akong makakasabay kumain at hindi ko man lang kasama sa pagtulog ang kahit isa man langsa mga anak ko.
Pakiramdam ko tuloy, nag-iisa na naman ako kagaya ng dati. Noong panahong na-coma si Nanay at namalagi sa ospital.
Nakahain na ang pagkain ko ng may marinig akong busina ng sasakyan sa labas. Pinag-kibit balikat ko na lamang at hindi na pinansin sapagkat sa isip kong baka napadaan lamang.
 

 

Chapter 83



"Karen."
Isang pamilyar na boses ang aking narinig at nag patigil ng aking pagsubo ng pagkain.
"Si Senyorito Simon? Bakit kaya?" kunot-noo kong tanong sa aking sarili. Agad akong tumayo at naghugas muna ng kamay sa lababo bago ako dali-daling lumisan ng kusina para magpunta sa pintuan sa harap bahay upang kompirmahin kong guni-guni ko lang ang aking narinig na tinig.
"Karen."
"Sandali lang." Sagot ko ng marinig ang muling kanyang pagtawag niyang sa aking pangalan. Tama, may turnatawag nga sa aking pangalan.
Binuksan ko ang pinto na gawa lamang sa manipis na plywood at burnungad ang gwapo ngunit halatang pagod na mukha ni Senyorito Simon.
"Senyorito, pasok ka. Makulit ba ang mga bata? May nangyari ba sa kanila?" agad kong tanongdahil ang mga anak ko lang naman ang agad pumasok sa isipan ko kung bakit nagpunta ng ganitong oras ng gabi si Senyorito dito sa bahay.
"Kasama sila ni Selene sa bahay. Naglalaro sila ng iba't-ibang laro. Ang saya nila na panoorin at hindi mo mahahalata na ngayon langsila nagsama-sama. Lalo na si Selene na tuwang-tuwa sa mga pamangkin.
Malayong-malayo na sa kapatid ko na muntik ng magpakamatay dahil lugmok sa kalungkutan dati. " Sagot naman niya habang matamang nakatingin sa akin.
Malungkot ako ng malaman ang nangyari kay Senyorita Selene. Totoo pala na nakakasira ng utak ang bigo sa buhay pag-ibig. Nakahinga ako ng maluwag sa dahil akala ko may nangyari na naman sa mga anak ko. Inaalala ko rin kasi na baka sa sobrang likot ni Seb ay madulas siya sa sahig o kaya naman ay nahulog siya sa kama kung saan sila natutulog.
"Ganun ba? Bakit nag punta ka pa rito? Hindi mo naman ako kailangan na sadayin pa ako dito sa aking bahay kung may kailangan ka at saka mukhang pagod na pagod na ang itsura mo, Senyorito? Galing ka pa rin ba sa trabaho?" nagtataka kong tanong sa lalaking iniiwasan kong tingnan na muli sa kanyang mga mata. Sa ospital kasi ay madalas ko siyang mahuling matamang nakatitigsa akin na hindi man lang urniiwas ng tingin kahit nakita ko na siya. Naguguluhan ako sa kanyang kinikilos.
Ang tingin niya ay tipong nakakapaso. Tingin na parang may nais sana siyang iparating o sabihin sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman o ako lang ba ang nakakaramdam ng ganung bagay. Nakakahiya kung malaman ni Senyorito Simon ang aking iniisip at mahirap ng maparatangan muli ng sinungaling na ako ay isang desperada at ilusyunada.
"Mag-isa ka na lang dito sa bahay na ito kaya bakit umuwi ka pa? Ano pa ang nais mong gawin dito?" tanong niya na nakasalubong ang makapal na kilay.
Ewan, pero parang nahimigan kong may pagkasarkastiko sa uri ng pagtatanong niya. Hindi na ba ako pwedeng umuwi dito sa aming bahay? "Dito kasi ang bahay ko kaya naman urnuwi na ako. llang araw na rin kasi akong hind  nakakauwi. Baka binahayan na ng kung ano 'tong bahay namin. Nangako naman ako sa mga anak ko na babalik agad ako sa hacienda bukas na bukas din." Paliwanag ko naman sa lalaking kaharap ko.
Na tahimik naman siya ng marinig ang sagot
ko.
"Ku-kumain ka na ba? Kumakain kasi ko nang hapuna ng dumating ka. Halika at saluhan mo na ako.'l Alok ko sa kanya bagamat alanganin din dahil simpleng pagkain lamang ang mayroon ako sa lamesa.
Tumango naman siya sa tanong ko.
"Coffee, please." Ang siyang sagot niya. Ngumiti naman ako at niyaya siya sa kusina kung nasaan ang iniwan kong pagkain.
"Upo ka muna riyan, timpla lang ako ng kape mo."
Tinalikuran ko muna siya at saka ako humarap sa aming banggerahan ng aming bahay na gawa sa kawayan. Kumuha ako ng malinis na tasa at kutsara. Mabuti na lamang pala at  nakapag painit na ako ng tubig pagkatapos kong magluto kanina ng kanin at ulam.
"Ano itong ulam mo? 'l
Napalingon pa ako sa kanya ng marinig ang tanong niya. Parang alanganin pa nga siya sa 100b ng maliit na kusina dahil sa malaking tao talaga siya.
"Talbos ng kamote at saka piniritong tinapa ang ulam ko. Tikman mo, Senyorito at masarap naman 'yan. Mabuti nga hindi nasira kahit limang araw na simula ng binili ko." Sagot ko at saka ibinigay sa kanya ang kapeng aking pang hinahalo ang asukal ng kutsarita upang matunaw ng maigl.
"Thanks."
Tipid niyang sagot ng kunin ang ibinigay ko at saka animo'y nakipag titigan sa isdang tinapa na nakahapag munting lamesa. Wari bang may kakaiba sa isdangtinapa at nakipag titigan si Senyorito.
"Dapat ay huwag mo ng kainin ang isdang 'yan. Baka sumakit pa ang tiyan mo riyan o kaya ay malason ka dahil ilang araw na simula ng binili mo." Komento ni Senyorito sa walang malay at kawawang isd a.
"Inamoy ko naman at okay pa naman pat  lasa. Bawal magsayang ng pagkain. Hindi ba at ganun ka rin naman? Galit ka pa nga ng makita mong may isang pirasong biscuit na kinalat si
Santino." Huli na para bawiin ang mga sinabi ko. Wala naman akong intensyon na ibalik ang nakaraan pero naisip ko lang kasi noong nakita niyang nagkalat ang mugmog at isang pirasong ng biscuit na kinakain ni Santino. lyong pinulot ko at saka tinaktak sa loob ng aking bibig para hindi niya na masabing nag-aaksaya kami ng pagkain.
"Sorry, Karen." Malungkot na wika ni Senyorito.
"Pasensya ka na, wala naman akong masamang ibig sabihin sa mga sinabi ko,ll saad 1<0.
Nag buntong-hininga si Senyorito Simon.
"Tapusin mo muna ang pagkain mo at hihintayin kita sa terrace para magkausap tayo ng masinsinan." At hindi na hinintay pa ang aking sagot at iniwan na ako sa kusina.
Bakit naman kasi tuloy-tuloy ang bibig ko at hindi marunong huminto kapag medyo alanganin ang mga salitang lumalabas.
Wala naman akong masamang ibigsabihin ngunit tila may nais na rin akong iparating. Ang himig ko ay wari bang nanunumbat ako sa kung anong nangyari mula sa nakaraan.
At ano naman ang aming pag-uusapan at kailangan niya pa akong hintayin matapos sa pagkain? Sana lang ay huwag hilingin ni
Senyorito Simon na kunin sa akin ang mga anak
1<0.


Chapter 84



 
Episode 84 Simon
Bukod tanging huni lamang ng kulisap sa gabi ang naririnigsa buong katahimikan ng kapaligiran. Malamig din ang simoy ng hangin na waring nanghihikayat na ipikit ko ang aking mga mata at damhin ang paghele niya. Wala ang buwan sa maaliwalas na langit ngunit mayroong di-mabilang na nag kikislapang mga bituin. Sana ay kasing payapa ng gabi ang buhay ko sa kasalukuyan. Sana kung naging malinaw ang isip ko dati ay hindi ganito ang naging buhay namin.
Narito ako ngayon sa terrace ng bahay-kubo kungsaan naninirahan ang aking inabandona na asawa at mga anak. Dito sila nakatira gayong kahit ilang mansyon ay kaya ko silang patayuan. Simpleng buhay lang ang mayroon sila ngunit nakikita kong kuntento sila at masaya.
Samantalang ang buhay ko ay naging miserable sa mga nagdaang taon na wala sila sa tabi ko. Nabuhay sila ng matiwasay kahit wala ang presensya ko bilang haligi ng tahanan.
Inabandona.
Mapait akong napangiti at naalala ang mga pangyayari sa nakaraan.
Sino ba ang mag-aakala na hindi ko makakatuluyan si Daphne.
Daphne was my ideal girl.
Beautiful, sweet plus she had a perfect body.
Kaya ng tuluyan kaming magkahiwalay dahil sa biglaan kong pagpapakasal kay Karen ay hindi na ako nagtataka ng makita ang mga iba't-ibang larawan niya sa mga sikat na fashion magazine sa ibang bansa.
I love Daphne so much kaya nga nagplano na rin kaming magpakasal at bumuo ng isang masayang pamilya.
Nagpatayo na ako ng isang malaking bahay na ayon sa gusto niya kung saan kami titira kasama ang aming mga magiging anak sa hinaharap.
A glass house.
But, I accidentally married another girl.
Kaya ganun na lamang ang galit na naramdaman mo kay Karen. Alam kung pinlano niya ang lahat para sa kanyang makasariling intensyon at ambisyon.
Gusto niya ng pera para makapag-aral na mahigpit kong tinutulan ko. Ano siya sinuswerte? Kami na ang sumasagot sa lahat ng gastusin ng nanay niyang nasa ospital tapos pag-aaralin ko pa
siya?
Kung anu-ano ang masamang balita ang nakarating sa akin tungkol sa pagkatao niya.
Magaling talaga siyang um arte at magpanggap na mabait at inosente sa harap ng ibang tao para makakuha ng simpatya.
Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit gustong-gusto siya ni Lola Loreta ay dahil isa siyang magaling na artista.
Ang bagay na 'yon ang sinamantala niya para magustuhan at makuha ang buong 100b ni Lola Loreta.
Kaya ng magising ako sa aking sariling kama at kasama siyang hubot-hubad.
I already knew it.
Siya ang may plano ng lahat ng iyon para pikutin ako at mapilitang pakasalan siya.
Masyado kong mahal na mahal si Lola Loreta dahil halos siya ang nagpalaki sa aming dalawa ni Selene simula ng sabay mawala ang aming mga magulang. Malaki ang sakripisyo sa amin ni Lola kaya ayaw na ayaw ko siyang binibigo o bigyan ng kahit anong sama ng 100b.
Ginawa ni Lola ang lahat-lahat kahit ang mahirap na pagpapatakbo ng aming mga negosyo para masigurong hindi 'yon mawawala at para manahin ko pagdating ng tamang panahon.
Nagpakasal ako sa isang masamang babae na handang gawin ang lahat para maging maginhawa ang pamumuhay. Akala niya naman ay madadaan niya ako sa kanyang inosenteng itsura.
I hate her!
Kaya naman kahit anong gawin niya hindi ko siya matatanggap bilang asawa. Hindi ko din matanggap na nabuntis ko siya dahil wala naman akong maalala na may nangyari sa amingdalawa.
Palagay ko ay nagpagalaw siya sa ibang lalaki para mag siguradong mabubuntis bago pinlano kung paano niya ako mabibitag sa kanyang lihim na Plano.
Hindi ko kailanman matatanggap ang batang sinabi niyang anak ko raw.
Kaya nang nagpabili siya ng inihaw na manok ay hindi ko talaga binili kahit magutom pa siya ay wala akong pakialam. Gusto kong maramdaman niya na wala talaga akong pakialam sa kanya maging sa pinagbubuntis niya ba pilit niyangsinasabi na anak ko.
Kahit minsan hindi ko siya sinamahan sa pagpapa check-up sa 0b gyne kahit pa hirap
nasiyang kumilos at lumakad dahil sa Iaki ng kanyangtiyan. Wala akong panahon na mag-aksaya ng mahalaga kong oras para sa kanya.
Aksidente ko siyang naitulak sa hagdan ng ipagpilitan niyang ipakita sa akin ang ultrasound ng sanggol na kanyang dala-dala na naging dahilan para ipanganak niya ng wala sa buwan si Santino.
Yes, ako ang nagpangalan ng Santino sa isang sanggol na lalaki. Because he looks like an angel.
Nakadama ako ng awa ng makita ko siyang lumalaban para mabuhay habang naka-suporta ang kung anu-anong aparato na nakakabit sa kanyang maliit na katawan.
Isinubsub ko sa pagpapalago ng negosyo ang sarili ko at madalas na wala ako sa bahay para hindi ko sila makita na mag-ina.
Akala ko hindi na ko kailanman kakausapin ni Karen dahil inilagay ko sila sa alanganin ng kanyang anak pero patuloy parin si Karen. Patuloy niya pa rin ipinaglalaban ang karapatan ng kanyang anak kahit pa makatanggap sa akin ng masasakit na salita. Kahit pa magkasakit si Santino,ni hindi ko
man kinamusta ang kalagayan, bagkus nainis pa ko ng malamang wala sila sa bahay at ipahanap sa akin ni Lola.
Nakadama ako ng hindi maipaliwanag na saya ng unang beses akong tawaging Papa ni Santino. Gusto ko nga siyang lingunin at kargahin ngunit mas nanaig parin sa puso ko ang pagkasuklam sa kanyang Ina.
Hanggang sa mawala si Lola Loreta, lalo akong nasuklam kay Karen ng marinig ang huling testamento ng yum ao kong Lola.
Halos kalahati ng ari-arian ng aking pamilya ay nakapangalan sa kanya at kay Santino.
At isa pa,alam ni Lola na isa sa mga una kung gagawin ay ang ipawalang bisa ang kasal namin ni Karen kaya naman naglagay siya ng isang habilin para makasigurado ang pwesto ni Karen bilang asawa ko.
Hindi ko pwedeng ipa-annulled ang kasal ko dahil sa oras na gawin ko ang bagay na 'yon, ang lahat ng mana ko at mana ni Selene maging ang posisyon ko bilang CEO ng aming kumpanya ay mapupunta lahat kay Karen at kay Santino.
Anong meron kay Karen na dahilan para magustuhan siya at pagkatiwalaan ng ganun ni Lola?
But one day, Daphne came to my office. 



Chapter 85



 Simon
Nagtaka ako sa sarili ko. Bakit parang ordinaryong kilala ko na lang siya.
She kissed me.
Pero wala akong nararamdaman na pagka sabik man lang sa kanya. At hindi ko inaasahan na darating din si Karen kasama si Santino. Ipana mukha sa akin ni Karen kung gaano ako ka walang kwentang ama.
First birthday at binyag ni Santino pero hindi ako nakarating at naabutan niyang sa mismong opisina ko nakasama ang dati kong nobya.
Daphne insulted her from head to toe.
Akala ko nga tatanggapin niya na lang iyon pero nagulat ako ng sampalin niya si Daphne ng ubod ng lakas matapos din insultuhin ang kanyang Nan ay Karina.
Kinaladkad ko palabas ng opisina si Daphne dahil ayokong pag pyestahan ang pribado kong buhay ng mga empleyado ng kompanya.
Inalis ko si Daphne at nilinaw na wala na akong nararamdaman na kahit ano para sa kanya. Nagwala siya dahil mas pinili kung makasama ang isa daw low class na babae. Pero wala akong maramdaman para sa kanya.
Pinablocklist ko pa siya sa kumpanya para hindi na siya makakapasok pang muli.
Nalito ako sa nararamdaman ko. May gusto akong aminin sa sarili ko pero pilit kung binabalewala.
Isang araw, hindi namalayan ni Karen na nakalayo na sa kanya si Santino sa paningin niya.
Nagalit ako hindi langdahil sa natapunan ng juice ang mga papeles na tinatapos kong ayusin dahil sa hindi sinasadyang pagkatabig sa baso ng batang si Santino kundi dahil pwede siyang malunod sa pool kung doon siya dumeretso.
Galit na galit ako kay Karen dahil bakit hindi niya napansin na wala sa tabi niya ang bata. Pero isinumabat niya sa akin lahat ng pagkakamali ko bilang ama asawa niya at ama ni Santino.
Pinamukha niya sa akin kung sino nga ba ang tun ay na pabayang magulang sa pagitan naming dalawa.
Siya ba na nalingat lang sandali pero inakusahan kong pabayang ina? Samantalang ako na ama ay hindi ko man lang nasubukan na kargahin kahit minsan si Santino o kahit tapunan lang ng tingin lalo pa at masaya niya akong sinasalubong habang nakalagay sa kanyang crib kapag ako ay umuwi galing na sa trabaho.
Patuloy ako sa paniniwala na hindi ko siya anak. Kahit pa ang totoo iba na ang nararamdaman ng puso ko at isip ko para sa kanya.
Ewan, pero iyon nga marahil ang lukso ng dugo na tinatawag.
Mas minabuti kong umalis ng bahay matapos kaming nagkasagutan ni Karen. Ngunit isang tawag ang natanggap ko galing ng ibang bansa.
Kinabukasan ay agad akong lumipad papuntang america dahil may nangyaring hindi maganda sa bunso at nag-iisa kong kapatid na si Selene.
Walang katao-tao sa mansyon ng urnuwi ako para kumuha ng mga personal na gamit.
Wala na rin akong oras para hanapin pa kung nasaan pa Sina Karen at Santino.
Depression ang nangyari kay Selene.
Niloko ng kanyang boyfriend ng panahon na 'yon.
Awang-awa ako sa kalagayan ng kapatid ko habang patuloy lam ang sa pag-iyak ng pag-iyak.
Gustong-gusto kong patayin ang gagong ex-boyfriend ni Selene dahil sa ginawa nito.
Pero nabigla ako ng malaman kung sino ang babaeng ipinalit niya sa kapatid ko.
It's Daphne.
Damn!
Ginantihan ako ni Daphne sa pamamagitan ni Selene.
Galit na galit ako.
Gusto kung pumatay ng panahong 'yon.
Pero ng sabihin sa akin ni Selene ang isang sikreto na kanyang gin awa kasama ang kanyang dating nobyo ay hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pinagtapat niya.
Galit ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay tinraydor ako ng aking sariling kapatid. 
Si Selene lang naman at ang kanyang ex-boyfriend ang may kagagawan kung bakit ikinasal kami ng biglaan ni Karen.
Ang sarili kong kapatid ang siyang nagbayad  sa mga tao na nagsasabi sa akin ng mga kasinungalingan para siraan ang pagkatao ni Karen.
At nakakagago ang kanyang makasariling dahilan. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang mga bagay na wala sa hinagap kong kaya niyang gawin.
Dahil lang sa gusto niyang magalit si Daphne sa akin para umuwi ng amerika, kung nasaan ang pamilya nito at ng sa ganun din daw ay payagan ko siyang sumunod dito sa ibang bansa.
At nagawa niyang lahat ng mga 'yon dahil naninirahan na rin ang walang hiya ex-boyfriend sa amerika. Kaya naman pareho silang nag-isip ng paraan para makasunod siya agad dahil malaki ang pagtutol namin ni Lola Loreta na magpunta manirahan siya abroad.
Damn!
Halos liparin ko ang Pilipinas para makabalik sa mag-ina ko.
Pero huli na ang lahat.
Karen and Santino left me.
Pinuntahan ko ang ospital kung saan naka-confine ang kanyang Nanay Karina pero napag-alaman kungyumao na rin pala ang kaawa-awang byenan ko.
Gusto ko san ang magtanong sa kasambahay na kasama namin pero hindi ko naman din alam kung saan siya nakatira at kahit pangalan ay hindi ko man lang nalaman.
Atty. Clemente personally went to my office inside my company to hand me some papers.
Nagtataka man sa kanyang biglaan na pagbisita ay walang buhay ko pa rin na inabot at binasa ang mga papel na kanyang dala.
Malinaw kong nakita na pirmado ni Karen ang dalawang magkaibang dokumentong hinatid ng aming family lawyer.
Ang isa ay para ipawalang-bisa ang aming kasal habang ang isa naman ay nagpapatunay na legal niyang isinalin sa aking pangalan ang lahat ng mga ari-ariang namana niya kay Lola Loreta at isinama niya rin pati ang mana na para sana kay Santino.
Naririnig kong may pinapaliwanag si Atty. Clemente pero lipad ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Sa tuwing uuwi ako ng bahay, ang nakakabinging katahimikan lagi ang sumasalubong sa akin.
Naroon pa rin sa sulok ng bahay ang crib, ngunit wala na ang batang [aging turnatayo mula sa pagkakaupo o pagkakahiga para salubungin ako ng ngiti at saka tatawagin akong Papa. Malinis ang kusina na dati ay may laging naka handang pagkain para sa akin.
Pumasok ako sa silid kung saan Sila natutulog na mag-ina.
Naroon lahat ng mga laruan ni Santino.
Punong-puno pa rin ng laman ang mga ang built in cabinet. Dahil naroon pa rin ang kanilang mga damit. Marahil ay ang mga lumangdamit lamang ni Karen ang kanyang binitbit sa pag-alis.
May maliit na Clip fan na nakalagay sa gilid ng kama. Ayaw sigurong gumagamit ng aircon ni Karen para makatipid sa kuryente.
Umupo ako sa kama ngunit hindi ko napansin na may na-upuan akong isang bagay.
Isang motorbike na laruan.
Napangiti ako dahil iyon ang laruan na madalas kong makitang hawak ni Santino kapag hindi ko sinasadyang tiingnan siya.
Naghahanap ako kung may naiwan ba silang larawan man lang. Hinalughog ang lahat ng mga lagayan na naroroon. Hanggang sa mahalungkat ko sa drawer ang isang smartphone.
Walang kahit anong nakasave sa cellphone.
Wala man lang kahit isang picture ng mag-ina ko.
 


Chapter 86



Episode 86 Simon
Umuwi ako ng hacienda Sto. Domingo sa pag-asang doon sila tumira sa kanilang sariling bahay na malapit sa hacienda. Pero iba na ang nagmamay-ari ng bahay at lupa kung saan sila dati nakatira dahil ibenenta na raw ni Karen sa kanila ang bahay at lupa.
Nagtanong-tanong ako kung may nakakita o nakakaalam man langsa kung nasaan sila ni Santino pero bigo ako. Wala man lang makapag sabl' ng kinaroroonan ng mag-ina 1<0.
Hanggangsa kailangan ko na naman na bumalik ng america dahil nagtangkang magpakam atay si Selene.
She overdosed herself by taking sleeping pills.
Kahit galit ako sa ginawa niya Kapatid ko parin siya. Nag-iisang kapatid at kapamilya.
Inalagaan ko si Selene hanggang sa gurnaling.
Walang araw na hindi ko naiisip kung kamusta na Sina Karen at Santino. Kung ayos lang ba ang kalagayan nila. Kung ano na ang itsura ng anak 1<0.
I even hired a private investigator to locate
her and our son, pero mahirap talagang hanapin ang mga taong ayaw ng magpa hanap at ayaw magpakira
Inisip kong baka nangibang bansa silang mag-ina. Walang kamag-anak sa side ng kanyang Nanay si Karen kaya pinahanap ko rin ang kanyang Tatay.
Pero bigo pa rin ako. Ngunit hindi pa rin ako sumuko para hanapin ang aking mag-ina. Alam kong mahahanap ko rin silangdalawa at muli kaming mabubuo bilang isang pamilya.
Taon-taon, ako lang mag-isa ang nagse-celebrate nang lahat ng mga dumarating na okasyon sa buhay 1<0.
Isa sa mga pinaghahandaan ko ay ang birthday Santino na kung saan una niyang ipinagdiwang na wala ako.
Nasa huli talaga ang pagsisisi.
00, siguro minahal ko si Daphne pero lealized na nagustuhan ko lang siya dahil sa nakikita kong kagandahan na panlabas.
Hindi niya ako nagawang ipaglaban at madaling sinukuan noong panahong kailangan na kailangan ko siya.
Ngayon ko lang naisip na, napakalayo niya sa ugali na meron si Karen.
Si Karen na matiisin at walang gusto kundi angtanggapin at mahalin ko ang anak namin. Kahit alam niyang ayoko sa kanya ay iniintindi niya pa rin ako.
Kahit alam niyang ayoko sa kanya ay ipinaghahain niya pa rin ako ng masarap na pagkain na siya mismo ang nagluto. Nagtitimpla ng kape, juice, at laging nagtatanong kung ano ang gusto kong ulam sa umaga, tangahali, hapunan at kung mayroon pa ba akong kailangan.
Madalas pa niya akong hatiran ng pagkain sa office kahit umulan man o urnaraw at kahit pa madalas ay sungitan ko siya at hindi man lang nakapag pasalamat kahit kailan.
Kahit alam niyang ayoko sa kanilang mag-ina. Pilit niya pa rin pinagpipilitan si Santino.Pilit siyang lumalaban para sa kapakanan ng anak. Binalewala niya lamang ang hindi ko magandang pagtrato sa kanya. Basta para sa anak niya.
Lahat ng mga magandang katangian ni Karen ay wala si Daphne. Kaya siguro nawala ng hindi ko namamalayan ang anumang nararamdaman ko para sa dating nobya. Dahil ang totoo, hindi naman ganun kalalim ang pag-ibig ko para sa kanya.
Nabulagan lamang ako ng galit kaya hindi ko agad nakita kung gaano kabuti ang asawa kong si Karen.
Then one day, may nakapag sabi sa akin na nakita niya raw si Karen sa kabilang bayan.
Noong una, nag-alangan akong paniwalaan. Dahil ayon sa nakausap 1<0, nakita niya si Karen na mayroong dalawang anak na lalaki.
Nakadama ako ng panibugho. Huli na nga talaga ako. Maaaring nakatagpo na ng ibang lalaki na mamahalin si Karen kaya nagkaroon ng panibagong anak.
Kahit nanghihina ang aking 100b ay nagdesisyon akong hanapin ko sila sa kabilang bayan kung saan sila namataan ng isa sa mga tauhan ko sa hacienda Sto. Domingo.
Natagpuan ko nga sila sa isang liblib na lugar. Isang payak na bahay-kubo na gawa sa sawali ang kanilangtinitirhan. Maraming iba l t-ibang halaman sa paligid.
May mga nakapasong halaman na siyang kanilang binebenta at pinagkukunan ng kabuhayan.
May mga gulay na nakatanim paikot sa malawak na bakuran.
Hindi ako makapaniwala ng makita ang
lumabas sa bakuran, isang batang lalaki at may kasunod pa na isa rin na batang lalaki na mas bata kesa sa nauna.
Ang totoo, naluha ako sa pagka sabik. Dahil batid ko sa sarili na ako rin ang ama ng isa pang batang lalakl
"Senyorito.ll
Nagbalik na sa kasalukuyan ang isip ko at napalingon ako kay Karen na nakaupo na pala sa upuang kahoy malapit sa lang sa kung saan ako nakaupo.
"Kanina pa kita tinatawag parang hindi mo ako naririnig,ll wika niya na tumingin pa sa kung saan ako nakatingin kanina.
"Akala ko tuloy na engkanto ka na dahil nakatulala ka riyan sa kawalan."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Na-engkanto nga talaga ako.ll Sagot ko sa kanya habang nakangitl 
Nabahala ang kanyang mukha sa sinagot 1<0.
"Ano ba ang nakita mo? Sorry, kasi hindi pa ako nakakita ng engkanto."
Halos matawa ako ng paniwalaan niya ang sinabi ko. Palingon-lingon pa siya sa paligid na marahil hinahanap ang engkantong sinabi ko.
"Hindi ko masasabing engkanto nga ang
nakita ko. Kasi para sa akin isa siyang dyosa." Lalong nag kunot ang noo ni Karen sa muli kongsambit.
"Engkantong Dyosa? May ganun ba? Ngayon ko lang narinig 'yon."
Natawa na ako pero agad din akongtumigil.
"Na-engkanto ka na nga Senyorito." Muli niyang komento at sinalat-salat pa ang noo ko sa pag-aakala na baka nilalagnat na marahil ako.
"Hindi nga siya engkanto, dyosa ang nakita 1<0. Dyosa angdahilan kung bakit nakatulala ako." Lahad ko.
"Dyosa? Nasaan? lturo mo kung saan banda ng makita ko rin naman ang itsura," saad naman niya at muling nag palinga-linga sa madilim na kapaligiran.
Tinitigan ko siya habang siya ay naghahanap sa kawalan.
"Nasa harap ko lang ang dyosa at kung gusto mo siyang makita, turningin ka lang sa salamin." Agad siyang napalingon ng marinig ang akin g sagot.
Nakipag titigan ako sa kanya.
Ngunit agad niyang binawi ang paningin. "Akala ko pa naman totoong nakakita ka na ng diyosa?" sabi niya ng ibaling sa kadiliman ng gabi ang paningin.
Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Pareho kami na walang kibo.
Marami akong nais sabihin pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Senyorito, may sasabihin ka ba? 
 


Chapter 87


Episode 87
"Karen, balitang-balita sa buong hacienda ang tungkol sayo at sa mga anak mo. Totoo ba ni Senyorito Simon ang Tatay nina Santino at Seb?" usisa ng isa sa mga kababaihang kasama ko habang namimitas kami ng mga bunga kape na pagmamay-ari na ni Senyorito Simon.
Narito kami sa taniman ng mga kape kung saan hindi ko mabilang ang mga puno na hitik na hitik sa bunga ang mga sanga na aming pinipitasan.
Ngiti na lamang ang sinagot ko sa kanila. Ayoko ng magsalita ukol sa bagay na 'yon. Hindi ko gustong pag-usapan pa ang mga bagay na iniwan ko na sa nakaraan. Dahil maari nila akong tanungin sa kung ano ang nangyari at bakit urnabot sa hiwalayan ang relasyon namin ni Senyorito Simon. Kahit hindi maganda ang pagsasama namin ay hindi ko magagawang dumihan ang kanyangtinitingala na pagkatao dito sa hacienda Esmeralda. Basta ang mahalaga ay masaya ang mga anak ko sa bagong yugto ng kanilang buhay. Sina Santino at Seb lamang ang dahilan kung bakit masaya ang buhay ko. Hindi na ako naghahangad pa ng anumang bagay na materyal. Sapat na ang mapagtapos ko ng pag-aaral ang mga anak ko at hindi sila nagugutom sa poder ko. Wala rin naman akong balak pa na ubusin ang lakas ko sa pakikipagkwentuhan dahil mula kaninang pag gising ko ay parang masama na ang pakiramdam 1<0, ang kaso ay kailangan kong kumita ng pera upang magkaroon ng panggastos sa araw-araw. "Ibig sabihin, asawa ka ni Senyorito Simon?" namimilog pa ang mata ni Ate Clara ng magtanong.
Hindi pa rin ako sumagot.
"Hala! Bakit ka pa nagtatrabaho dito sa bukid? Hayaan mo na lamang kami dito
Senyorita." Hinawakan at pinigilan pa ni Manang Ising ang mga kamay ko na abala sa pagpitas ng mga mapupulang bunga ng kapeng inaani namin.
Napa buntong-hininga muna ako bago sumagot.
"Matagal na po kaming hiwalay, kaya hindi na po kami mag-asawa." Walang ganang pagpapaliwanag ko.
Umugong ang bulungan ng aking mga kasamahan maging ang mga kalalakihan ay nakisali rin sa usapan.
Ang kahit na sino naman ay siguradong magtataka kung anong ginagawa ko dito? Bakit nakikipag trabaho ako gayong asawa ko naman pala ang nagmamay-ari ng buong hacienda Esmeralda na siyang nagmamay-ari rin ng hacienda Sto. Domingo at turnatayong CEO din ng kanilang family business? Ngunit 'yon talaga ang katotohanan at walang halong biro.
Sa ngayon, unti-unti ko na rin na nakasanayan na hindi ko na solo ang atensyon ng mga anak ko. Maliban sa akin ay may iba ng mga taong masaya kapag kasama sila.
Dati-rati ako lang ang hinahanap nila sa tuwing uuwi sila galing eskwelahan. Ako lang ang kasabay nilang kumain hanggang sa pagtulog at sa maraming bagay.
Pero ngayon, nandiyan na ang kanilang Papa, na kayang ibigay ang lahat ng pagmamahal at kahit ang materyal na bagay na hindi ko kayang ibigay.
Nariyan din ang kanilang Mommy Selene na mas lagi pa nilang kasa-kasama kaysa sa amin ng kanilang Papa.
Masakit ang nangyari kay Selene, napag-alaman kong dumanas siya ng depression at nagtangkang magpakamatay. Pinagtaksilan pala siya ng sariling kasintahan at ng kanyang matalik na kaibigan.
Si Senyorita Daphne.
Karma?
Siguro nga tama si Selene na kinarma siya dahil sa ginawa niyang kasamaan na kasangkapan ang dating kasintahan. Pero nakaraan na 'yon.
Ang importante, nagtagumpay siyang labanan ang sariling kalungkutan at nakikita kong masayang-masaya talaga siya sa tuwing kasama ang dalawang pamangkin.
Kaya hindi na ako magtataka kapag na spoiled masyado ang dalawa kong anak, lalong-lalo na ang bunso kong si Seb.
Pero naantig ang puso ko sa anak kong bunso dahil hindi niya nakakalimutan na isama sa kung anong meron siya, ang kakambal na hindi niya naman nakita o nakasama.
Unti-unti na rin namang napapalapit ang kalooban ni Santino kay Senyorito Simon dahil sa pinapakita naman niyang effort para mawala na ang anumang sama ng 100b at pag aalinlangan ng panganay niyang anak.
Naroon na madaling araw pa lang ay sama-sama na silang nagba-bike na tatlo at urniikot sa buong hacienda.
Lagi niya rin na isinasama ang mga anak sa lungsod lalo na sa kanyang sariling kumpanya.
Napag-alaman ko pa na kay Santino na ipinangalan ang isa sa mga resort na pag-aari ng kanyang Papa dahil nagpunta sila doon at  ipinakilala siya bilang susunod daw na tagapagmana pagdating ng panahong tapos na siya ng pag-aaral.
Sino nga ba ang mag-aakala na si Senyorito Simon na itinakwil kamingdalawa ni Santino ay magbabago at hihingin ang kapatawaran 1<0? Dati ay hindi man lang niya mabigyan ng kahit konting atensyon si Santino ngunit ngayon ay kulang na lang ay ayaw niyang mawala sa paningin niya ang kanyang panganay na anak. Madalas sumagi sa isipan ko ang huli naming pag-uusap ni Senyorito Simon.
Gusto niyang magsimula kaming muli at umuwi na rin ako ng hacienda kasama ang mga bata.
Pero bakit pa? Masaya na naman kaming ganito ang sitwasyon.
Masaya naman ang mga anak ko na nakakasama nila ako, gayun din ang kanilang Papa at Mommy Selene. Kaya bakit pa?
"Karen, sobra marahil ang pagod mo dahil halos hindi ka na kumikibo maghapon?" puna sa akin ni Manang Ising habang sabay-sabay na kaming naglalakad pauwi na ng aming kanya-kanyang bahay dahil palubog na rin si haring araw. Marami-rami rin ang mga naani naming mga bunga ng kape.
"Para ho kasing lalagnatin ako Manang. Masama ho ang pakiramdam ko pagkagising ko pa lang kaninang umaga. Il Mahina kong sagot at sapat lang na marinig niya.
"May gamot ako sa bahay, ibibigay ko na lang sayo. Oonga, mainit ang katawan mo. Magpahinga ka na lang muna." Wika ni Ate Clara na inilagay pa ang kanang kamay sa noo ko para hipuin.
"Salam at, Ate."
Natuloy ang lagnat ko dahil na rin siguro sa pagod dulot ng maghapong pagtatrabaho.
Mabuti na lamang at wala na naman ang mga anak ko dito sa bahay kaya wala akong dapat asikasuhin at isa pa, ayoko silang mahawa ng lagnat o anumang sakit na meron ako ngayon.
Nanlalambot ang katawan ko at hinihila na ako ng antok kaya naman humiga na lamang ako sa papag sa kwarto matapos akung maglinis ng katawan. Hindi ko na magawa na magluto ng sarili kong pagkain dahil hilong-hilo na ako at  inaantok.
Pakiramdam ko may dumadamping malamig na bagay sa aking mukha at buong katawan.
Napapa-igik pa ako sa tuwing mararamdaman ang malamig na paghaplos sa aking balat.


Chapter 88


Ngunit sadya talagang mabigat pati ang talukap ng aking mga mata kung kaya hindi ko man lang magawa na magmulat pa at alamin kung ano ang sitwasyon sa aking paligid.
Nanginginig ako sa sumasagitsit na lamig na nararamdaman ngunit mainit ang hangin na ibinubuga ng aking bibig.
Yumakap na lamang ako ng mahigpit sa katabi kong unan upang makakuha ng kahit konting init dahil sa tindi ng lamig at muting natulog sa pag-asang paggising ko ay magiging maayos na ang aking pakiramdam.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Dalhin na ba kita ng ospital? 'l
Unti-unti kong minumulat ang mga mabigat na talukap ng aking mga mata ng marinig ang pamilyar na tinig. Hapong-hapo pa ang pakiramdam at wala pa akong lakas. Pero malinaw kong nakikita kung sino ang kasama ko at nag tanong tungkol sa pakiramdam ko.
Kumurap pa ko ng ilang beses dahil baka namamalikmata lamang ako o kaya naman ay natutulog pa at kasalukuyang nanaginip.
Ngunit ng idampi niya ang kanyang mainit na kamay sa aking noo ay lihim pa akong napapitlag.
"Sen-senyorito, anong ginagawa mo dito? Nandito na rin ba ang mga anak 1<0?" pinilit kong magsalita sa kabila pa rin ng panghihina. Masakit ang aking buong katawan na waring ako ay nabugbog. Kumikirot rin ang aking ulo
"Kaya nga ako napadaan sayo dito kagabi para ipaalam na wala pa sila at na sa manila pa kasama ng kanilang Mommy Selene. Nagkaroon kasi ng emergency meeting si Selene sa kanyang mga empleyado ngayong araw kung kaya hindi na nakauwi kahapon. Tinatawagan ka niya at tinetext sa cellphone mo ngunit hindi ka sumasagot. Baka kasi magalit ka kung hindi niya agad ipaalam ang dahilan kung bakit hindi niya naisauli Sina Santino at Seb." Sagot naman niyang nakatitig ng diretso sa mukha ko.
Maliwanag ang kanyang naging paliwanag ngunit napabalikwas ako ng bangon mula sa paghiga ng mapagtanto na halos nakayakap na kami sa isa't-isa. Kaya naman awtomatiko akong napahawak sa aking ulo na biglang kumirot dala ng biglaan ko rin na pagbangon.
"Karen, hindi ka pa okay, kaya dadalhin na kita sa ospital para masigurong wala ka ng sakit
at para mabigyan ka na rin ngtamang gamot.ll Agad naman niya akongdinaluhan at alang-alala maging ang kanyang boses ng makita akong mahilo-hilo pa.
"Bakit nandito ka sa tabi ko, Senyorito? Baka mahawa ka ng anumangsakit na meron ako." Wika ko na hindi makatingin sa lalaking halos nakadikit na naman ang katawan sa akin.
At higit pa sa ikinagulat ko ng makitang nakasuot lamang siya ng sando na kulay puti at naka boxer shorts na gray. Halos lumuwa ang mga mata ko ng napansin na naiba ang suot kong damit. Tandang-tanda ko na nakasuot ako ng terno na padyama na kulay dilaw dahil nga lamig na lamig ang pakiramdam ko kagabi bago ako nahiga. Samantalang ang damit ko na nakasuot ngayon ay matagal ko ng hindi sinusuot. Simpleng manipis na duster na pantulog pero hindi aabot sa tuhod ko ang haba. Sinuri ko pa ang loob ng katawan ko, may suot akong panty pero wala akong bra!
"Hindi ka lumabas kagabi kahit ilang beses ng bumusina ang sasakyan ko diyan sa harap ng gate. Kaya naman bumaba ako at pumasok para katukin ka dahil baka may ginagawa ka kaya hindi mo ako naririnig. Hanggang sa naka-ilang katok na ako sa Pinto at tawag pa ako ng tawag sayo pero hindi ka pa rin sumasagot. Alam ko namang narito ka dahil nakabukas naman ang ilaw ng buong kabahayan. Naglakas loob na akong pumasok at nakita nga kitang nanginginig sa lamig habang nakabaluktot na nakahiga dito sa papag.ll Mga kwento ni Senyorito.
Kung ganun hindi pala ako nanaginip kagabi. Siya marahil ang nagpupunas sa katawan ko ng malamig na tubig kaya kahit paano ay  guminhawa ang pakiramdam ko.
"Ikaw ba ang nagpunas ng malamig na tubig sa akin kagabi? ll tanong ko.
Turn ango siya.
"Ba-bakit nag-iba ang damit ko? Tanda ko na nakasuot ako ngterno na padyama kagabi. Ikaw din ba ang nagpalit ng damit 1<0?" dagdag kong tanong.
Ngumisi siya at turn ago-tango.
"May iba pa bang pwedeng gumawa ng bagay na 'yon? Ako lang ang kasama mo dito kagabi.ll Diretso niyang sagot.
Lalong na tuyo ang lalamunan ko sa kanyang sinabi. Kung ganun nakita niya ang hubad kong katawan?
Napahawak tuloy ako sa dibdib ko ng wala sa oras. Siya rin ang nag-alis ng bra ko dahil tanda kong may suot akong bra kagabi.
Natawa ng mahina si Senyorito ng makita ang ginawa ko.
Lalong lumawak ang ngisi niya at umiling-iling ang leeg.
"Ano naman ang dapat mo pang itago sa akin, Karen? Remember, dalawa na ang anak  natin. Kaya bakit parang umaarte kang inosete diyan na nakitaan ng katawan habang walang malay?" tanong niyang pinasadahan pa ng tingin ang buo kong katawan.
"Ba-bakit ba kailangan mo pa akong palitan ng damit?" tanong ko na lamang.
"Pinagpawisan ka ng husto matapos kitang painumin ng gamot sa lagnat. Kaya kailangan palitan ko ang damit mo ay upang hindi ka matuyuan ng pawis at magkapulmonya."
Kunot-noo kong inalala kung uminom nga ba ko ng gamot kagabi? Naaalala ko ngang may tumawag sa pangalan ko at pinipilit akong ibangon sa pagkakahiga. May nilagay siya sa bibig ko at pilit din akong pinainom ng tubig.
"Mabuti na nga lang at turnalab sayo ang gamot. Balak ko na talagang itakbo ka sa ospital kaso may kalayuan naman at baka lalo kang mahapo sa byahe. Kung kaya inaalagaan na
lamang kita ng maya't-mayang pagpunas ng malamig na tubig sa katawan para burnaba ang lagnat mo." Patuloy niyang mga kwento.
Nawalan na ko ng kibo.
May paliwanag naman siya at katanggap-tanggap naman kanyang mga dahilan.
"Sa-salamat, Senyorito 'l Mahina kong pasasalamat sa kabutihang ginawa niya para sa akin. Baka nga kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi niya ako inalagaan kagabi. 
Ngumiti siya ng marinig ang pasasalamat ko ngunit sabay pa kaming nagulat ng may busina ng sasakyan sa labas bahay.
"Just wait here, okay. Kunin ko lang ang almusal nating dalawa." Bilin sa akin ni Senyorito saka tumayo at isinuot ang pantalong nakalagay sa sulok ng kwarto.
Napalunok tuloy ako ng hindi oras habang pinapanuod siyang magbihis.
Magbihis ba naman sa harapan ko? Hindi na kami mag-asawa kaya ang sagwang isipin!
 


Chapter 89


"Ma, pwede po bang dito na lang sa bahay natin si Papa? Gusto niya rin po kasi na tumira dito kasama natin,ll saad ni Seb.
Nag palipat-lipat angtingin ko sa kanilang tatlo. Kay Santino, kay Seb at lalo na kay Senyorito Simon na seryosong nakatingin sa akin. Pare-pareho silang naghihintay ng sagot ko na wari bang hindi pa sila humihinga hanggat hindi pa ako nagsasalita.
Simula ng araw na nagtapat sa akin si Senyorito ay kung anu-anong bagay na ang natatanggap ko buhat sa kanya. Bulaklak, chocolates at iba't-ibang klase ng pagkain na pilit  ko namang tinanggihan at paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko naman kailangan ang mga 'yon, kaya tigilan niya na ang pagbibigay pero makulit pa rin at binigyan pa rin ako ng mga bagay na hindi ko naman masyadong kailangan.
Marami din akong natatanggap galing kay Selene, mga darnit, bags, sapatos at mga tsinelas na alam kung hindi basta-basta ang presyo at  hindi ko naman alam kung magamit ko dahil madalas lang naman akong na sa bahay o kaya naman ay sa bukid.
"Mama, please payagan na po ninyong tumira dito si Papa. Please PO, please."
Nagpa-cute pa si Seb at pinagsiklop pa ang mga kamay na tila nanalangin sa akin para pagbigyan ko ang kanyang hiling.
Tumingin ako ng makahulugan kay
Senyorito. Malamang na kasangkapan niya ang mga anak para pilitin akong tumira siya clito sa bahay kasama namin.
"At bakit naman kailangangtumira ng Papa niyo dito sa kubo natin? Eh, kay laki-laki ng kanyang mansyon? l' nagtataka ko namang tanong.
"Ayaw mo kasing urnuwi sa kahit ano sa bahay ko kaya ako na lang ang uuwi dito. Hindi mo naman siguro ako pagatatabuyan at palalayasin?" nakangiting sagot ni Senyorito Simon.
At bago pa ko nakahuma o nakasagot. Pilit ng hinihila nina Santino at Seb ang malaking maleta na nakasandal malapit sa gate.
"Alam ko namang hindi mo ako matanggihan kaya talagang nagdala na ako ng mga gamit. Lagi kasi akong handa sa anumang sitwasyon." Saka na lumapit si Senyorito sa mga anak at tulong-tulong na hinila ang maletang
kulay itim papasok sa pintuan ng aming bahay.
Natigilan na lamang ako at nawalan na ng boses para tumanggi. Ano pa ang dapat kong itutol gayong masaya at mukhang excited ang mga anak kong makasama ang ama dito sa aming bahay.
"Papa, ang sarap po ng luto ni Mama, hindi
Punong-puno pa ang bibig ni Seb ng itanong sa ama ang tungkol sa lasa ng luto 1<0.
Sabay-sabay kaming kumakain ng tanghalian.  Heto ang unang beses na magkakasama kaming mag-anak sa pagkain.
"Seb, ubusin mo muna ang pagkain sa 100b ng bibig mo bago ka magsalita." Si Santino na ang surnuway sa kapatid dahil ako ay abala sa pagkuha ng mainit na kanin para sa aming lahat. Napansin kong malakas kumain si Senyorito Simon. Sabagay, ganun na rin ang darni ng pagkain niya kahit noon pa. Akala ko pa nga hindi niya magugustuhan ang inihanda kong ulam.
Sinabawang Manok sa tanglad ang niluto ko. Palibahasang native ang manok na isa sa mga alaga ni Santino kaya naman malasang-malasa lalo na ang sabaw.
"00 anak, mula ng matikman ko nga ang
luto ng Mama niyo, wala na akong ibang natikman na mas masarap pa na pagkain maliban sa luto niya."
Sumilay ang ngiti sa labi ko sa narinig ngunit mabuti na lamang at nakatalikod ako at hindi nila nakita.
"Papa, huwag na po kayong aalis. Huwag mo na po kaming iiwan ng ganung katagal kasi baka magutom po kayo kung saan kayo pupunta."
Inosenteng hiling na naman ni Seb sa Papa niya.
"Hinding-hindi na ako aalis mga anak. Ang Mama niyo lang naman ang parang ayaw na akong bum alik.ll
Napatingin ako ng hindi oras kay Senyorito Simon na nakatingin din naman sa akin at may naglalaro na ngiti sa kanyang labi.
"Baka nagtatampo lang din po si Mama sayo, Pa." Wika naman ng panganay ko na butil-butil na ang pawis sa noo habang sarap na sarap sa pagkain.
"Oonga po, Papa, kaya bigyan niyo pa po siya ng maraming bulaklak at chocolates. Alam niyo po paborito po ni Mama ang pasas nga po ba
'yon? lyong natuyong ubas nga ba 'yon MAma?" Alanganin pang tanong ng bunso ko.
Ngumiti na lamang ako sa kanya bilang
sagot.
"Kung makapag-usap kayong tatlo parang wala ako dito sa harap ninyo.” Kunwari ay sita ko sa kanilang tatlo.
Nagkatinginan na lamang silang tatlo at nagtatawanan. Masaya pala talaga sa pakiramdam ang kumpleto.
May Nanay, Tatay at mga anak na nagsasalo-salo.
Hindi ko naman din kasi naranasan ang magkaroon ng kump[etong pamilya dahil wala  akong nakagisnang ama at wala akong kapatid. Sa meryenda naman ay nagprito ako ng sagingsaba at ang iba naman ay nilaga ko.
Galak na galak ang puso ko ang makitang masayang-masaya ang mga anak ko habang nakikisabay sa pagtawa ng kani[ang ama.
Sobrang magana silang kumain na tatlo.
Sa hapunan naman ay nag prito na lamang ako ng tortang talong, nilagang okra na may sawsawan na bagoong isda.
Hindi pa nga ako makapaniwala na kumakain din pala si Senyorito ng ganung uri ng pagkain.
"Gusto mo bang magkape?”
Biglang lingon sa akin ni Senyorito Simon na nagpapahangin na mag-isa sa terrace. Katatapos ko lang hugasan ang aming mga plato pinagkainan at mga bao Samantalang Sina Seb at Santino ay naghihilamos sa banyo ng sabay. "00 naman, basta timpla mo." Nakangiti niyang sagot.
Ngunit ako? Seryoso lamang ang mukha ko at hindi nagbabago ng ekspresyon.
Pumasok muli ako ng kusina upang gumawa ng dalawang tasa ng kape.
"Salamat." Pasasalamat ni Senyorito ng inabot ko ang isang tasa ng kape. Sumimsim siya agad at napapikit pa na waring ninamnam ang hindi pangkaraniwang kape gayung ordinaryong kape lang naman iyong ginawa ko hindi katulad ng mga kape na binibili sa mga mamahaling kapehan.
"Bakit ba lahat ng iluto mo masarap? Pati ang pagtimpla mo ng kape ay napakasarap." Puri niya sa akin.
Sumilay ang natural na ngiti sa aking labi. "Kinikilig ka na ba sa mga banat ko? ll
Agad ko siyang inirapan sa kanyang naging tanong. Hindi ko alam kung isang biro o makatotohanan.
Natawa naman siya.
"Marunong ka pa lang umirap? Buska pa ni  Senyorito saka lumapit sa akin at hinapit ang aking bewang.

Chapter 90


Nagulat ako sa kanyang ginawa. Kaya naman napatili ako.
"Senyorito!"
"Easy! Wala pa akong ginagawa sayo kung makapag react ka naman diyan,ll bulong niya sa tenga ko. Waring naghatid ng kilabot at tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan ng dumampi ang mainit niyang hininga sa aking balat.
"Ano ba ang ginagawa mo? Baka makita tayo ng mga bata." Piksi ko sa kanya.
"So? Natural lang naman sa mag-asawa ang ganito, paglalambingan ang tawag dito. At saka, wala naman talaga akong ibang ginagawa sayo kundi bumulong lang ako. May masama na ba sa pagbulong ngayon.ll Sagot niya na tila ba walang anurnan ang nangyari sa nakaraan.
"Senyorito, napag usapan na natin ang bagay na 'yan. Kung hindi man nawalan ng bisa ang kasal nating dalawa ay wala na akong pakialam doon. Basta masaya at kuntento na sa ganitong buhay.
Biglang nawala ng parang bula ang masayang awra ni Senyorito Simon. 
Anong magagawa ko? Ayoko na talaga. Alangan naman pilitin ko angsarili ko sa isang bagay na hindi ko na gusto. Masaya at kuntento na ako sa buhay na ganito.
"Paano naman ako?" malungkot niyang tanong at nababanaag pa sa kanyang mga mata angkabiguan.
"Senyorito, hindi ko alam kung ano pa ba ang gusto mo. Masaya at kuntento na kasi ako sa ganitong buhay. Hindi ba pwedeng ganito na lang tayo? Magkaibigan at magkakilala na lang?" matapat kongtanong.
"Ayoko, Karen. Mag-asawa tayo, hindi tayo magkaibigan at [along hindi magkakilala lang. May dalawa tayong anak at sa totoo lang gusto ko na ngang sundan na natin si Seb."
Gulantang ang utak at tenga ko sa narinig kay Senyorito Simon.
Para bang nagsabi lang siya ng gusto niya ng ganun, ng ganito o kaya naman ay umorder lamang ng isang pagkain sa isang fast food chain. Tila ba isang simpleng bagay lang ang kanyang nais mangyari at makukuha sa isang kisapmata. "Senyorito, ano ba ang pinagsasabi mo?" lito kong tanong sa kanya.
"l said, I want another child." Simpleng sagot
niya sa akin.
"Talaga po ba? Gusto ko na rin po ng ganun. Gusto ko na rin po ng kapatid.
Hindi namin namalayan na lumapit pala sa aming dalawa sina Seb at Santino.
"Kahit boy or girl pa PO, basta masaya ako kapag nagkaroon na tayo ng bagong baby." Deklara ni Seb na nagniningning pa ang mga mata.
"00 Seb, pinag-uusapan na nga namin ng Mama niyo ang tungkol sa magiging bago niyong kapatid sa hinaharap. Kaya naman dapat mag pray kayo kay Jesus na sana ay pumayag na ang Mama niyo na urnuwi na sa bahay natin."
Halos nabilaukan ako sa sariling laway sa mga sinasabi ni Senyorito sa anak. Patuloy pa rin akong namamangha at hindi makapaniwala sa ugali niyang pinapakita ngayon dahil ibang-iba talaga sa kung ano ang ugali niya noon.
"Ma, paano nga po pala ang pwesto natin sa kwarto? Kasya po kayo tayong lahat doon?" singit  na tanong panganay naming anak.
"Nak, huwag mo ng problemahin pa ang pwesto natin. Kami na ang bahala ng Mama niyo. Matutulog na ba tayo? ll At tumingin pa sa akin si Senyorito ng magtanong.
"0-00." Pautal kong sagot sa kausap na napangiti ng makahulugan.
Maliit ang kwarto namin. Tamang-tama lamangsi Santino sa kanyang higaan na papag na gawa sa kawayan. Samantalang nakahiga kaming dalawa ni Seb sa sahig.
Nasa pagitan namin ni Senyorito Simon si Seb na nakayakap pa sa kanya. Nakakailang man ang eksena ay ayaw ko namang matawag na killjoy lalo pa at nakikita ko na masaya ang mga anak 1<0.
Nararamdaman ko rin naman na masayang-masaya si Senyorito na kapiling ang mga anak.
"Huwag mo akong titigan ng ganyan Misis 1<0, baka wala ng makakapigil sa akin."
Urninit ang mukha ko sa tinuran ni Senyorito dahil waring nakuha ko ang kanyang ibig sabihin. Hindi ko namalayan na nakatingin na rin pala siya sa akin.
"Anu-anong sinasabi mo Senyorito, mabuti pa ay matulog ka na rin.ll Sagot ko sa kanya. "Nahihirapan akong matulog kung ganyan kangtumingin sa akin."
"Paano ba akong tumingin at pati pagtulog mo ay naapektuhan?" inosenteng tanong 1<0.
Nag taas-baba ang adam's apple ni 
Senyorito at nakatutok sa mukha ko ang malagkit na tingin.
"lyongtingin na parang niyaya na akong gumawa ng bata." Nakangisi niyang bulong at sagot sa aking katanungan.
Literal na nanlaki ang mata ko sa sagot niya dahil baka narinig kami ng mga bata. Pero alam kong tulog na talaga sina Santino at Seb dahil na rin sa maghapon na walang tigil sa paglalaro.
"Senyorito, paki preno ang bibig mo. May mga bata tayong kasama dito at baka marinig ang mga sinasabi mo." Kunwari ay matapang kong saway sa kanya. Ngunit ang totoo ay kanina pa ako naiinis sa kanyang mga banat na may halongkaberdehan.
Hindi ako sanay na ganito siya makipag-usap. Sanay kasi akong Iagi niya lamang sinisimangutan at sinisinghalan.
Tinalikuran ko na lamang siya at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.
Ngunit napa piksi pa ako ng may mabibigat na braso na yumakap sa aking bewang.
Mabilis akong urnikot paharap sa kanya na dapat pala ay hindi ko na. ginawa. Dahil wala ng isang dangkal ang pagitan ng aming mga mukha.
"Senyorito, ano bang ginagawa mo? Bakit  narito ka sa tabi ko?" bulong ko ngunit madiin ang mga salita.
"Yumayakap sa asawa 1<0." Ang nakakalokang sagot niya.
"Senyorito, hindi ako nakikipag biruan sayo. Tanggalin mo ang karnay mo sa bewang ko at lumipat ka sa pwesto mo." Utos ko sa kanya.
"Masama na pala angyumakap sa asawa ngayon at tumabi sa Nanay ng mga anak 1<0?"
"00, dahil matagal na tayong hiwalay. Wala ka ng karapatan dahil ikaw mismo angdahilan kung bakit nawala 'yon. Kaya kahit isang libong dosena pa ng bulaklak ang ibigay mo sa akin araw-araw at mabulok man ang ngipin ko sa mga chocolates na binibigay mo ay hinding-hindi na magbabago ang nais ko. Ayoko na at tapos na tayo. Sana naman maintindihan at galangin mo ang desisyon 1<0." Madiin kong litanya sa kanya.
Nanatili lamang nakatingin sa aking mukha si Senyorito na para bang kinakabisa ang bawat detalye sa mukha ko. Ngunit naramdaman ko ang unti-unting pagkalas ng kanyang mga braso sa pagkakayakap sa aking baywang.
" I l m sorry." Tipid niyang sabi at saka lumipat muli sa kanina niyang pwesto.
Niyakap niya ang tulog na tulog na si Seb at saka pumikit ang mga mata. Alam kong nasaktan ko ang damdamin niya.
Pero buo na ang pasya ko. Ayoko na at matagal na kaming tapos.
 





 




About the Author

Good day! Thank you for visiting us! We hope you find what you’re looking for and that you enjoy your stay.

Post a Comment

Cookie Consent
We serve cookies on this site to analyze traffic, remember your preferences, and optimize your experience.
Oops!
It seems there is something wrong with your internet connection. Please connect to the internet and start browsing again.
AdBlock Detected!
We have detected that you are using adblocking plugin in your browser.
The revenue we earn by the advertisements is used to manage this website, we request you to whitelist our website in your adblocking plugin.
Site is Blocked
Sorry! This site is not available in your country.