Fight For My Sons Right Chapter 71-80

Please wait 0 seconds...
Scroll Down and click on Go to Link for destination
Congrats! Link is Generated





Written by: KoryanangNegra


Introduction
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"



Chapters 71-80
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

Chapter 71


"Manang Puring, totoo ho kaya ang usapan na may asawa at mga anak na Senyorito Simon?" narinig kong tanong ng Ate Neneng ang isa sa mga kasambahay ng hacienda.
"Ang sabi niya sa akin ay meron na. Meron na siyang dalawang mga anak ngunit hindi niya pa mauwi rito sa mansyon at marami pa raw dapat na asikasuhin." Sagot naman ni Manang kay Ate Neneng.
Ewan ko pero tila kumirot ang aking dibdib. Nanakit ang aking lalamunan at gusto kong maiyak sa mga sinabi ni Manang Puring.
Malamang na ang tinutukoy na asawa ni Senyorito Simon ay si Senyorita Daphne at meron na rin pala silang mga anak. May iba na palang kapatid ang mga anak ko. Sila nga siguro ang talagang nakatadhana sa isa l t-isa.
Masayang-m asaya siguro silang nag sasama.
May isang bahagi ng pagkatao ko ang nalungkot para sa dalawa ko namang mga anak sa nalaman tungkol sa kanilang ama. Sana lang talaga ay tuluyan nang huwag malaman ng mga anak ko kung sino si Senyorito Simon sa buhay
nila. Hindi ko kasi alam kung ano ang maaari nilangmaramdaman.
Iniisip ko rin ang pwedeng maging saloobin ng mga anak ko tungkol sa gin awa kong pagsuko sa karapatan na dapat ay nasa kanilang dalawa ngayon. Takot din akong sisihin ng sarili kong mga anak kapag nagkataon na hindi nila maintindihan angdahilan kung bakit mas pinili ko na makipaghiwalay kay Senyorito Simon. Paano kong malaman nila na ang katotohanan at masaktan lang sila?
"Karen, kanina pa huminto ang washing machine. Tapos na ba 'yon o kailangan pang ipaikot muli?" untag ni Ate Neneng sa akin. Hindi ko narinig ang paghinto ng pag-ikot ng washing machine dahil sa paglalakbay ng aking isip. Narito naman kami sa likod ng mansion kung saan naroon ang labahan upang labhan angrnga maruruming kurtina, bed sheet, punda at mga darnit.
Pangalawang araw ko na ngayon dito sa mansion. Natapos na namin kahapon ang mga gawain sa 100b. Ngayon araw naman ay nilalabhan namin ang lahat ng mga maruming damit.
"Tila wala ka sa sarili, Karen? Kay lalim naman ng iyong iniisip?" tanong ni naman ni
Manang na inaalis sa dryer ang mga kumot na tapos ng ma-dryer.
"Wala naman PO, Manang. May iniisip lang po ako ngunit hindi naman masyadong importante," sambit ko at saka sinimulang iahon sa 100b ng washing machine ang mga kurtina na tapos ng umikot sa washing.
"Oonga pala, Karen. Mabuti kinakausap ka nga pala ni Senyorito Simon, kahapon? Samantalang kahit si Manang Puring ay kibuin-dili ng bago nating amo rito sa hacienda."
Nalito ako. Hindi ko akalain na may nakakita pala na nag-uusap kami ni Senyorito kahapon. May narinig kaya si Ate Neneng sa tungkol pinag-usapan namin ni Senyorito?
Sana naman aywala.
"Pinapagalitan ka ba niya, Karen? Ayaw niya ba na hinahawakan mo ang mga mamahalin niyang mga banga o ang anurnang mamahaling gamit na kanyang pagmamay-ari? Kinakabahan ako kahapon ng marinig na tinanong ka niya kung ano ang ginagawa mo kung kaya umalis ako agad at baka makita niya ako at magalit sa aking pakikinig.ll Paliwanag ni Ate Neneng.
"Hindi naman,Te. Nagtaka lang siya kong sino ako dahil hindi naman ako kasambahay dito sa mansion." ang siyang naging sagot ko kay Ate
Neneng na talagang hinihintay ang aking magi ging sagot.
"Neneng, anu-ano ang iniisip mo tungkol sa bago nating amo. Gusto mo bang mawalan ng trabaho dahil sa katsismosahan mo?" sermon naman ni Manang Puring sa narinig na sapantaha ni Ate Neneng tungkol kay Senyorito Simon.
"Manang naman. Masama po ba magtanong kay Karen?" katwiran ni Ate Neneng at kinuha ang mga sinasampay ni Manang at siya na ang nagpatuloy na magsampay sa sampayan.
"Hindi tama na pag-isipan mo na nagtatanong ng ganung klase ng tanong ang ating bagong amo. Kasambahay tayo rito at hindi kasama sa gawain natin ang pakialaman sila." Dagdag na sermon ni Manang.
"Pasensya na PO, Manang. Nagulat lang kasi ako sa biglang pag kausap ni Senyorito kay Karen. Hindi nga ba at madalang lang kumibo ang bago nating amo. Ikaw lang po ang madalas niyang kausapin at madalang pa ho sa patak ng Lilan na mangyari simula ng siya ay tumira rito sa mansion. Hindi katulad ng si Senyora Esmeralda ang narito. Napakasaya ng mansion at punong-puno ng buhay. Samantalang ngayon ay nakakabingi ang katahimikan sa buong kabahayan. Tapos hindi pa natin alam kung ano ang tunay na ugali ni Senyorito.ll Patuloy rin naman na katwiran ni Ate Neneng.
Bakit kaya? Sa pagkakaalam ko ay sa amin lang ng mga anak ko galit si Senyorito. Simon. Magiliw at mabait siya sa ibangtao lalo na sa mga nasasakupan niya. Totoo kaya ang sinasabi ni Ate Neneng? Maghapon kahapon ay hindi ko na siya nakita kaya nga malakas ang loob ko na magbalik ngayon dahil alam kong wala naman siyang pakialam pa kahit narito pa ako sa loob ng bahay niya. Wala naman siyang dapat ipag-alala kahit narito pa ako. Hindi ako nanggugulo at wala akong balak na banggitin pa ang kahit ano tungkol sa nakaraan.
"May iluluto pala ako sa kusina. Maiwan ko muna kayongdalawa rito," wika ni Manang Puring matapos ibalik sa akin ang laundry basket na pinaglalagyan ng mga damit na nakasampay na sa matibay na alambreng sampayan.
"OPO, Manang." Ang siyang sagot ko. Ngunit ilang minuto lang din ang nakalipas ng umalis na rin si Ate Neneng at kailangan niya raw gumamit ng c.r. Kaya ako na lang ang nag sampay ng Iahat ng mga nilabhan.
"Nasa eskwelahan ba ang mga bata? ll naudlot ang paglalagay ko ng sipit sa kumot na aking sinasampay ng marinig na naman na may
nag tanong mula sa aking likuran.
Bakit lagi na lang akong nagugulat kay Senyorito Simon?
"00, Senyorito." Maikli kong pag sagot at saka ipinagpatuloy lang aking ginagawa.
"Hindi ba kayo nagkukulangsa pagkain? May mga vitamins na naman ba na iniinom ang mga bata?" sunod niyang tanong.
Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang drama ni Senyorito Simon. Ano at parati siyang nagtatanong ng tungkol sa mga bata.
"Senyorito, huwag ninyong alalahanin ang mga anak ko. Malusog at walang anumang sakit ang aking mga anak. Lagi rin akong nanghihingi ng multivitamins sa center na pinapainom ko sa kanila.
"Center?" nagtataka na tanong ni Senyorito Simon.
"Center, kung saan pwede kang manghingi ng libreng mga gamot at vitamins basta meron silang stocks." Balewala ko namang paliwanag.
"Sapat na ba ang makukuha nilang bitamina roon upang maging malusog?" pangatlo niyang tanong.
Nag buntong-hininga ko bago sumagot 
"Senyorito, hindi po ba nakiusap ako sayo kahapon na huwag mo na akong kausapin. Ngayon naman ay nakikiusap ako na huwag mong isipin ang mga anak ko. Sige ho, pasensya na at kailangan ko ng pumasok sa 100b. Tapos na kasi ang trabaho ko dito sa labas." Paalam ko sa dati kong asawa at nagmadali akong pumasok sa 100b ng masyon.
 


Chapter 72


"Ma, bakit po hindi na kami pwedeng maglaro roon sa hacienda? Masarap po kasing mag habulan doon kasi po maluwag ang bakuran at lagi po kaming binibigyan ng meryenda ni Manang Puring.'l tanong ni Seb na nagkakadadahaba ang nguso.
Sinabihan ko kasi siyang huwag na nang magagawi sa hacienda para makaiwas kay Senyorito Simon. Mas masasaktan kasi ko sa isiping pwede silang magkita pero babalewalain lang sila ng kanilang sariling ama at isa pa ayoko na talagang silang magkakakilala.
"Baka kasi ayaw ng mga bata ng bagong nakabili ng hacienda. Hindi pa kasi natin alam kong ano ang ugali na meron siya. Baka ayaw niya ng maingay." Paliwanag ko na lamang habang pinipitas ko ang mga sariwang gulay na sitaw.
"Palagay po ninyo ay masungit ang bagong may-ari ng hacienda?" tanong ulit ni Seb na nakipitas na rin ng mga sitaw.
Kung pwede ko nga lang sagutin na 11 00! Napaka-sungit anak at lalong-lalo na kung kayong dalawa ng kuya mo ang lumapit sa kanya." Ngunit hindi ko naman maisatinig.
"Ma, kanina po habang pauwi kami ni Kuya buhat sa eskwelahan. Napansin ko po ang magandang pulang kotse na laging nakaparada riyan sa harap natin na para pong sinusundan kaming dalawa ni Kuya." Kuwento ng bunso kong anak.
Naiwan sa ere ang aking kanang kamay na siyang pumipitas ng sitaw. Dinunggol ng kaba ang akingdibdib.
"Sigurado ka ba anak? Baka naman guni-guni mo lang lyon. Nagkataon lamang na iisa lang ang daan na tinatahak ninyo ng sinasabi mong kotse." litanya ko at pilit winawaksi ang namumuong ideya sa kung sino ang taong maaaring nasa pulang kotse.
"Siguro nga PO, Ma. Baka oras din po ng pag-uwi niya ng bahay at lagi lang naming nakakasabay ni Kuya sa pag-uwi.l' Dagdag na kwento ni Seb.
"Laging nakakasabay? ll kunot-noo namang tanong ko. Kung ganun ay parati na talagang nakikita ni Seb na sinusundan sila ng pulang kotse.
"Opo, Ma. Kasi po araw-araw naming nakikita ang pulang kotse na nakasunod sa amin o kaya naman po ay parang sumasabay sa amin
habang umaandar po ang bike. Pero humihinto po siya kapag malapit na kami ni Kuya dito sa bahay." Balewalang sagot ng anak ko na siyang nagpatuloy ng pamimitas ko ng sitaw.
"Matagal na ba ninyong napansin ng Kuya mo ang pulang kotse?" tanong ko.
"Hindi ko na po maalala, Ma. Basta po kapag aangkas na ako kay Kuya sa bike para po urnuwi ay agad pong nasunod ang pulang kotse sa amin.'l Sagot ulit ni Seb.
"Kung totoo ang aking sapantaha. Ano ba ang balak ni Senyorito Simon? Bakit lumalapit siya sa mga anak ko? ll mga katanungang gumugulo sa aking isipan.
" Basta lagi kayong mag-ingat ng Kuya Santino mo. Uuwi agad ng bahay at huwag na huwag ng magpupunta pa sa kahit saan." payo ko na lamangsa anak kung walang ka ide-ideya na maaaring ang matagal ng inaasam na ama ang pwedeng lulan ng pulang kotse.
Gayun man ay naguguluhan ako. Kung tama man ang iniisip kongsi Senyorito Simon ang may-ari ng pulang kotse ay bakit? Bakit tila sinusubaybayan niya ang mga anak ko? Ano ang motibo niya? Sinigurado ko naman na kahit isang kusing aywala kaming kinuha sa mana na iniwan sa amin ni Senyora Loreta. Kaya anong pwedeng
maging pakay pa ni Senyorito Simon sa amin ng mga anak ko?
Nagbuntong-hininga ko saka umiling-iling.
Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa utak ko. Marahil ay tama lang ang sinabi ni Seb na baka magkasabay lang talaga sila ng oras ng uwian ng sinumang nagmamaneho sa pulang kotse.
Kinabukasan ng ihatid ng tanaw ko ang papalayong mga anak ko sakay ng bike at papasok ng eskwelahan ay napansin ko ang isang pulang kotse sa di-kalayuan. Ang pulang kotse pa rin tulad ng mga nakaraang araw.
Pinakatitigan ko ang tinted na salamin. Alam kong may tao sa 100b at mataman lamang nakamasid sa amin ng mga anak ko. Kinakabahan man ay lakas-loob akong inihakbang ang aking mga paa sa direksyon kung saan ito nakaparada. Sinipat-sipat ko pa ang kabuuan ng sasakyan bago ako kum atok sa bintanang katapat ng driver's seat.
Akala ko walang-tao dahil naka-ilang katok na ko ay wala namang nagbubukas. Ngunit nagulat pa ako ng bumukas ang Pinto at iniluwa nga ang inaasahan kong tao. Halatang bagong gising ang itsura. Ano at dito siya natutulog sa kotse? At bakit ang gwapo niya pa rin kahit bagong gising?
" Karen 
Tila nahihiya niya pa na banggit sa pangalan ko.
Seryoso ko siyang tin itigan.
"Senyorito, anong ginagawa mo rito?" tanong ko agad.
Hindi siya agad nakasagot habang nakatitig rin sa aking mukha pagkuway humawak sa likuran ng kanyang batok.
" Karen 
Umarko ang kilay ko dahil nakikita ko na para siyang nahihirapan na sagutin ang tanong 1<0. Huwag niyang sabihin na bibili siya ng halaman kaya siya narito?
"Gusto ko lang kasing makita kayo ng mga anak ko." Sagot niya sa seryosong boses.
Mas umarko ang kilay ko sa narinig.
Katapusan na ba ng mundo o bingi na lang ako?
"Tama ba ang narinig 1<0? Kayo ng mga anak 1<0?" bahaw akong natawa sa pag-ulit sa kanyang sinabi.
"Sa pagkakaalam ko kasi Senyorito wala ka namang mga anak dito at isa pa tigilan mo ang pagsunod sa mga anak ko dahil tinatakot mo sila.lJ Litanya ko.
"Karen, please alam kong marami akong
pagkakamali bilang asawa at ama ng mga anak natin. Kaya gusto kong burnawi. Burnawi sayo lalong-lalo na sa mga anak ko. Kina Santino at Seb." Sinsero niyang sabi.
Mas lalo akong napamaangsa kanyang sinambit.
"Magugunaw na ba ang mundo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba nakuha ng buo ang kayamanan na binigay ko ng kusa sayo? May ibang kundisyon ba si Senyora Loreta para makuha mo ang mana? tanong ko dahil maaaring hindi niya nakuha ang kayamanan kaya naman hinahanap niya kami ng ng mga anak 1<0.
"Karen, I can make my own money. Kaya kongyumaman kahit wala ang sinasabi mong kayamanan galing kay Lola." Deretso niyang sabi. "Kung ganon anong kailangan mo?" seryoso kongtanong.
"lkaw at ang mga anak ko. Kayo ang kailangan 1<0."
Tuluyan na talaga na akong natawa sa narinig. Tawang-tawa ako na parang nakarinig ng isang nakakatawangjoke. Samantalang pinapanood lamang ako ng lalaking kaharap 1<0.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Senyorito?
Kami kailangan mo? Bakit?" tanong ko na may halongsarkastiko.
"Dahil kayo ang pamilya ko.ll Sagot naman niya.
"Pamilya? Wala kang pamilya dito Senyorito at pakiusap huwag mong guluhin ang tahimik na buhay namin ng mga anak ko." madiin kong wika.
" Karen, gusto kong bum awi."
Ayoko ng marinig pa ang kayang paliwanag kaya naman pinutol ko na ang anumang sasabihin nya.
"Wala kang babawiin Senyorito. Masaya at kuntento na kami ng mga anak ko sa kung anuman ang mayroon kami. 00, madalas nga nilang itanong kung nasaan ka pero alam kung pagdating ng panahon na maintindihan din ng mga anak ko kung bakit mas pinili ko ang lumayo sayo. Kaya pakiusap layuan mo kami ng mga anak 1<0." nanggagalaiti kong galit.
Nalaglag ang balikat ni Senyorito sa aking tinuran. Alam kong may nais pa siyang sabihin pero anupaman iyon ay ayoko ng marinig pa. Sapat ng nasaktan ako na ayokong mangyari sa mga anak ko.
"Umalis ka na Senyorito, hindi ko alam kong ano ang tunay mong pakay pero nakikiusap ako sayo na huwag mo ng idamay ang mga anak 1<0." Saka ako lumakad palayo at pumasok na sa aming bakuran.
Anurnan ang kaugnayan namin sa nakaraan ay ilang taon ko ng tinuldukan kaya anong karapatan niyang guluhin ang kasalukuyan.
 

 

Chapter 73


"Ma, pinasasabi po ni Aling Clara na aani raw po kayo ng mga mani sa hacienda bukas.
Magpunta na lang raw po kayo sa bahay nila.ll Imporma sa akin ni Santino matapos makauwi galing sa eskwelahan. Tuwing anihan ng kahit anong pananim sa hacienda ay sumasama ako. Sayang din kasi ang kita maging ang mga mauuwi kong mga sobra sa kung anong produkto ang aanihin.
"Ganun ba? Pupuntahan ko na lang mamaya pagkatapos kong magluto ng hapunan.l' Sagot ko naman sa anak ko. Kasalukuyan kasi akong nagsasaing ng bigas sa kalan namin na ginagamitan ng kahoy. Wala naman akong pambili ng gas stove kaya matiyaga na lamang ako na naghahanap ng tuyong kahoy na pwedeng ipanggatong o kaya naman ay uling ang aking gamit.
Nang makaluto ako ay agad akong gurnayak patungo kay Ate Clara na mas matanda sa akin ng ilang taon. Ang biyenan niyang lalaki at ang kanyang asawa ang mga namumuno sa mga trabahador ng hacienda Esmeralda.
"Karen, maaga tayo bukas ng makarami agad at saka kailangan natin na ano nga ba 'yon? ll tila nakalimutan pa ni Ate Clara ang dapat  sabihin. Alam ko ay nasa kwarenta na ang kanyang edad. Tama lang ang kanyang taas pati ang pangangatawan na maitim ang balat dahil ayon naman sa kanya ay bata pa lamangsiya ay kinamulatan niya na ang maglingkod sa hacienda.
"Pa-impres nga ba 'yon? lyon nga ba ang tamang salita? l' pumapalakpak pa si Ate Clara ng maisip ang salitang dapat sabihin.
"Mabuti na lamang sinabihan mo ako Ate Clara. Kailangan na kailangan ko talaga ng ibang pagkakakitaan," sabi ko naman sa kanya.
Iminuwestra ni Ate Clara na maupo ako sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. Tulad ng bahay namin ay gawa rin sa kawayan ang kanilang bahay. Mas malaki nga lamang ang kubo nila kumpara sa kubo namin na sakto lang talaga sa amin ng mga anak ko.
"Syempre, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lamang at saka sabi ko nga kailangan tayong magpa-impres sa bagong may-ari ng hacienda. Mukha kasing istrikto at mukhang maraming alam sa bukid. Kung kaya kumbaga ay alam na alam niya na kung paano magpatakbo ng isang hacienda kasi nga balita rin namin na siya rin ang nagmamay-ari ng hacienda Sto.Domingo." Kwento ni Ate Clara na nanlalaki pa ang mga mata.
Ngumiti na lamang ako at hindi na lamang nagkokomento. Ayoko mang magkaroon ng pagkakataong malapit ang presensya ko kay Senyorito Simon ay babalewalain ko na lamang dahil mas kailangan kong kumita ng pera sa mga anak 1<0.
Kinabukasan nga ay maaga pa lamang ay nasa malawak na ektaryang lupain na kami ng mga mani na aanihin. Nagbilin na lamang ako sa dalawa kong mga anak na dito dumeretso sa bukid. Siguro naman ay busy sa buhay negosyante si Senyorito Simon at hind  magpupunta rito.
Bantad man ang sikat ng araw ay tuloy-tuloy lamang kaming mga trabahador sa pagbubunot ng mga mani na inaani. Masaya naman sa bukid kaya hindi mo rin naman nararamdaman ang pagod dahil nariyan ang biruan at madalas na tawanan.
"Uy! Tama na muna angtawanan.
Nakatingin sa atin si Senyorito Simon," bulong ng isa sa aming kasamahan. Si Manang Ising.
Sabay-sabay kaming nag palinga-linga ng mga kasamahan ko na nakarinigsa balita ni Manang Ising. Paglingon ko sa isang malabong na puno ng kamatsile ay naroon nga ang isa sa mga namumuno sa bukid na kausap ang isang matangkad na lalaki base na rin sa tindig at  pangangatawan. Naka-asul na longsleeve at nakapantalon. Nakasuot na pang cowboy na sumbrero.
Pakiramdam ko ay uminit lalo ang paligid dahil sa pakiwari ko ay sa akin nakatutok ang kanyang paningin. Pilit kong inalis sa isipan ang sapantaha at nagpatuloy lamang sa ginagawa. "Kailangan kong kumita!" siksik ko sa utak ko at nag patuloy na sa ginagawa.
"Sino kaya ang pinagmamasdan sa atin ni Senyorito Simon? Magmula kanina ay hindi na inaalis sa atin ang kanyang paningin?" bulong na tanong ni Ate Clara.
"Malamangna nababagalan sa atin kaya bilisan na natin dahil malapit ng mag tanghalian." Utos ni Manang Ising na mas binilisan pa ang pagkilos. Bilib din ako kay Manang, bagamat may edad na ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho at hindi iniinda ang anumang sakit ng likod kahit kalahating araw na kaming nakayuko at hindi makatayo ng diretso. "Mananghalian na muna tayo!" sigaw ng isa sa mga kalalakihang nagsisipag lakad na patungo sa isang parte ng bukid kung saan naroroon ang mga mayayabong na puno na nagbibigay ng preskong hangin at lilim.
"Tara ng kumain at gutom na rin ako," wika naman ni Ate Clara na siyang nanguna na para urnahon sa pagbubunot ng mga mani. Nagsipag tanguan naman kami at sumunod na rin.
Kanya-kanya ng pwesto ang karamihan. Palibahasang mga mag-asawa o kaya naman ay magkakamag-anakan ang halos kasamahan ko sa bukid kaya ang ending, ako lamang ang naiiba.
Walang asawa. Walang kamag-anak.
Umupo na lamang ako sa isangtabi malapit kina Ate Clara na bagamat pagod din ay panay pa rin ang pag asikaso sa asawa. Ganun din ang ibang kababaihan.
Inilabas ko ang baon kong kanin at ulam na adobong sitaw at isang bote ng tubig.
Saktong nabuksan ko na ang baon ko ng may lumapit sa akin at naupo sa mismong harapan ko.
"Mabuti naman at iyan ang ulam mo. Miss ko na nga ang ganyan na pagkain. Sawa na ako sa mga inuulam ko sa araw-araw," wika niya sabay kuha sa tupperware na pinaglalagyan ko ng ulam at nilagay sa kanin ko na nakabalot sa dahon ng saging at walang pag aalinlangan na surnubo.
Napanganga na lamang ako sa kanyang ginawa. Panay angsubo niya ng kanin at ulam na akala mo ay gutom na gutom at wala na akong balak na tirahan.
"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ni Senyorito Simon sa pagitan ng kanyang pagnguya.
May inilabas siyang tupperware na mayroongdin na lamang kanin at ulam. Halabos na hipon at alimango ang kanyang baon. Ang mga paborito ko. Natatakam man ay parang nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa presensya niya at dahil sa pinagtitinginan lang naman kami ng lahat ng tao sa bukid.
"Anong gin agawa mo, Senyorito?" tanong ko na pinipigilan na mainis sa kanya.
"Kumakain ako, bakit?" balewala niya naman na sagot habang patuloy lamang sa pagkain.
Ramdam ko ang pagtitig ng mga tao sa paligid. Nagbubulungan na rin sila. Hindi ko tuloy malingon sila Ate Clara at Manang Ising dahil natatakot akong salubungin ang kanilang mga nagtatanong na paningin.
Lalo tuloy akong nawalan ng gana.
Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko hindi lamangsa init ng panahon kundi maging sa sitwasyong 'to.
Binuksan ko ang bote ng tubig na baon ko at saka diretsong urninom sa bibig nito. Guminhawa ang tuyo kong lalamunan ng maraanan ng malamig na tubig.
Ngunit ng tatakpan ko na sana ang bote ng inagaw ni Senyorito Simon at walang seremonyang tinungga ang lamang tubig. "Senyorito, ano kaba? Tubig ko iyan!" Inis kong reklamo sa mahinang boses.
"Ano naman? Nauuhaw na ko," balewala na naman niyang sagot.
"Pinag-inuman ko na iyan!" sabi ko na naman.
"Ano naman ngayon? Asawa naman.ll hindi niya na natuloy ang anumang sasabihin ng takpan ko ang kanyang bibig gamit ang kanan kong kamay.



Chapter 74


 

"Pwede ba Senyorito, ihina mo nga yang boses mo at baka may makarinig sayo,ll bulong ko sa kanya pero malinaw ang pagkakasabi 1<0. Kunot-noo lang siyang nakatitig sa aking mukha at hindi makapagsalita dahil nga nakatakip ang isang kamay ko sa kanyang bibig.
Medyo nahiya naman ako sa pagka kalapit ng aming katawan. Kaya dali kong tinanggal ang kamay ko sa bibig niya at saka mabilis na dumistansya ng ilang dangkal.
Mabuti na lamang at wala ng nakatingin sa amin at kanya-kanya ng pahinga ang mga tao sa paligid.
"Kumain ka na. Baka malipasan ka ng gutom," may pag-aalala sa boses niya.
"Paano ko kakain? Inubos mo ang baon kung pagkain," sambit ko naman habang pinipigilan na mainis.
"Hayan ang baon ko. Paborito mo lahat ng ulam na akingdala,ll saad naman niya sa akin at saka umupo muli para magpahinga.
"Ayoko, nawalan na ako ng gana,ll sagot ko at naghanap ng mauupuan na malayo sa kanyang pwesto.
"Bahala ka malipasan ka ng gutom niyan," panunudyo niya sa akin at nginisian pa ako.
"00 na! Siya na ang gwapo kahit nakasuot ng lumang long sleeve at pantalon na kupas at may putÏk pa ang sapatos na suot. Ano kaya ang trip ng isang to?' sa loob-loob ko.
Hindi talaga ako kumain at hinintay na lamang ang muling lusungan sa bukid.
Nahihiya na tuloy akong bumalik dahil hindi ko alam ang isasagot sa mga magiging tanong sa akin.
"Mukhang nabighani ang Senyorito sa taglay mong kagandahan Karen," tudyo ni Ate Clara na nakangisi pa.
"Oonga Karen, akalain mo sa lahat ng pwede niyang samahan kumain ay sayo lumapit," segunda naman ng isa pa sa aming kasamahan na si Ate Nora na kaedad rin ni Ate Clara.
"Baka sadyang mabait lamang si Senyorito Simon at sinamahan si Karen dahil nakitang nag-iisa sa sulok," ani naman ni Manang Ising.
"Tama po kayo, Manang,ll pagsang-ayon ko naman dahil sa totoo lang ay naiilang ako sa
kanilang mga panunudyo.
Bakit naman kasi gurnawa ng eksena si Senyorito Simon.
Kanya-kanya na kami ng pwesto at nagsimula na naman ng magbunot ng mga mani. Hindi ko pa rin talaga matanggal ang inis ko kay Senyorito Simon.
"Ano ba ang drama niya? Ayoko na ngang magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. Pero bakit siya itong tila lumalapit sa amin,l' tanong ko sa aking isipan habang mabilis na binubunot ang mga malabong na puno ng mani na sagana ang bunga sa kanyang ugat.
Dumating ang alas-singko ng hapon at  umahon na rin kami sa wakassa bukid.
Malamang na magpupunta rito ang mga anak ko para sunduin ako kaya naman malaki na ang mga hakbang na ginawa ko habang palinga-lingang hinahanap ang presensya ng mga anak ko sa paligid.
"Mama!"
Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses ni Santino. At ng matanawan ko ay nakasakay sa kanyang bisikleta samantalang nakatayo sa kanyang tabi si Seb. Kumakaway silang pareho habang masayang nakangiti at nagsimulang maglakad para ako ay salubungin.
"Karen, ayan na ang mga guwardiya Imo," si Ate Clara na nakatingin na rin sa direksyon ng mga anak ko.
"Mauna na ko Ate Clara. Bukas na lang ulit," paalam ko sa kanya na tinanguan ako.Tinanguan ko na rin ang mga nakasalubong ko na mga kasamahan namin at kanya-kanya na rin ng daan pauwi.
"Tara na mga anak,ll yakag ko sa mga anak ko na sinabayan na ako sa paglalakad. Isinukbit na ni Santino ang backpack na dala-dalahan ko na naglalaman ng mga baon kongtupperware at tubig saka marahang nagpedal ng bike habang kami naman ni Seb ay sumasabay sa kanyang marahang pagbibisikleta.
"Ma, itlog na lamang po ang ulam natin para hindi na po kayo mapagod magluto," suhestiyon naman ng bunso ko na nakayakap pa sa aking bewang habang kami ay naglalakad.
"Susl Palusot ka pa! ltlog naman talaga ang paborito mong ulam! ll Buska naman ng panganay 1<0.
"Ma! Si kuya oh!" ingos naman ni Seb sa kuya niya.
Napawi ang pagod ko sa maghapon sa
nakikitang pagkukulitan ng mga anak ko. Madalas silang mag-away pero hindi naman nagkakasakitan. Alam ko kung gaano nila kamahal ang isa l t-isa gaya ng pagmamahal ko sa kanila.
"Tama na at baka may mapikon na naman sa inyong dalawa. Dalian na lamang natin na maglakad. Madilim na sa daan at kailangan na  natin mag madaling makauwi," putol ko sa kantyawan nila.
"Ihatid ko na kayo."
Isang baritono na boses ang nag patigil sa amin ng mga anak ko sa paglalakad.
"Hindi na PO, Senyorito," maagap kong tanggi.
"Magandang gabi PO," bati naman ni Santino.
"Magandang gabi PO," paggaya naman ni Seb.
Nakatitig lamang si senyorito sa mga anak 1<0. Alam kong may nais siyang sabihin sa mga batang kaharap.
"Sige PO, Senyorito. Mauna na po kami. Magandang gabi po at salamat,l' mabilisang sabi ko saka iginiya ang mga anak ko palayo.
"Ma, hindi po ba siya ang lalaki noong isang
araw?" tanong ni Seb.
"Ma, bakit parang pamilyar siya sa akin?" tanong naman ni Santino na tila may malalim pang iniisip.
Hindi ko na lamang iniintindi ang kanilang mga katanungan at mabilis na humahakbang palayo kasama sila
"Ate Karen?"
Nang lingunin ko ay isang magandang babae ang pinanggalingan ng tinig. Puno ng pananabik at pagsusumamo ang kanyang mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang batang kasama ko. Araw-araw na iniisip ko sa aking balintataw na ang mukha niya ang magiging mukha ng anak kong nawala. Ramdam ko na kong nabuhay lamang siya ay naging magkamukha silang dalawa.
"Magandang gabi, Senyorita. Masaya akong nagkita tayong muli. Sige po mauna na po kami,ll magalang kong pagbati at pagpapaalam.
Hindi siya sumagot ngunit nakikita ko sa kanyang mga pagtitig sa amin ng mga anak ko na para ba siyang naiiyak. Kumibot ang labi na tila may nais sabihin.
"Anong drama ng magkapatid na
Sto.Domingo? Bakit tila ang bait nilang dalawa at hindi ako pareho na sinungitan?" tanong ko sa aking isipan.
Naririnig kong may mga itinatanong ang mga anak ko ngunit masyadong ukupado ang utak ko ng mga samu't-saring ala-ala sa nakaraan.
Mga ala-ala ng sakit na matagal ko ng hindi nararamdaman. Ngunit muling kumirot at nagdala ng hapdi sa bawat himaymay ng aking kalamnan.
Hindi lang pala si Senyorito Simon ang dapat kong iwasan dahil nandito rin pala si Senyorita Selene. Ngunit bakit sa dinami-dami pa ng mga hacienda na kaya nilang bilhin ay bakit ang hacienda Esmeralda pa?



Chapter 75




"Ma, dumating po ang tatay ng kaklase ko galing ibang bansa. Ang clami niya pong pasalubong.l' Kwento ni Seb ng dumating mula sa eskwelahan. Mataman lang naman akong nakikinig lagi sa kanyang mga kwento galing sa eskwelahan araw-araw.
"Ma, kailan po ba darating si Papa? Sana marami siyang dalang mga laruan at chocolates kasi po iyong sa kaklase ko ang dami niya pong chocolates. Meron din po siyang bagong laruan na robot at ang ganda PO." Patuloy sa pag kwento si Seb na nanlalaki pa ang mga mata habang inilalarawan ang robot na laruan ng kaklase.
"Hindi ba binilhan naman kita dati ng laruan," sabi ko na lamang at hindi sinasagot ang tanong na kung kaian darating ang Papa niya.
"Ma, iyong sa kaklase ko po malaki ang robot niya at saka po ang astig." iminuwestra pa ni Seb kung gaano ang laki ng robot.
"Wala naman tayong pambili ng ganun kalaking robot, Seb."
Sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga panggatong na pinulot ko kanina sa kakahuyan sa malapit.
"Ma, sana po dumating na si Papa. Para po magkaroon na tayo ng parnbili ng kalan na ipinipihit na lang gaya ng kina kuya Estong. Para po hindi na po kayo mahirap sa pagluluto at pangangahoy." Hiling Lilit ng anak kong bunso habang pinagmamasdan ang aking ginagawa na pag-ihip sa kalan upang kumalat at dumingas ang apoy.
"Anak, kaya mag-aral kang mabuti. Para kapag nakatapos na kayo ng pag-aaral ng kuya Santino mo. Mabibilhan na ninyo si Mama ng kalan na pinipihit,'l sabi ko naman. Ang kalan na ipinipihit na tinutukoy ni Seb ay ang gas stove.
Meron kasing ganun sina Estong na kalaro ni Seb.
"Ma, hindi ba ninyo namimiss si Papa? Ano po ba ang itsura ni Papa? Bakit po hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi? Tinutukso na po ako ng mga kaklase ko baka nagsisinungaling lang po ako kapag kinukwento ko po si Papa sa kanila." Malungkot na sabi ng anak ko habang nakatitig sa mga kahoy na isinalansan ko.
Naurnid ang aking dila sa sunod-sunod niyang mga tanong at wala akong makapa na salita para isagot sa mga lyon.
Namimiss? Paano ko namimiss ang isang taong nagpahirap sa buhay ko dati. Paano ko namimiss ang isang taong dahilan kung bakit ipinanganak ko ng wala sa buwan si Santino? Dahilan para duguin ako at mawala ang sana ay kakambal ni Seb.
Abala ako sa paglilinis sa pag-aayos ng aking mga halaman ng mamataan ko sa labas ng aming bakuran ang isangtao. Nagmamadali akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Anong kailangan mo, Senyorita? ll agad kong tanong kay Senyorita Selene na palakad-lakad na animo ay balisa sa tapat ng aming gate na gawa sa kawayan.
"Ate Karen, gusto lang kitang makausap," sagot niya na may halong pagsusumamo sa tinig maging sa kanyang mga mata.
Wala naman akong nakikita na dapat pa namin na pag-usapan pa dahil kung naging mabuti man siya kay Santino dati ay hindi pa rin maikakaila na pinaratangan niya rin akong pera lamang ang habol sa kanyang pamilya.
Ngunit atas ng kagandahang asal ay binuksan ko ang gate kawayan at inanyayahan siyang pumasok sa loob ng aming munting bakuran.
"Maupo ko, Senyorita." Pag-aya ko sa kanya
ng makarating kami sa teresa ng aking bahay-kubo
Naupo naman siya at palinga-linga sa kabuuan ng paligid na tila may hinahanap.
"Gusto mo ba ng maiinom? Kape at tubig lang ang maaalok ko dahil wala naman kaming fresh juice dito o kaya ay fresh milk,ll sabi ko sa mahinahongtinig.
Umiling siya at pilit ngumiti.
Burnuntong-hininga muna ako at naupo na rin sa sa mahabang upuang kawayan kung saan din siya nakaupo at handa na akong makinig sa anumangkanyangsasabihin.
"Dito pala kayo nanirahan ng mga pamangkin ko?" Panimula niyangsabi habang pinagmamasdan ang payak naming bahay ng mga anak ko.
Tumango lamang ako bilang sagot.
"Ate, gusto kong humingi ng sorry." Baling niya sa akin at kitang-kita ko ang pagbukal ng luha sa kanyang mga mata.
Medyo nabigla ako.
Ate ang tawag niya sa akin? Simula ng magkita kami sa hacienda Esmeralda ay "Ate Karen" na ang tinatawag niya sa akin gayong sa pagkakaalam ay mas matanda siya sa akin ng dalawangtaon.
"Ate, sorry dahil nadamay ang mga pamangkin ko. Sorry sa mga panahong dapat tinutulungan ka namin. Sorry sa lahat. Sorry talaga Ate Karen." Madamdamin niyang litanya.
Ramdam ko ang senseridad sa kanyang basag na tinig dahil sa pagluha habang humihingi ng tawad.
"Gusto kong bum awi, Ate. Gusto naming bumawi lalong-lalo na ni Kuya. Gusto niyang burnawi sayo at sa mga anak ninyo," saad niya na ginanap pa ang aking mga palad.
Umiling ako.
"Senyorita, kung anuman ang nakaraan sa pagitan natin at namin ni Senyorito Simon ay gusto ko na lamang iwan sa nakaraan. Walang alam ang mga anak ko sa kung sino ang kanilang ama o anuman na may kinalaman kay Senyorito Simon," sabi ko sa kanya.
Nagtatanong ang mga mata ni Senyorita Selene sa narinigsa akin.
"Pe-pero Ate, gusto naming makilala Sina Santino at Seb." Pagsusumamo niya.
"Senyorita, huwag na ninyo kaming guluhin pa ng mga anak ko. Masaya na kami kung anuman ang mayroon kamingtatlo. Ayoko ng malito o magtanong pa ang mga anak ko tungkol sa mga bagay na mahirap ipaliwanag lalo at bata pa lang sila. Kaya hayaan niyo na lamang kami." Pakiusap ko kay Senyorita Selene.
 Ate .11
"Minsan na kung nasaktan ng emosyonal at pisikal. Kaya ayokong maranasan iyon ng mga anak 1<0. Ayoko ng magkaroon ng anumang kaugnayan sa pamilya ninyo." Pahayag ko.
"Ate, paano naman ang mga bata? Mas giginhawa ang buhay nila kapag nasa mansyon  sila.IJ Patuloy na giit ni Selen.
"Giginhawa?" Tanong ko.
"Nabuhay ko ang mga anak ko sa paraang alam ko. 00, salat kami sa yaman. Payak at  napaka-simple ng buhay namin hindi gaya ninyo na marangya. Pero ayos naman kami hindi ba?
Tatlomh beses sa isang araw ang pagkain namin." Patuloy ko.
Hindi na kumibo si Senyorita Selene. Marahil ay tinitimbang ang mga sinabi ko.
"Batid kong hindi habang panahon na maitatago ko sa mga anak ko kung sino ang ama nila. Ngunit hahayaan ko na lang din na dumating ang panahon na sila na mismo ang hahanap kay
Senyorito Simon. Pero sana lang ay galangin niyo
ang desisyon ko na layuan ninyo kami. Katulad ng paglayo ko sa inyo dati. Hayaan niyo kami tulad ng pagpaparaya na ginawa ko kay Senyorito Simon. Pagbigyan niyo ang hiling ko katulad ng pagbibigay ko ng walang alinlangan sa mga ari-arian na dapat ay sa amin ni Santino.ll Mahaba kong litanya.
Tumango-tango si Senyorita Selene ngunit umiiyak pa rin.
"Alam mo Ate Karen, sising-sisi ako sa nagawa 1<0. Talaga pa lang nasa huli ang pagsisisi." Kwento ni Selene na bahagya pang tumawa.
"Noong nagkaroon ako boyfriend. Halos ayokong mapahiwalay sa kanya. Mag-aaral kasi siya sa America at ako naman ay ayaw payagan ni Lola at Kuya na mag-aral sa ibang bansa. Pero dahil mahal na mahal ko ang boyfriend ko kaya gumawa ako ng paraan para makapunta din ng amerika."
Hindi ko maintindihan ang kwento ni Selene pero mataman akong nakikinig sa kanya.
"Alam mo ba kung anong ginawa ko para masunod ang gusto 1<0?" lumuluhang tanong sa akin ni Senyorita Selene.
"Usapan namin ni Bryl pampatulog lang din ang ilalagay niya sa inurnin ni Kuya Simon. Pero
hindi niya ako sinunod. Isang uri raw ng s*x drugs ang nilagay niya kaya.." tila nahihirapang ipagpatuloy ni Selene ang sasabihin.
Nagtatanong ang aking mga isip. Anong ibig sabihin ni Senyorita Selene sa kanyang kwento.
"Sorry Ate Karen. It's all my fault. Yes, ako ang naglagay ng sleeping pills sa ininum mong juice noong gabing may nangyari sa inyo ni Kuya Simon. I swear to God na hindi ko alam na s*x drugs ang ilalagay ni Bryl sa alak na ininom ni Kuya Simon. Kaya wala kang maalala ng gabing iyon ay dahil tulog na tulog ka talaga at si Kuya naman ay nasa impluwensya ng drugs."
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa pag-amin ngayon ni Selene.
Siya pala ang may kagagawan ng lahat.
Siya pala ang dahilan ng lahat.
"Inisip ko kasing magagalit si Daphne kapag nalaman angtungkol sa nangyari sa inyo ni Kuya. Maiisip niyang urnuwi ng amerika at 'yon ang pagkakataon na balak kong samantalahin para payagan ako ni Lola at lalong-lalo na ni Kuya na lumipad din sa U.S. I know how Kuya Simon's loved Daphne. Alam kong mahal niya ang girlfriend niya at baka utusan niya ako para bantayan si Daphne habang nasa malayo." Patuloy lang ako sa pakikinig sa mga pabayag ni Senyorita Selene.
"Binayaran ko ang mga taong nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa pagiging mukhang pera mo, sa pagiging malandi mong babae at disperada para mabuhay ang Nanay mo. Kaya nagawa mong pikutin si kuya dahil ginamit mo ang malaking pagkagusto sayo ni Lola
Loreta .11
Namamangha ako sa pangungumpisal ni Senyorita Selene.
Hindi ako makapaniwala na angtulad niyang nag-aral sa maganda at dekalidad na eskwelahan ay makakaisip ng ganung bagay.
"Pero hindi pala ganun lang ang mga bagay-bagay. Hindi pala simpleng laro lamang ang buhay. Hindi simpleng bagay ang kinalabasan ng pagiging makasarili ko. Dahil dumating si Santino na nadamay sa pagiging malupit sayo ni Kuya." Mapait na wika ni Selene.
"Yes, Ate Karen, I'm the person behind. Ako ang may kagagawan at pinagmulan ng lahat ng naging kaguluhan sa buhay mo at pinagsisihan kong lahat iyon. Maniwala ka, Ate Karen, sising-sisi ako."
Wala akong maapuhap na dapat sabihin kay Senyorita Selene.
Nasagot ang katanungang matagal ng hungkag sa kasagutan dahil sa wala talaga kong maalala noong may nangyari sa amin ni Senyorito Simon.
Hindi ko alam kong mamumuhi ba ako sa kanya? Magagalit ba ako?
Heto na, umaamin at nanghihingi ng tawad ang taong may kagagawan ng lahat.
Tama siya.
Nadamay si Santino. Nadamay si Seb at ang kambal niya na sana ay kasama namin ngayon kung hindi ako dinugo noon. 
 


Chapter 76




Malayo lamang ay naririnig ko na ang boses ni Seb habang tinatawag ang pangalan ko. Nagmamadali naman akong lumabas ng bahay para salubungin ang mga anak kong galing sa eskwelahan.
Muling malakas na pagtawag ni Seb at nang matanaw ko siya ay mayroon siyang bitbit na malaking plastic at ganun din si Santino.
Kunot-noo akong nakatitig sa kung ano ang mga dala-dala nila.
"Ma, tingnan po ninyo. May mga bago po kaming laruan ni Kuya." Agad na ibinida ni Seb ang laman ng malaking plastic na galing sa kilalang toy store sa mga malls.
Kinutuban na ako sa pwedeng pinagmulan ng mga mamahaling laruan ng mga anak 1<0.
"Saan nanggaling ang mga iyan? " malumanay kong tanong sa dalawa kong anak na hindi magkamayaw sa kung ano ang uunahin na tingnan sa mga laruang nasa 100b ng plastic.
"Ma, galing po kay Senyorita. Hindi po ba kilala mo siya? Siya po ang nakita natin na magandang babae sa hacienda noong isang araw." Si Santino ang sumagot 
"Ba-bakit tinanggap ninyo? Hindi ba l t bilin ko na huwag na huwag kayong tatanggap ng kahit ano sa taong hindi niyo naman kilala? 'l sermon ko sa mga anak 1<0.
"Ma, hindi ba nga po at kilala niyo siya? Tinawag niya nga po kayong Ate Karen." Nagtataka na sabi ni Seb.
"Oonga PO, Ma, kaya nga po tinanggap namin dahil magkakilala kayo. Ang sabi niya nga po ay tawagin namin siyang Mommy Selene, kasi po gusto niya po kaming maging anak." Kuwento ni Santino.
Gusto kong sermunan ang mga anak ko. Ngunit pinigilan ko na lamang ang aking sarili dahil ayokong mahalata nila ang pagdisgusto ko sa ginawa nilang pagtanggap ng mga laruan mula kay Selene.
Kinabukasan ng makapasok sa eskwelahan ang mga anak ko ay nagmamadali akong gumayak patungong hacienda. Kakausapin ko si Selene sa ginawa niya. Akala ko malinaw na sa kanya ang napag-usapan namin noong nag usap kami.
"Karen iha, ikaw pala yan. May kailangan ka ba?" bungad na tanongsa akin ni Manang Puring ng makita niya akong naghihintay sa pintuan ng mansyon.
"Magandang umaga PO, Manang." Pagbati ko at inabot ang kanyang kanang karnay para magmano.
"Kaawaan ka, halika pumasok ka muna." Yaya sa akin ni Manang Puring sa 100b ng mansyon.
Bantulot mang pumasok sa 100b ay nilakasan ko ang aking 100b. Kailangan kong makausap si Senyorita Selene.
Nag palinga-linga ako sa paligid habang sinusundan ang matandang mayordoma ng mansyon. Narito ngayon ako sa malawak na sala na kung saan kasama akong nag-ayos upang ilagay ang mga bagong gamit. Bahagyang nakalihis ang mga makapal na kurtina ng mga malalapad na bintana kaya naman malayang makakapasok ang nakakasilaw na sinag ng araw.
"Ate Karen?"
Umakyat ang paningin ko sa ikalawang palapag ng mansyon at naroon angtumawag sa akin.
Si Selene na nakadamit pantulog pa na
maingat na bumaba ng hagdan.
"Ate Karen? Magkakilala pala kayo ni
Senyorita Selene, Karen?" takang tanong sa akin ni Nanay Puring na huminto rin sa paglalakad.
"Yes Manang, magkakilala po kami." Maagap na sagot ni Senyorita Selene ng makalapit sa kinaroroonan namen.
"Mabuti naman pumasyal ka, Ate." Nakangiting saad ni Selene.
Tumikhim ako bago sumagot. "Gusto sana kitang makausap."
Sagot ko sa mahinahon na tinig.
"Manang, makidalhan na lamang po kami ng pwedeng kainin sa pool area." Utos ni Selene sa mayordoma na agad namangtumalima.
lginiya ako ni Karen sa pool area kung saan may malawak na parihabang swimming pool. Naupo kami sa sa bakal na upuan na may katerno din namang bakal na bilog na lamesa.
"Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa Senyorita Selene. Hindi ba't nag-usap na tayo tungkol sa mga anak ko? Bakit binigyan mo sila ng laruan at  gusto mo pa na tawagin ka na nilang Mommy?" pang-uusig ko kay Selene na nawalan ng lalo ng kulay ang maputlang mukha.
"Nilinaw ko na sayo na ayoko ng magkaroon
ng kaugnayan sa inyo ni Senyorito Simon. Kaya sana naman bigyan niyo ko ng konsiderasyon gaya ng pagbibigay ko sa inyo dati." Pagpapatuloy
1<0.
Nakita ko kung paano nangilid ang luha ni Senyorita Selene at kapagdaka ay tumulo na.
"Ate Karen, please, gusto ko lang mapalapit sa mga pamangkin 1<0. Gusto ko silang makasama. Pangako ko naman na wala akong babanggitin na kapatid ko ang Papa nila. Please, Ate." Hinawakan pa ni Selene ang kanang kamay ko habang nagmamakaawa. Punong-puno ng pagsusumamo ang kanyang lumuluhang mata.
"Senyorita Selene, ayokong magulo ang isipan ng mga anak ko. Magtatanong sila kung bakit ka nakikipag lapit sa kanila. Ayokong mag-imbento pa ng kasinungalingan tungkol sa kung sino ka at sino ang ama nila.ll Walang gatol kong litanya.
"Sabihin mo sa kanila ang totoo."
Isang baritono na boses ang pumailanlang sa tahimik na kapaligiran ng lugar kung nasaan kami ni Senyorita Selene.
Hindi ko na kailangan lingunin kung kanino boses yon.
"Sabihin mo sa kanila ang totoo, Karen. Para makalapit na kami ng malaya kay Santino at Seb." Ulit niyangturan ng makalapit sa lamesa kung nasaan kami ni Selene.
Simpleng t-shirt na kulay puti na ginupit ang manggas ang kanyang pang -itaas at kulay itim na khaki short ang pang-ibaba. Gaya ng dati ay n aka-tsinelas lamang siya.
"Ano bang hindi niyo naiintindihan? Ayoko ng magkaroon ng kaugnayan sainyo tapos gusto niyong sabihin ko ang totoo sa mga anak ko?" mahinahon kung wika ngunit nagngingitngit na ang kalooban ko.
"Karen, ilang sorry ba ang gusto mong marinig mula sa amin bago mo kami mapatawad and besides, Ako parin ang biological father nina Santino at Seb kaya may karapatan ako sa kanila."
Napa-ismid ako sa sinabi ni Senyorito Simon.
Karapatan? Nakakatawa.
"May sakit ba kayo at may taning na ang mga buhay niyo kaya gusto niyong magkapatawaran tayo at tanggapin ko ang paghingi niyo ng sorry at para na rin sabihin ko sa mga anak ko na naririto na ang Papa nila? Na miss na miss na silang dalawa?" bahagya akong natawa sa akingtinuran.
"Baka nakakalimutan mo Senyorito Simon kung paano mo akong ipagtabuyan, sinabihan ng mga masasakit na salita, paratangan ng kung anu-anong bintang. Naaalala mo pa ba kung paanong nanganib ang buhay ni Santino dahil ipinanganak ko siya ng kulangsa buwan? Nang nagkasakit siya at naospital, nag-alala ka ba? Kinamusta mo ba ang kalusugan niya? Naalala mo ba ng una ka niyang tinawag na Papa? Pero binalewala mo lang at ni hindi man lang pinansin? Noong unang kaarawan at binyag niya, nasaan ka? Para akong tangang naghihintay sa simbahan pero urnaasa akong darating ka kahit ang totoo niloloko ko lamang ang sarili ko. Tapos ngayon igigiit mo ang pagiging biological father mo at sasabihin ang karapatan mo sa mga anak 1<0!? Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi sa akin? Nilinaw mo sa akin dati na basura lamang angtingin mo sa amin ng anak ko. Kaya ano ang pinaglalaban niyo?" sumbat ko at hindi ko mapigilan ang paghulas ng kinikimkim kong galit sa 100b ng ilangtaon. Batid kong tumaas na ang tinig ko at nanlilisik na ang mga mata ko dala ng masidhingemosyon.


Chapter 77



 

Mataman lamang akong pinakinggan ng magkapatid. Patuloy lam ang sa pag-iyak si Senyorita Selene gayong nakatitig lamang sa akin si Senyorito Simon na waring naumid ang dila.
"Umalis ako ng kusa sa buhay mo Senyorito Simon. Pinirmahan ko ang annulment papers para mapawalang bisa ang kasal natin. Binigay ko ng walang pag-aalinlangan ang kayamanan na dapat sa amin ni Santino para matapos ang usapan tungkol sa mga bagay na laban sa pagkatao ko. Kaya ano 'to? Bakit gusto niyong guluhin ang tahimik naming buhay ng mga anak ko?" patuloy ko sa panunumbat sa magkapatid  lalong-lalo na kay Senyorito Simon.
"Karen, kaya nga gusto kong burnawi lalong-lalo na sa mga anak ko. Gusto kong bawiin ang lahat ng mga nawalang panahon na hindi ko sila kasama. Gusto kong ibigay sa kanila ang mga bagay na dapat ay sa binigay ko sa kanila. Kaya, nakikiusap ako. Payagan mo akong makalapit at makasama sila. Anurnan ang nagawa ko sa nakaraan ay labis ko na pinagsisihan. Kung kaya
ko lang ibalik ay gagawin ko.ll Madamdaming pahayag ni Senyorito Simon.
Totoo kaya ang kanyang mga sinabi? Na nagsisisi na siya? Hindi ako makapaniwala dahil hindi naman talaga kapani-paniwala. Si
Senyorito Simon, nagmamakaawa na patawarin
"Ganun lang 'yon? Matapos mo kaming balewalain, pabayaan at hinayaang mabuhay ng ilangtaon na wala ka sa buhay ng mga anak ko.
Sasabihin mo ngayon na gusto mong bumawi? Hindi ba't napaka-kapal naman ng pagmumukha mo para sabihin sa akin ang mga bagay na 'yan.l' patuloy lamang ako sa panunumbat.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako at tanggapin sa buhay ng mga anak ko. Gusto mo ba lumuhod ako ngayon sa harap mo? ll seryoso niyang tanong.
Umiling ako.
"Wala kang dapat gawin, Senyorito. Dahil kahit anong gawin mo. Hindi mo na mababago ang katotohanan na isa kang walang pusong asawa at ama sa mga anak 1<0. Kaya tigilan na ninyo ang mga anak ko. Layuan niyo sila. Hayaan niyo na kaming mabuhay ng kami lang."
Lumapit sa akin si Senyorita Selene.
"Ate, please, ako na ang nagmamakaawa sayo. Please, Ate Karen. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kaya sa akin ka na lang magalit.
Nagmamakaawa ako sayo, Ate." Pakiusap niya sa akin at wala sa hinagap ko na kaya niyang lumuhod sa harap ko upang magmakaawa na sa kanya lang ako magalit.
"Senyorita Selene, hindi mo kailangan na gawin 'to. Tumayo ka at huwag mo akong konsensiyahin," saad ko habang nakayuko sa nakaluhod sa aking harap.
Ngunit ipinilig lang ni Selene ang kanyang ulo at nanatiling nakaluhod upang patawarin ko.
Nag buntong-hininga ako at mariin na ipinikit ang mga mata.
"Sa 100b ng walong taon, ako lang ang mag-isa ang nagtaguyod sa mga anak ko. Kapag nagkakasakit silang dalawa, hindi ko alam kung sino ang uunahin na asikasuhin. Kapag kailangan nila ng ganito o ganyan sa eskwelahan, naghahanap ako agad ng trabaho para magkapera at mabili ko agad ang kailangan nila.
Ayoko ko kasi na maisip nilang nakakaawa sila. Kaya agad akong gumawa ng paraan para mabuhay ko sila ng maayos. Nakayanan ko ang lahat ng pagsubok ng kami lang tatlo. Kaya sabihin ninyo sa akin ngayon, madamot ba ako
kung ayoko ng makilala kayo ng mga anak ko? Masama na ba ang ipagkait ang mga anak ko sa taong hindi nagpakita ng kahit anong pagmamalasakit sa amin ni Santino?" mahaba kong litanya.
Patuloy lang sa pag-iyak si Selene samantalang si Senyorito Simon ay nanatiling nakatitig sa akin. Gusto kong maawa sa kanila ngunit paano kung saktan nila ang mga anak ko?
"Alam kong kaya ninyong ibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga anak ko. Pero bilang Ina nila, gusto ko lang ng tahimik na buhay kasama ang mga anak 1<0. Pakiusap, huwag na kayong lumapit pa sa amin."
Matapos kong sabihin ang aking mga kataga ay tumalikod na ako para umalis. Ngunit laking gulat ko ng makita Sina Santino at Seb na magkasama pang nakatayo sa di-kalayuan.
"Santino? Seb?"
Taranta kong pagtawag sa kanilang pangalan. Ngunit lampasan lamang nila akong tiningnan.
"Wala po kaming pasok sa eskwelahan dahil po kinansela ang lahat ng klase. May parating daw po na bagyo sa lugar natin at kailangan na po na maghanda ang lahat ng mga tatamaan na lugar. Kanina po pag-uwi namin ni Seb, nakita ko po kayong sumakay ng tricycle kaya sinundan po namin kungsaan po kayo papunta. Pinapasok po kami ni Manang Puring, kasi raw po ay narito nga po kayo, Nay," wika ni Santino na panaka-nakang nakatingin sa dalawang taong nasa likod ko. Muli siyangtumingin sa akin na tila nagtatanong ang mga mata.
"Totoo po ba, Ma? Si Senyorito Simon po ba ang Papa namin ni Seb?" mahina niyang tanong at tila nahihiya pa sa kanyang sinabi.
Napuno ng emosyon angdibdib ko.
Malamangna narinignila ang pag-uusap namin kanina ni Senyorito Simon at ni Senyorita Selene. "Totoo po ba, Ma? Siya po ang Papa namin ni kuya?" inosentengtanong naman ni Seb na nakakapit pa sa braso ng kanyang nakatatandang kapatid at nagtataka marahil sa narinig at sa eksenang nakita sa amin.
Para saan pa para magsisinungaling ako? Para saan pa kung itatanggi ko ang katotohanan na nalaman nila ng hindi sinasadya.
Kin agat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata at labag man sa kalooban ko na umamin ay marahan na na ako ay tumango-tango bilang pagsagot sa tanong ng aking mga anak.
"Santino, Seb, ako nga Papa ninyo,ll saad ni Senyorito Simon na niyakap pa ng mahigpit sina
Santino at Seb. Lumapit din ang umiiyak na si
Selene at yumakap din sa akingdalawang anak*
Para namang may humaplos sa puso ko sa eksenang nakikita ko. Para bang nanonood ako isang eksena ng teleserye sa telebisyon.
Ngunit bumadha ang kalituhan sa utak ko kasama ng pag-aa[inlangan sa puso ko.
Paano na ang sitwasyon ngayong alam na ng mga anak ko kung sino ang kanilang ama.
Ayoko man na magulo ang isip ng mga anak ko ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko kung ang kapalaran na nilang malaman ngayon ang totoo.
Isa lang ang dalangin koy ang maging masaya ang mga anak ko. Sana nga lang ay huwag silang saktan ng kanilang ama dahil hind  ko alam kung ano na ang magagawa ko kapag nasaktan ang kahit na sino sa dalawa kung anak.
 


Chapter 78



"Ma, nandiyan na po si Papa! Alis na po kami." Masiglang paalam sa akin ni Seb at nagkukumahog pang lumabas ng bahay para salubungin ang Papa nya.
"Mag-ingat ka Seb at ang mga bilin ko sayo. Huwag kang pasaway, huwag malikot at baka mawala ka sa pupuntahan ninyo." Pahabol kong bilin sa anak kung hindi na halos nakatulog kagabi sa sobrang excited sa pamamasyal kasama ang kanyang matagal ng hinahanap na ama.
Mamasyal sila ngayon sa kasama na rin si Senyorita Selene.
Mula ng malaman ng mga anak ko ang totoo ay madalas ng naririto sa bahay ang magkapatid na Sto. Domingo.
00, tutol ako.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi hayaan na lamang silang kilalanin ang isat-isa.
Sinong Ina ang hindi matutuwa kapag nakikitang galak na galak sa tuwa ang kanyang anak kapag nakikita ang Papa nila.
"Ate Karen, sure ka ba na hindi ka sasama at si Santino?" malungkot na tanong ni Senyorita
Ang dahilan ko ay sasama ako sa pamimitas ng mga kape kaya hindi ako makakasama. Samantalang si Santino naman ay may gagawin daw na importanteng project sa eskwelahan na kailangang-kailangan na raw na tapusin kaya turnangging surnama sa pamamasyal kasama ang ama at tiyahin.
"Hindi na Senyorita, i-enjoy ninyo na lamang ang pamamasyal kasama si Seb. Pilit ko namang pinasasama si Santino sainyo, ang kaso maaga talagang urnalis dahil importante raw ang talaga ang project niya." Sagot ko kay Selene na cute na cute sa romper na suot. Kung nabuhay lamang sana si Samantha, malamangna binibihisan ni Senyorita ng pagka ganda-gandang mga damit, mga sapatos, mga nasa uso na ipit sa buhok at kung anu-ano pa na gamit para sa batang babae.
"Tuloy na kami, Ate. Sana sa susunod na pamamasyal ay makasama na namin kayo ni Santino." May panghihinayang sa kanyang pamamaalam.
Kumaway naman sa akin si Seb na masayang humawak sa kamay ng kanyang mommy Selene. Samantalang bumaba naman sa mamahalin niyang sasakyan na kulay puti si Senyorito Simon at binuksan ang pintuan ng sasakyan upang makapasok sina Senyorita at Seb. Binuhat niya pa ang kanyang bunsong anak upang makasakay.
Bago naman tuluyang pumasok ng sasakyan si Seb ay inabot muna ang kanang kamay ng Papa niya at saka nagmano. Hinawakan siya sa ulo ni Senyorito at bahagyang ginulo ang buhok. Matapos maisara ang pintuan ng sasakyan pagkapasok ng mag-tyahin ay burnaling sa direksyon ko ang ulo ni Senyorito Simon.
Bagay na bagay sa kanya ang suot na V-neck shirt na kulay abo na hapit sa kanyang maskuladong katawan habang ang pang-ibaba naman niya pantalon na kulay itim.
Alam kong nakatitig siya sa akin sa kabila ng natatakpan ang kanyang mga mata na hindi ko mawari kung anong kulay ng salamin. Bahagya naman akong nahiya sa ayos ko. Simpleng damit-pambahay lamang ang suot ko at hindi pa nga ako naliligo dahil mas inuna kong inasikaso si Seb dahil nga maaga siyang susunduin dito sa aming bahay.
Maya-maya ay inalis niya ang kanyang salamin at saka ako tinanguan bago urnikot papuntangdriver's seat.
Bumusina muna ang sasakyan hudyat ng pamamaalam saka dahan-dahan na lumakad hanggang sa mawala na sa aking tanaw.
Isasara ko na sana ang gate ng namataan ko si Santino na pauwi na rito sa bahay.
"Santino, akala ko ba may importante kang gagawing project?" tanong ko agad sa kanya. Dahil sayang at hindi siya naka-abot sa kaka-alis lamang na sasakyan ng kanyang Papa.
Hindi ako sinagot ng anak ko na nagtuloy lamang sa pagpasok at ipinarada ang bisikleta sa bodega.
"May sakit yata ang anak ko?" may pag-alala sa isÏpan ko.
"Santino, anak may masakit ba sayo? Masakit ba ulo mo? Angtiyan mo?" sunod-sunod kongtanong.
Turningin naman siya sa akin ngunit kita ko kung waring malungkot ang panganay kong anak.
"Nak, anong masakit sayo?"
Hindi siya sumasagot at sa buong pagtataka ko ay yumakap sa akin.
"Ma, sorry PO, sorry po talaga," wika niya sa basag na tinig.
"Bakit ka nagsosorry? May ginawa ka bang
hindi tama? Nakipag-away ka ba? " lalo akong kinabahan sa kinikilos ni Santino. Hindi siya hihingi ng sorry kung wala siyang ginawang masama.
Urniling siya ngunit hindi pa rin umaalis sa pagka kayakap sa akin. Bagkus ay lalo niya pang hinigpitan angyakap sa akin.
"Sorry PO, kasi po lihim akong nagagalit sayo. Iniisip ko kasi dati na, ayaw ninyong makilala namin kung sino ang Papa namin ni Seb. 
Ayaw niyo po na kasama natin ang Papa namin. Akala ko po ayaw niyo kaming maging masaya. Sorry Ma, hindi ko po kasi alam angtotoo. Hindi ko po alam na naging malupit pala sila sayo kaya mas pinili mong lumayo at buhayin kami ni Seb ng mag-isa. Sorry po talaga, Mama. Napakasama kong anak. Parusahan niyo po ako, hindi po ako magrereklamo." Tumulo ang luha ko sa ng marinig ang mga sinabi ni Santino.
"Mama, sorry. Sising-sisi po ako na lihim akong nagagalit sa inyo. Gayun dapat pala ay mas mahalin ko pa kayo." Humihikbi na patuloy sa paghingi ng sorry ng anak 1<0.
"Anak, wala kang kasalanan. Sorry din na naging madamot ako na malaman ninyo kung sino ang inyong Papa. Kasi natatakot ako na baka masaktan kayo. Kaya ko nagawa na huwag na lang sabihin sa inyong dalawa ng kapatid mo ang totoo." Basag na rin ang boses ko.
Nag-iyakan kaming mag-ina. Hindi ko akalain na nag-iisip na ng ganun bagay ang panganay kong anak. Hindi ko naman na siya masisi dahil marunong na siyang mag-isip sa kung ano angtunay at ano ang kasinungalingan.
"Ma, kahit kailan hindi kita iiwan. Hindi kita ipagpapalit sa kahit anong bagay, dahil ganun mo rin kami kamahal ni Seb," sabi ni Santino na tigmak na ng pinaghalong-luha at sipon ang mukha.
Tango na lamang ako ng tango dahil wala na akong ma apuhap na sasabihin sa paglalahad ng anak ko kung gaano niya ako kamahal at kung gaano siya nagsisisi sa anuman na kanyang naging kasalanan.
"Hindi po totoong may project kami, Ma."
Hindi na ako na sorpresa ng sabihin ni
Santino angtungkol sa project. Una pa lamang ay alam kung may mali na. Kapag narito ang kanilang Papa ay kibuin-dili niya at tanging si Seb lamang ang naririnig ko sa hindi maawat na pag kuwento.
"Mama, Ayoko po kasing iwan ka at saka po narinig ko na sinabi mo na ba-basura lang po ang tingin sa atin ni Senyorito Simon." Atubili pa si
Santino na banggitin ang salitang ”basura.” 



Chapter 79


"Anak, humingi na ngtawad ang Papa mo.
Humingi rin siya ng pangalawang pagkakataon. Hayaan mo siyang makabawi sa inyo ni Seb," saad ko sa anak ko na narinig pala talaga ang naging usapan sa pagitan nen ng kanilang ama.
Umiling si Santino.
"Hindi na PO, Ma. Kahit kay Seb na lamang po siya burnawi.ll Matigas ang kanyang pagtanggi. 'Nak, huwag kang ganyan. Papa mo pa rin siya kahit anong mangyari. Kahit ano pa ang nakaraan.ll
"Pero sinaktan niya po kayo, Ma. Hindi ko po matanggap na hindi ko po kayo na ipagtanggol sa kanya." Bakas ang pinaghalong galit at lungkot sa inosenteng mukha ng aking anak.
"Anak, mahirap ipaliwanag sa ngayon ang naging sitwasyon namin ng Papa mo noon. Pero ayokong magtatanim ka ng galit sa sinuman lalong-lalo na kay Senyorito Simon. Siya ang Papa niyo ni Seb. Kung anurnan ang hindi magandang nangyari sa amin noong panahong magkasama pa kami ay maaari bang hayaan mo na lamang si Mama ang magdala ng bagay na 'yon? Ayokong
magkaroon ka ng galit, Santino. Malungkot si Mama kapag ang nagpakita ka ng hindl magandang pakikisama kay Senyorita Selene at lalo na ang Papa mo." Mahinahon kong pagpapaliwanag sa anak 1<0.
Hindi sumagot si Santino na patuloy lamang sa paghikbi.
Ayokong magtanim siua ng galit kay Senyorito Simon.Tamang ako na lamang ang magdala ng bigat sa dibdib dulot ng hindi magandang pakikisama sa akin ng kanyang Papa sa nakaraan.
Pasado alas-nuebe na ng gabi ng pumarada sa harapan ng bahay namin ang sasakyan ni Senyorito Simon. Alalang-alala na nga ako at pumasok na rin sa isipan ko na baka wala na siyang balak isauli sa akin si Sebastian.
Unang bumaba ng sasakyan si Selene na may mga bitbit na plastic bags at paper bags. Lumabas din si Senyorito Simon at nagpunta sa likod kung saan bumaba ang kanyang bunsong kapatid. Paglabas niya ay karga-karga niya na ang bunso kong anak na malamang ay nakatulog na sa dahil sa sobrang pagod.
"Ate Karen, pasensya ka na kung ginabi kami. Masyado kasing nag-enjoy sa pamamasyal si Seb na pinagbigyan na namin.ll Agad na paghingi ng pasensya ni Senyorita Selene ng pagbuksan ko ng gate.
Ngumiti lamang ako bilang pagtugon at  sumenyas ako na pumasok na sila sa loob.
"Saan ko ba ilalapagsi Seb?" tanong ni Senyorito Simon na bitbit ang anak kongtulog na tulog at bahagya pa na nakaawang ang mga labi.
"Dito, Senyorito.ll Sabay bukas ko sa pintuan ng nag-iisang silid ng aming kubo. Kanina pa  tulog si Santino sa kanyang sariling papag na gawa sa kawayan. Samantalang kami ni Seb ay sa sahig natutulog na sinasapinan ng banig at pinagpatong-patong na comforter.
"Dito mo na lang siya ilapag Senyorito." Turo ko naman sa lugar kung saan ang pwesto ni Seb. "Bakit sa lapag kayo natutulog? Hindi ba kayo nangangawit?" tanong niya habang pinagmamasdan ang maliit naming silid ng mga anak ko.
"Malikot kasing matulog si Seb at madalas nahuhulog sa papago kaya naman ay nasisipa niya si Santino habang natutulog." Sagot ko sa kanya habang inaayos ang unan at kumot ng bunso ko.
"Tulog na tulog na din si Santino." Wika niya
at saka inilang hakbang ang papag kung saan himbing na ang tulog panganay kong anak.
Hinaplos niya ang ulo ni Santino at saglit na pinagmasdan. Inayos niya rin ang kumot at unan sa paligid ng papag.
"Tuloy na kami, Karen. Salamat sa pagpapahiram sa akin kay Seb."
"Walang anuman, Senyorito." Sagot ko sa kanya at sabay na kamimg lumabas sa maliit naming silid.
"Ate Karen, pasalubong namin sa inyo ni
Santino. Si Seb ang pumili ng lahat ng mga 'yan. Nagtataka nga ako kung bakit may piniling dress na pambatang babae na kasukat nya si Seb. Nahiya naman akong magtanong at baka kasi may crush na siya at kanyang ibibigay." Litanya ni Senyorita Selene.
"Ah..ba..baka nga llsang-ayon ko na lamang.Ngunit batid ko kung para kanino ang d ress.
"At heto ang inihaw na manok. Binili ko to sa tabi ng daan. Dito mo pinaglihi si Santino kaya malamang na paborito din ito ng panganay 1<0.
Sayang lang hindi ko na siya naabutan na gising." May panghihinayang sa tinig ni Senyorito Simon.
"Sa-salamat, Senyorito. Hindi ko akalaing maalala mo pa ang bagay na 'yon." matapat kong sabi.
Napalitan ng hindi ko mawari na emosyon ang mababanaag sa mga mata ni Senyorito Simon. Totoo naman, hindi niya nga naalala ang bilin kong bumili siya ng inihaw na manok sa daan noong panahong naglilihi pa ako. Tapos, ngayon ay sasabihin niyang naalala niya na sa pagkain na 'yon ko pinaglihi ang panganay niya.
"Oh, Sige na, humayo na kayo Senyorito, Senyorita. Alam kong pagod na rin kayo," sabi ko na lamang para ibahin ang senaryo na nabuo na naman sa aking isipan.
"Thank you, Ate Karen. Salamat talaga." Madamdaming turan ni Senyorita Selene.
"Wala 'yon Senyorita."
"Ate Karen, Selene na lamang ang itawag mo sa akin." Nahihiyang hiling sa akin ni Senyorita
Tumango na lamang ako at ngumiti.
"Sige Ate, uwi na kami ni Kuya.ll At saka lumabas na ng bahay si selene at nauna ng naglalakad patungo sa sasakyan.
"Goodnight, Karen ."
"Goodnight din, Senyorito, ingat sa pag dra-drive dahil madilim na sa daan." Habilin ko naman habang hindi pa umaalis sa kanyang kinatatayuan si Senyorito at nanatiling nakapako sa akin angtingin.
"May sasabihin ka pa ba, Senyorito?" kunot-noo na tanong ko.
Ipiniling niya ang kanyang ulo at saka nag buntong-hininga.
"We have to go.Thank you rin dahil sa kabila ng lahat-lahat ay nagtiwala ka pa rin sa akin at pinahiram si Seb ngayong araw. Maraming salamat, Karen," aniya.
"Tiyak na maraming kwento bukas si Seb. Salamat din, Senyorito." Sa halip ay sagot ko na nakangit•.
Tulad kanina umaga, burnusina muna siya bago umalis.
Hindi ko maalis ang paningin ko sa sasakyang nilamon na ng kadiliman.
Tumingala ako sa malawak na kalangitan at tinanaw ang nagsabog na bituin saka pumikit at taimtim na na nanalangin.
Na sana ay maging maayos lahat. Lalong-lalo na ang relasyon sa pagitan ng panganay kong anak at ng kanyang ama. Sana rin ay tama ang mga nangyaring pagbabago na ito sa buhay namin ng mga anak ko.
 


Chapter 80




Hindi magkamayaw si Seb sa mga kwento ng naging karanasan sa pamamasyal kasama ang kanyang ama at tiyahin.
"Sayang Kuya, hindi ka sumama. Ang saya pala talagang mamasyal sa mall. Ang lalaki ng mga buildings at kumain kami sa isang restaurant na puro masarap ang mga pagkain. Malungkot nga si Papa at Mommy Selene dahil hindi ka namin kasama. Kaya sana Kuya, ksama ka na namin sa susunod," saad ni Seb sa nakatatandang kapatid na hindi ko alam kung nakikinig sa kanina pa niyang mga kwento. Abala kasi si Santino sa paglilinis ng kanyang bisikleta habang ako naman ay abala sa paghimay ng bunga ng malunggay na siyang aming ulam sa tanghalian.
"Kuya, ang saya pala kapag may Papa, ano? Kinuwento ko nga sa mga kaklase ko na dumatingna ang Papa natin. "
"Papa, mo lang siya. Huwag mo akong idamay dahil hindi naman niya ako anak. Ikaw lang ang may Papa sa kanya." Sagot naman ni Santino na nakapag patigil sa ginagawa ko.
"Anong sinasabi mo kuya? Papa mo din siya. Ikaw ang una niyang anak at kami ni Sam ang pangalawa. Ano ba ang nangyayari sayo, Kuya? ll inosenteng turan naman ng bunsong kapatid.
"lkaw lang ang may Papa sa kanya. Okay na sa akin si Mama lang ang magulang 1<0." Sagot ulit ng panganay ko na ibinalik na ang basahang ginamit sa lalagyan.
"Kuya, hindi ka ba masaya na dumating na si
Hindi na sumagot si Santino sa tanong ni Seb.
"Santino, anak, nag-usap na tayo hindi ba?" singit ko na sa usapan ng magkapatid.
Ngunit sabay-sabay kaming napatingin sa labas ng bakuran ng huminto ang pamilyar na sasakyan.
Si Senyorito Simon.
Agad namang tumakbo sa gate si Seb at nagmamadaling buksan para salubungin ang ama.
"Ma! Tingnan niyo po may bago po kaming bike ni Kuya! At tig-isa na po kami!"
Pinagmamalaking sabi ni Seb na nakasakay na sa kulay asul na bagong bisikleta na tamang-tama lamangsa edad niya. Samantalang hawak naman ni Senyorito Simon ang isa pang asul din na bisikleta na tamang-tama naman kay Santino.
"Idinaan ko lang itong mga bisikleta ng mga bata," saad sa akin ni Senyorito Simon na naka kulay puting plain t-shirt at naka pantalon na itim.
"Hindi ka na sana nag-abala pa." Malumanay kong sagot.
"Santino, heto ang para sayo. Para hindi ka na nahihirapan pang iangkas si Seb. Luma na rin ang gamit mong bisikleta at napansin kong marami ng sirang piyesa. Kaya naisipan kong bilhan ka na ng bago," sabi naman ni Senyorito sa anak kong panganay.
Luma na nga naman at marami ngsira ang bisikleta ni Santino. Secondhand ko lang naman kasing nabili at hindi maingat sa gamit ang unang nagmamay-ari kung kaya kahit anong ingat ng anak ko ay kusa nang burnigay ang mga parte.
"Salamat na lang PO, pero mas gusto ko pong garnitin ang luma kong bisikleta. Mag-ingat na lang po ako sa pag pedal." Pagtanggi ni Santino na hindi tumitingin sa ama.
Bakas sa gwapong mukha ni Senyorito ang nagtataka sa sinagot ng anak.
"Santino, anak, mas mabuting huwag mo ng garnitin ang luma. Hindi ba lagi kang nasisiraan ng kadena?" nakisingit na ako .
"Hinigpitan na po ng tatay ni Estong, Ma.
Kaya okay na PO." Pangangatwiran ng anak ko.
"Hindi ba bawal kang mag-bike mag-isa, Seb? Gusto mo na naman ba na maaksidente gaya ng dati?" Baling ni Santino sa kapatid na nagbibisikleta ng paikot-ikot sa bakuran.
"Kaya ko na,Kuya." Sagot naman ni Seb na nagpatuloy lang sa gin agawa.
"laangkas na lang kita. Kaya ko naman." Patuloy na giit ni Santino .
Tumigil naman si Seb sa pagbibisikleta at nagsalita.
"Papa, ayaw po ni Kuya sa inyo. Ako lang daw ang may Papa sayo."
Sumbong naman ni Seb sa kanyang ama.
Nagkatinginan kami ni Senyorito Simon sa pagkakataong 'yon. Nabasa ko ang pagtatanong sa kanyang mukha pati na rin ang pinaghalong pait at sakit sa narinig sa sumbong ng bunsong anak.
"Totoo naman, ikaw lang ang anak niya. Kaya nga iniwan siya ni Mama dahil ayaw niya sa aming dalawa. Para sa kanya basura lang kami." Litanya naman ni Santino na may pait sa tinig.
"Santino, anak, ipapaliwanag ni Papa ang lahat." Mahinahong saad ni Senyorito sa anak na panganay.
"Santino, makinig ka sa Papa mo." Nilapitan ko na ang anak ko.
"Bakit PO, Mama? Narinig ko ang sinabi niyo sa kanya dati. Na wala siyang pakialam sa atin, na basura lang angtingin niya sa atin kaya nga kayo lumayo. Tapos ngayon magpapakilala siya bilang Papa namin? Huwag na lang, nabuhay naman po tayo na wala akong Papa." Pagpapatuloy ni Santino.
"Santino, anak, patawarin mo si Papa. Pinagsisihan ko kung ano man ang ginawa ko sa inyo ng Mama mo dati. Kung alam mo lang kung gaano ako nagsisisi, anak. Hinanap ko kayo ng Mama mo kung saan-saan. Gusto ko kayong mahanap upang humingi ngtawad sa mga nagawa kong kasalanan at makabawi sa mga pagkukulang ko." Malungkot na pagsusumamo ni Senyorito sa anak kung pangan ay.
Natigilan ako ng marinig ko kay Senyorito
Simon na hinahanap niya pala kami ni Santino. "Santino, anak, hindi ba ang sabi ko sayo. Masama ang nagtatanim ng galit. Lalo na siya ang
Papa mo." Mahinahon kongg paliwag kay Santino
"Dati, gustong-gusto kong magkaroon ng Papa. Lagi nga akong nag-wi-wish sa falling stars o kaya sa wishing well school namin na sana, tuparin niya ang wish ko. Lihim pa kong nagagalit kay Mama dahil wala man siyang kahit anong litrato kung ano ang itsura ng Papa namin ni Seb. Akala ko ayaw ni Mama na maging masaya kami ni Seb dahil ayaw niyang makilala man kahit sa picture ang Papa namin. Pero ng marinig ko ang naging buhay ni Mama, ayoko na pala ng Papa. Sapat na pala si Mama para sa akin. Kaya ayoko sayo! Sinaktan mo ang Mama ko! Kaya hinding-hindi kita mapapatawad!" sigaw ni Santino na hinarap pa si Senyorito Simon at saka mabilis na tumakbo palabas ng bakuran.
"Santino! Bumalik ka rito!" akma ko na sanang hahabulin ang anak ko ng pigilan ako ni Senyorito Simon.
"Ako na ang hahabol sa kanya," sabi niya at  saka mabilis na lumakad para habulin ang anak. Naluluha na lamang akong sinundan ng tingin ang papalayong si Senyorito Simon.
"Ma, ayoko na rin po nitong bike."
Napalingon ako kay Seb na isinandal ang bagong bisikleta sa sawaling dingding ng aming kubo.
"Bakit naman? Hindi ba at matagal mo ng gustong magkaroon ng sariling bike?' tanong ko  
"Isa po sa laging turo ni teacher na bad po ang nanakit ng kapwa. Kaya kung sinaktan po kayo ni Papa, ayaw ko na rin po sa kanya tulad ni Kuya." Malungkot at naluluha ang litanya ni Seb.
Nilapitan ko si Seb at saka niyakap.
"Seb, diyan ba sa puso mo nararamdaman  mo ba na masama si Papa?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya.
"Hindi PO, Ma." Sagot naman niya.
"Mahalin mo pa rin si Papa, anak. Lahat  naman ngtao nagkakamali. Humingi naman ng tawad sa akin ang Papa mo, kaya huwag kang magbabago at sundin mo lang ang puso mo." Ewan ko kung naiintindihan na ba ni Seb ang ibig kongsabihin.
Sana nga ay maintindihan niya gaya ng panalangin kong maintindihan ni Santino kung anurnan ang ipapaliwanag ni Senyorito Simon.






 




About the Author

Good day! Thank you for visiting us! We hope you find what you’re looking for and that you enjoy your stay.

Post a Comment

Cookie Consent
We serve cookies on this site to analyze traffic, remember your preferences, and optimize your experience.
Oops!
It seems there is something wrong with your internet connection. Please connect to the internet and start browsing again.
AdBlock Detected!
We have detected that you are using adblocking plugin in your browser.
The revenue we earn by the advertisements is used to manage this website, we request you to whitelist our website in your adblocking plugin.
Site is Blocked
Sorry! This site is not available in your country.