Fight For My Sons Right Chapter 61-70

Please wait 0 seconds...
Scroll Down and click on Go to Link for destination
Congrats! Link is Generated





Written by: KoryanangNegra


Introduction
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"



Chapters 61-70
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

Chapter 61



"Ma, may nakabili na raw po ng Hacienda Esmeralda.'J Imporma ng anak kong si Santino na ngayon ay sampung taong gulang na habang pinaparada ang kanyang lumang bisikleta sa 100b ng maliit na garahe sa gilid ng aming bahay. Galing siya sa eskwelahan at ngayon nga ay nakauwi na dito sa aming muntingtahanan na gawa ang kalahati sa bato at ang kalahati naman ay sa pawid. Mabuti na nga lang at nakabili na ako ng second hand na yero para sa aming bubong na dati ay yari lang sa kugon na kapag umuulan ng malakas at sumabay pa ang malakas na hangin ay para na rin liliparin. Isa lamang ang kwarto ng aming bahay at doon kam sama-samang natutulog. May maliit na sala kung sakaling may bisita kami na dumating. Meron din maliit na kusina at maayos na palikuran. Malawak ang aming bakuran kung saan nagagamit kong taniman ng mga kung anu-anong mga halaman.
Walongtaon na ang nakalipas.
00, ganun kabilis at katulin ang dumaan na taon simula ng lisanin namin ni Santino ang lungsod at umuwi dito sa probinsya para
magsimulang muli. Laking pasasalamat ko nga noon dahil sa tulong ng kaibigan ni Aling Perla ay naibenta ko naman agad ang maliit na bahay at lupa na pinundar ni Nanay Karina at nagamit ko agad ang halaga ng pinagbentahan upang makahanap ng panibagong pagtatayuan ng bahay. Hindi ko inakala na dito kami sa kabilang bayan dadalhin ng aming mga paa ni Santino. Nakapag patayo ako ng maliit na kubo malapit sa hacienda Esmeralda kung saan din ako namamasukan bilang isa sa mga trabahador na nagtatrabaho sa kanilang mga malawak na bukirin.
Simple lang naman ang gusto kong mangyari kahit noon pa. Ang mabuhay kasama ng mga anak ko. Sila langsapat ngdahilan para wala na akong hanapin pa. Gusto ko ng tahimik at mapayapang buhay matapos ang lahat ng mga masakit na nangyari sa nakaraan. Malayo sa mga taong nakakakilala sa akin at kay Santino. At kung ano man ang kaugnayan naming mag-ina sa mga Sto.Domingo na lalong-lalo na kay Senyorito Simon.
Simula ng umalis kami sa lungsod ay wala na rin akong ano pa man na balita tungkol sa dati kong asawa. Ang cellphone na garnit ko naman ay hindi ko alam kung saan ko nawala. Kaya wala na
rin akong naging balita kay Manang Lorna. Dalangin ko na lang na sana ay na sa mabuti silang kalagayan ng kanyang buong mag-anak kagaya namin ng mga anak ko.
00. Aaminin 1<0.
Mahirap talagang mabuhay mag-isa bilang Nanay at walang katuwang lalo pa at wala naman akong permanenteng trabaho na pinagkukunan namin ng panggastos sa araw-araw. Pero sa awa naman ng Maykapal ay nakaraos naman kaming mag-ina. Kumakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Nakakapag-aral naman ang mga anak 1<0. Hindi ko nga lang naibibigay sa kanila ang lahat ng kanilang mga gusto ay nakakagawa naman ako ng paraan pagdating sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
"Ganun ba anak. Sana naman kasing bait ni Senyora Esmeralda ang nakabili ng hacienda," sambit ko naman habang inaayos ang mga halaman na siyang isa sa mga naging kabuhayan namin.
Total naman ay mahilig ako sa halaman kaya iyon ang naisip kong gawing negosyo kagaya ng gin awa ko dati upang may panggastos sa binyag at first birthday ni Santino. Marami akong iba't-ibang klase ng halaman mula sa iba't-ibang uri ng mga mayana na nabebenta ko lamangsa murang halaga hanggangsa mga mamahaling allocacia, dragontail, peace lilies, rubber plants at mga iba't-uri rin ng mga orchids. Mayroon din  akong mga bonsai plants at mga herbal plants tulad ng oregano, sambong, acapulco, lagundi na karamihan ay hindi na pamilyar sa mga kabataan ngayon. Pino-post ko sa aking personal na social media account at salamat naman at mayroong mga bumibili. Ngunit hindi katulad ang presyo noong nasa lungsod ako nagtitinda. Doon ay nakaka benta ako ng marami at mahal ang mga presyo ng mga halaman ko. Samantalang dito sa probinsya ang pinakamahal ay nasa limandaang piso ko lang nabebenta.
"Kaya nga PO, Ma. Nag-aalala raw nga po si Mang Ernie. Baka raw po kasi mawalan sila ng trabaho sa oras na may nakabili na po ng Hacienda. Syempre PO, baka palitan ng bagong may-ari ang mga trabahador lalo na po ang may mga edad na." Patuloy na kwento ni Santino na ang tinutukoy na Mang Ernie ay ang Lolo ng kanyang matalik na kaibigang si Estong.
"Hindi naman siguro anak." Baling ko sa kaya habang tinatanggalan ko ng mga tuyong dahon ang isangdapog. Isang uri ng halaman na may malapad at pahabangdahon at naging mabili sa akin dahil sa naglalakihang at
nagyayabungan ang mga binebenta ko.
"Sana nga PO, Ma. Kawawa naman po si Mang Ernie kapag nagkataon. Ang pagtatrabaho lamangsa Hacienda ang ikinabubuhay po nila." Ngumiti ako sa narinig sa tinuran ng aking anak. Likas talaga sa kanya ang pagiging maawain sa kapwa na parang ang namayapang Senyora Loreta. Sayang lang at hindi na Sila nagkakilala pa na mag-lola.
Wari ngang nakikita ko sa imahe ng matandang Senyora Esmeralda ang katauhan ni Senyora Loreta. Wala na rin asawa si Senyora Esmeralda at nasa Japan ang nag-iisang anak na babae kung saan ito nakabase dahil sa trabaho.
Doon na rin nagkaroon ng pamilya at  naninirahan. Kaya naman dahil sa katandaan at hindi na kaya pa na patakbuhin ang Hacienda ay nakapag desisyon na ang matandang babae na sumunod na lamang sa anak sa dayuhang bansa at ibenta na lamang ang kanyang mga ari-arian dito sa Pilipinas.
"Ganun talaga ang buhay anak. Darating at darating ang pagbabago kahit pa ayaw natin. Malaking tulong rin naman ang kinikita ko kapag kasama akong umani ng mga pananim. Kaya isama na lang natin sa ating panalangin ang suliranin ni Mang Ernie at ng lahat ngtrabahador at tao sa hacienda." Nakangiti kong suhestiyon sa aking anak na seryoso rin sa kanyang ginagawa na paglilinis sa kanyang bisikleta.
"Sige PO, Ma." Maya-maya ay naging sagot ng anak ko at tumayo na rin mula sa kanyang ginagawa at tumuloy sa loob ng bahay upang makapag palit na ng damit pambahay.
Saglit lang siyang nawala at pagbalik sa teresa ng bahay namin kung saan abala pa rin ako sa pagpapaganda ng mga halaman ay meron na siyang dala-d alang nilagang kamoteng kahoy na nakalagay sa Plastic na plato at isang baso ng tubig.
"Ma, asan nga po pala si Seb?" kunot-noo niyangtanongsa akin habang naka-amba ng isusubo sa bibig ang nilagang kamoteng kahoy na hawak sa kanang kamay.
 


Chapter 62



"Nagpaalam sa akin na kanina na aalis. Pupunta raw siya sa kapatid ni Estong. Baka naroon sa Hacienda at doon na naman sila naglalaro." Sagot ko naman sa anak kong naupo na sa tabi ko habang panay na ang nguya sa meryenda na niluto ko kanina.
Si Seb ang pitong taon gulang kong bunsong anak na lalaki.
00 at tama. Nagka-anak ako ulit.
Ngunit kambal sana ang pangalawa kong anak kung hindi nawala sa sinapupunan ko ang isa sa kanila.
Mabuti na nga lamang at agad akong naisugod sa ospital ni Manang Lorna at mabilis na naagapan ang pagdurugo ko ng mga nurse at doktor na tumingin sa akin at nailigtas si Seb sa tiyak na kapahamakan.
Si Seb na kabaliktaran ng ugali ni Santino.
Tahimik at hindi pala kibo ang panganay kong anak. Madaldal at hindi nauubusan ng kwento ang bunso kong anak. Madalas nga nauubusan na ako ngsalita at wala na akong mahanap na sagot sa mga tanong niya na
kadalasan ay imposible. Napapaisip nga ako kung paano niya iniisip ang iba niyang katanungan. Gaya na lamang ng ano ang boses ng uod?
Si Seb din ang madalas na nagtatanong kung kailan darating ang Papa nila na hindi ko kailanman masasagot. Gurnawa kasi ako ng kuwento na nasa ibang bansa ang ama na kanilang pinananabikang makita at makasama at kaya hindi nakaka uwi ay dahil nga nagtatrabaho ng mabuti.
Ewan ko nga kung pinaniniwalaan pa nila angdahilan ko lalo na si Santino na nakakaintindi na.
Wala rin silang pareho na alam tungkol sa Papa nilangdalawa. Kahit pangalan ni Senyorito ay iniba ko sa halip na Simon na mas kilala niyang pangalan ay Andres ang ibinigay kong pangalan.
Wala rin akong pinakita na litrato ni Senyorito. Dahilan ko naman ay nasama ang mga litrato sa nasunog naming bahay dati na siyang naging dahilan ko rin kung bakit kami lumipat dito sa Hacienda Esmeralda.
Ayoko na rin na magkaroon ng kaugnayan ang aking mga anak kay Senyorito Simon o kahit pa kay Senyorita Selene. Ayokong masaktan ang mga anak ko kapag nalaman nila kung sakali kung sino at saan matatagpuan ang kanilang
ama. Tama ng ako na lamang ang nakaranas ng sakit kung paano itaboy at makarinig ng kung anu-anong mga masasakit na salita.
Habang padagdag ng padagdag ang kanilang mga edad ay natatakot na rin ako. Natatakot akong isang araw ay sabihin nilang hahanapin nila ang kanilang ama at iwanan na nila ako.
Takot akong malaman nila ang katotohanan. Takot akong madanas nilang dalawa ang kung paano ang tahasang itanggi at hindi kilalanin bilang anak ni Senyorito Simon.
Tama ng minsan akong nakipaglaban para sa karapatan ni Santino bilang anak ni Senyorito Simon. Ngayon dalawa Sila ni Seb ay mas takot ako sa pwede nilang maramdaman.
Kaya kungdarating man ulit ang panahon na mag-krus ang landas namin ni Senyorito Simon ay dalangin kong sana ay matagal pa at sana nga ay wag ng mangyari pa sa hinaharap.
Lalo na ngayon. Kung dati ay ako ang kamukha ni Santino ay hindi ko rin maintindihan kung bakit at paano nangyari na habang lumalaki siya ay naging si Senyorito Simon ang naging kamukhang-kamukha niya. Mula sa buhok niyang natural na alon-alon hanggang sa mukha. Sa kanyang matangos na ilong, labi at mga mata na kung nakatitig ay siyang-siya ng ama niyang si Senyorito Simon at hindi ko rin pwedeng sabihin na baka nagkataon lamang na magkamukha silang dalawa dahil ganun na ganun din ang itsura ng bunso kong si Seb.
"Ma!"
Tawag ng isang matinis na boses ang nagbalik sa akin mula sa pag-iisip at ng lingunin ko ay ang turnatakbo kong bunsong anak.
"Ma! galing po akong hacienda. Sabi ni Manang Puring may handaan daw po sa linggo at order daw po sa inyo ng mga bulaklak ng orchids para raw po dekorasyon sa lamesa nila. Kasi darating na raw po ang nakabili ng hacienda at ipapakilala na po ni Senyora Esmeralda." Walang patid na pagkwento agad ni Seb pagkakita sa akin.
Mula sa pagkakayuko sa mga halaman ay tumayo na ako at naglakad para lapitan ang hinihingal kong bunsong anak. Kinapa ko ang kanyang likod na basang-basa ng pawis.
"Santino! pakikuha mo nga ng sapin sa likod si Seb." Utos ko kay Santino na matapos kumain ay pumasok na loob ng bahay. Maliit lang naman ang bahay namin kaya sigurado akong narinig niya ang pinag-uutos ko.
"Ma, imbitado raw lahat ngtao sa Hacienda.
Wika po ni Senyora Esmeralda kasi daw po aalis na po siya. Saan po ba pupunta si Senyora?" tanong ni Seb na nakakunot-noo pa.
"Ma, heto na PO." Si Santino na inabot ang lumang lampin na siyang ginagawa kong pang sapin sa kanilang likod kapag basa sa pawis. Manipis lamang ang lampin at sumisipsip ng pawis dahil cotton.
"Salamat, nak." Pasasalamat ko sa anak ko at inabot na ang lampin.
"Sa Japan na kasi titira si Senyora
Esmeralda, Seb." Sagot ko sa tanong ng bunso ko habang nilalagay ang sapin sa kanyang pawis na likod.
"Hindi po ba sa ibang bansa iyon, Ma?" muli niya na namangtanong.
"00 anak sa ibang bansa nga ang Japan." Balewala kong sagot at burnalik sa ginagawa ko sa mga halaman matapos siyang lagyan ng sapin sa likod.
"Hindi po ba nasa ibang bansa rin si Papa? Saan nga pong bansa, Ma?" sunod-sunod niyang mga tanong na nakapagpatigil sa patri-trim ko sa mga dahon ngdapog.
Hindi ko matandaan kung may binanggit ba akong pangalan ng bansa kung nasaan kunwari
naroon si Senyorito Simon.
"Ma? Saan ang bansa naroon si Papa Andres?" mull' niyang tanong na tila naiinip na dahil hindi ako sumagot.
"Sa Amerika, Seb." Si Santino ang sumagot.
Hindi ako sigurado kung may nabanggit ba akongAmerika sa kanila. Pero marahil nga ay meron kaya nasabi na rin ni Santino sa kapatid. "Ma, wika po ni Manang Puring ay lalaki raw po ang nakabili ng Hacienda at sabi po niya kamukha ko eaw PO." Tumigil ang paghinga ko sa muling pag kwento ng anak ko.
"Kamukha mo? kunwari ay nagtataka ako pero tinatambol na ang dibdib ko.
"Opo, Ma. Pareho ko raw po na pogi.l' Sabay bumungisngis pa ang anak ko ng sumagot.

 

Chapter 63


Magmula pa kahapon ay hindi na magkandaugaga ang lahat halos ng mga tao sa labas man o sa 100b ng hacienda na tumutulong upang maidaos ang gagawin na handaan sa pangunguna ng mabait na si Senyora Esmeralda. May mga naghihiwa ng gulay at karne. May nagluluto ng ibat-ibang putahe ng karne ng manok, baboy, kambing, baka, itik at mga inihaw na isda gaya ng bangus, tilapya at mayroon din naman mga shellfish at marami pang ibang uri ng pagkain ang niluluto.
May mga naghahalo ng malagkit na kalamay na halos sumasama na sa malaking kawa kapag hinahalo.
Kaya naman samu lt-sari na rin ang masarap na amoy ng mga lutuin na humahalo sa hangin na tila [along nagpapa gutom sa mga tao.
Ngayon naman ay abala ang lahat sa pag-aayos ng mga palamuti sa paligid ng hacienda. May mga nag sasabit ng iba't-ibang kulay ng mga ilaw sa mga puno upang kung sakaling abutin ng gabi ang kasiyahan ay may ilaw na nakasindi para magbigay liwanag sa
buong kapaligiran sa pagkagat ng dilim.
Dama ang saya lalo na sa mga taong sabik ng makilala ang bagong kikilalanin na may-ari ng buong hacienda Esmeralda.
Ngunit hindi rin naman mapagkakaila na ang iba ay naisasatinig sa kwentuhan ang kanilang lungkot lalo sa nalalapit na pag-alis ng mabait na si Senyora Esmeralda. Ang iba naman  na may mga edad na trabahador na halos mga kalalakihan ay nag-alala sa pwedeng maging kalagayan nila sa bagong may-ari ng hacienda. Maaari kasi na maging bago rin ang patakaran ng kung sino man na nakabili ng lupain kanilang pinaglilingkuran.
Samantalang kami ng anak kong si Seb ay tumutulong sa pag-aayos ng mga lamesa na may mga kulay berdeng mantel at sa paglalagay ng mga bulaklak ng orchids bilang palamuti sa gitna ng mga lamesang hugis bilog. Hindi ko nga mabilang ang mga gagamiting lamesa sa sobrang darni at maging ang mga monoblocks na nakapalibot sa bawat isa dito.
"Ma, kilala po ba ninyo ang nakabili ng hacienda?" tanong sa akin ng bunso kung si Seb habang maingat niyang inilalabas sa sisidlang timba na may kontingtubig ang mga bulaklak ng orchids na kulay kahel at maingat din na inaabot
isa-isa sa akin. Hindi kasi pwedeng masira ang mga bulaklak dahil ito ang nagsisilbi na palamuti. "Hindi ko kilala, anak. Hindi ko pa naman naka kwentuhan si Senyora Esmeralda dahil abala siya sa maraming bagay dulot ng kanyang pag-alis." Sagot ko naman habang inilalagay na ang bulaklak sa 100b ng mga vase.
"Ma, ang yaman-yaman po siguro ng nakabili ng hacienda at maraming siyang pera. Sabi kasi ni Estong hindi raw namin kayang bilangin ang pera na pambili nitong hacienda," wika ni Seb na nanlalaki pa ang mga mata.
Ngumiti ako at saka sumagot.
"00, anak. Malamangna mayaman at maraming pera ang taong 'yon. Baka isa siyang mayaman na negosyante at isa siguro sa mga negosyo niya ay ang mga produkto na galing sa hacienda tulad ng mga mais, mani, kape, mga prutas, gulay at paghahayupan na binebenta niya sa iba't-ibang panig ng bansa o kaya naman ay sa ibang bansa."
Waring manghang-mangha naman si Seb sa aking mga nasambit.
"Talaga PO, Ma? Ganun po sila kayaman? Kaya po kaya nilang bilhin kahit ilang hacienda pa? Gusto ko pong maging negosyante para yumaman at magkaroon ng maraming pera tulad
nila." Bulalas ni Seb na waring nagniningning pa ang mga mata.
"Tsk, angtamad mo naman kayang mag aral ng leksyon. Kaya paano ka mangyayari ang maging negosyante ka at yumaman? Baka lahat ng itayo mong negosyo ay malugi lang."
Pambubuska naman ng panganay kong si Santino na hindi ko namalayan na lumapit na pala sa amin ni Seb at may dala-dalang tatlong bote ng distilled water na hindi pa nakabukas at binigay sa amin ng kanyang batang kapatid ang dalawa sa mga hawak niya.
"Si Kuya talaga kahit kailan panira.
Nangangarap lang naman ako at sabi ni Mama at ni Teacher hindi naman masama ang mangarap." Ingos ng bunso ko sa kanyang nakatatandang kapatid.
"Ang isang negosyante dapat matalino. Kasi pinag-iisipan nila nang mabuti kung paano sila magkakaroon ng marami at malaking kita ng hindi sila malulugi sa mga negosyo nila. Kaya dapat marunong ka ng magbilang up to one billion." Patuloy na panenermon ni Santino sa nakababatang kapatid. Hindi kasi tulad ni Santino ang kapatid na bunso. Si Santino ay matiyaga at masigasig sa pag-aaral samantalang ang bunsong kapatid ay inaabot ng siyam-siyam bago gawin angtakdang-aralin o kaya naman ang mga project na dapat ipasa. Kung hindi ko pa sermunan ay hindi pa gagawin.
"Ma, totoo po ba ang mga sinabi ni Kuya? Kailangan po ba talaga na matuto ako na magbilang ng up to one billion?" nakasimangot na tanongsa akin ni Seb.
Hindi ko tuloy maiwasang maisip si Senyorito Simon. Kung sanang nandito siya at kasama ng mga anak niya ay malamang na siya ang makasagot sa mga katanungan at magpaliwanag ng mabuti kay Seb tungkol sa larangan ng negosyo.
"00, anak. Kailangan mong matutunan ang kung paano ang magbilang ng wasto para hindi ka maloloko lalo na sa pag sukli." Sagot ko na lamangsa kanya. Hindi kasi pwedeng hindi ko sagutin ang mga tanong ng aking bunso dahil kukulitin niya ko ng kukulitin at hindi tatantanan hanggat hindi ako sumasagot.
Umugong ang malakas na bulungan sa paligid ng may tumigil na kulay itim at mamahalin na sasakyan sa harapan mismo ng mansyon.
"Ma, sobrang gara po ng sasakyan ng dumating. Nakikita ko po 'yan sa t.v at halos mayayaman po ang nakakabili ng mga ganyang klase ng sasakyan.ll Manghang-mangha pa sa kanyang pag kwento si Santino at hindi inaalis ang paningin sa sasakyan.
"Ma, ayan na po siguro ang taong nakabili ng hacienda," Wika naman ni Seb na nahinto rin sa pag-abot sa akin ng mga orchids ng aking inaayos sa mga vase.
Minsan nga ay hindi ko rin maiwasan ang mapaisip na lang ng bigla.
Ano kaya ang buhay namin ngayon ng mga anak ko kung sakaling hindi ako sumuko para ipaglaban ang anumang karapatan ko bilang asawa ni Senyorito Simon. Kung ipinagpilitan ko pa rin na tanggapin niya si Santino bilang anak. Malamang na hanggang ngayon ay nakatira pa rin kami ng mga anak ko sa napakalaking bahay. Kung kinuha ko ang mana namin ni Santino galing kay Senyora Loreta ay malamang na nabili ko ang mga magagandang damit at laruan na gusto ng mga anak ko. Nabili ko marahil ang mga pagkain na madalas nilang pangarap na matikman man lang.
 


Chapter 64







Pero sa tuwing masasagi rin sa isipan ko kung ano ang naging kalagayan namin ni Santino noong wala man lang ka amor-amor si Senyorito Simon sa kanyang anak ay para na akong maiiyak at nagbabalik lahat sa aking puso at damdamin ang sakit na naranasan. Bumabalik ang pighati at sama ng 100b na naramdaman ko noong mga panahon na mag-isa lang akong lumalaban para sa inaasam na pagtanggap.
Kaya tama lang ang naging desisyon ko noon. Ako na ang kusang nagpaubaya at nakipaghiwalay kay Senyorito Simon. Pinirmahan ko ang mga dapat pirmahan sa annulment papers na galing kay Attorney Clemente. Pinirmahan ko rin ng walang alinlangan ang mga papeles na patunay na kusa ko ng binigay sa kanya ang anumang mga ari-arian na pinamana sa akin at kay Santino ng nam ayapang si Senyora Loreta.
Marahil tama nga na ipaglaban mo kung ano ang iyong karapatan.
Pero paano pa ako lalaban kung nawalan ako ng isang anak? Paano pa ako lalaban kung
ang patuloy kong pakikipaglaban ay nagdudulot ng mas masakit na pakiramdam hindi lang sa akin kundi lalong-lalo na sa aking anak?
Nawawalan ako ng isang Ina na pinaghuhugutan ng lakas para mapagpatuloy sa buhay.
Sumuko ako hindi dahil tinanggap ko na ako ay isang talunan. Sumuko ako dahil gusto ko ng katahimikan at kapayapaan.
Dahil gusto kung maging malaya sa relasyong ako lang ang lumalaban.
Dahil gusto ko rin ng normal na buhay para sa dalawang anak ko na sila ngayon na nagsisilbing aking buhay.
Kaya tama lang na sinuko ko na ang laban. Tama lang din pinakawalan ko si Senyorito Simon na ama ng aking mga anak.
Nagsimula ng magpatugtog ng mga nakakaindak na sayaw ang inarkila na sounds system. Kaya naman ang ibang mga kabataan na nasa narito sa pagtitipon ay kanya-kanya ng pasikat sa pagsasayaw. May mga naghihiyawan na rin sa saya at ang iba naman ay masaya ng mga nakaupo at nanonood sa kapaligiran.
Kahit tanghali tapat naman ay hindi mo masyadong ramdam ang init ng tirik na araw
dahil sa lilim na ibinibigay ng mga naglalakihang mga iba't-ibang punong kahoy gaya ng mangga, santol, kaimito na nakapaligid sa dito sa pinagdausan ng kasiyahan.
"Karen, ang gaganda ng mga bulaklak na inayos mo. Nakita ni Senyora Esmeralda ang mga lamesa mula sa teresa sa tapat ng kanyang silid. Salamat daw ng marami." Si Manang Puring ang nagwika. Siya ang mayordoma ng mansyon. May katabaan siya at maitim ang balat ngunit isa siyang m abuting tao.
"Walang anuman po lyon, Manang. Pakisabl po kay Senyora na tungkulin ko pa na pagandahin ang mga bulaklak upang muli siyang kumuha sa akin." Magalang kongsaad at hinaluan ko ng konting biro.
"Siya nga naman, " sambit naman ni Manang Puring at pareho na kaming mahinang tumawa sa kanyang pagsang-ayon. 
"Bakit hindi pa kayo kumukuha ng pagkain? Aba ly kanina pa nagbigay ng hudyat na pwede ng kumain ang lahat ng mga tao dito.l' Kunot-noo na tanongsa amin ng mga anak ko ni Manang Puring.
"Marami pa po kasi na nakapila sa lamesa kung nasaan po ang mga pagkain, Manang."
Sagot naman ni Seb na gurnawi pa ang paningin sa lamesa kung saan dagsa ang mga taong nakapila para sa pagkain.
"Aysus!" bulalas ni Manang Puring na pumapalakpak pa ng makita ang haba ng pila ng mga tao.
"Maya-maya na po kami pipila Manang. Hindi pa naman ho kami masyadong gutom," sabi ko na lamangsa kanya.
" Oh! Siya, kumain kayo ng kumain neh. Lalo na itong si Sabas. Ayokong mangayayat kang bata ka. Mahal na mahal ka ni Manang kaya gusto ko ay [aging kang malusog."
Nalukot ang gwapong mukha ng anak kong si Seb ng marinig ang Sabas na tawag sa kanya ni Manang Puring.
"Manang, Seb po ang pangalan ko at hindi po Sabas kasi po Sebastian po ang tunay ko po na pangalan at hindi po Sabastian." Pagtama ng anak ko sa kanyang pangalan. Nakatuwaan na kasi ni Manang Puring na tawaging Sabas si Seb dahil mas madali raw banggitin.
Seb ang nakasanayan kong tawag kay Sebastian dahil mahaba kung babanggitin ko ang kanyang buong pangalan.
Nakapila na kami ng mga anak ko para kumuha ng pagkain sa napakahaba na lamesa ng
nararamdaman kongtila tumahimik. Nilingon ko ang mga tao sa paligid at iisa lang ang direksyon ng kanilangtinitingnan kaya naman hinila na rin ang aking mga mata sa gawing iyon.
Nakangiting bumaba sa hagdan ang Senyora Esmeralda ng napakaganda sa kanyang suot na kulay dilaw na dress na sakto lang ang tabas para sa kanyangedad. Hindi naman kasi mataba ang pangangatawan ng Senyora dahil alaga niya ang kanyang katawan sa kabila ng siya ay may edad na. Naka-alalay sa kanya ang isang lalaki na hindi ko pa masyadong maaninag ang mukha.
"Siya na nga kaya ang nakabili ng
Hacienda?" tanong ko sa aking isip at hindi ko na rin inalis ang aking paningin sa kanilang dalawa.
Matangkad na lalaki na may magandang tikas ng katawan. Ngunit ganun na lamang ang panlalamig ko ng makita ko ng malapitan kung sino ang lalaking kasama ngayon ni Senyora Esmeralda.
Pakiramdam ko nahihirapan akong lumunok at hindi ako makahinga ng maayos. Waring nawala sa ritmo ang pintig ng puso ko.
Mula sa kanyang alon-along buhok, matangos na ilong at sa hugis ng mga mata. Alam kong kilalang-kilala ko kung sino siya.
Umugong ang bulungan ng bumaba na ang
dalawangtao sa hagdan at nasa harapan na ng mismong pinag kaganapan ng kasiyahan.
Pinatay na ang maingay na sounds system kaya naman mas narinig ko pa ang malakas na kalabog ng dibdib ko.
"Mga anak, sa bahay na lamang pala tayo kumain." Bigla kong pagyaya sa mga anak kong nalilitong napatingin sa akin.
"Bakit PO, Ma? Ang darni pong pagkain dito at saka ayan na po ang bagong may-ari ng hacienda. Ipapakilala na po ni Senyora
Esmeralda." Maktol ni Seb sabay turo pa sa gawi nina Senyora Esmeralda at ng lalaking kasama nito.
Hinawakan ko sa magkabilang braso ang mga anak ko at isinabay na sa aking paglakad.
"Ma, napa paano po ba kayo?" kunot noo na tanong ni Santino bagamat nagpatianod na rin sa paglalakad 1<0.
"Mama naman wala naman tayong pagkain doon sa bahay. Hindi naman kayo nagluto." Patuloy na maktol ni Seb.
Pero hindi ko na sila sinagot. Hindi naman pansin ng mga tao sa paligid ang aming pag-alis dahil lahat sila ay sa isang direksyon lang nakatingin.
Tanging gusto ko lang ngayon ay ang makalayo sa lugar na ito.
Dahil ang lalaking kasama ni Senyora
Esmeralda na posibleng siyang nakabili ng buong hacienda ay walang iba kundi angdati kong asawa at siyang ama ng mga anak ko.
Si Senyorito Simon Sto.Domingo.
 


Chapter 65



Episode 65
"Ma, pasok na po ako." Magalang na paalam sa akin ni Santino na wala pang ala sais ng umaga ay nagising na. Naka-school uniform na siya at nakasuot na rin ang kanyang school bag. Maayos na naka suklay ang kanyang alon-alon na buhok.
"Mag-ingat ka anak lalo sa pag pedal mo ng bike. Baka mamaya hindi mo mapansin na may kasalubong ka ng sasakyan o kaya ay tao. Ingat ka rin baka may butas o uka ang kalsada at bigla ka na langsumemplang." Mga paalala ko naman sa kanya habang itinabi ko muna ang walis tingting na aking hawak at sinundan ngtingin si Santino na pumasok sa maliit naming bodega at kinuha ang kanyang bisikleta. Kagaya ng kanyang nakagawian ng gawin. Kinuha niya muna ang malinis na basahan at pinunasan ng mabuti ang kanyang munting sasakyang gamit patungo sa eskwelahan. Ganyan ang gawain ng anak kong panganay bago at pagkatapos niyang gamitin ang kanyang mahal na mahal na bisikleta.
Dahil may kalayuan ang kanilang eskwelahan ni Seb. Pinag-ipunan ko talagang bilhin ang kanyang bisikleta na nabili ko lamang ng secondhand sa isang kilala. Mahal kasi kung mamasahe silang dalawa sa tricycle at nakakaawa naman ang mga anak ko kung naglalakad lang sila araw-araw patungo sa kanilang eskwelahan. Baka tapos na ang kanilang pang-umagang aralin bago pa sila nakarating. Maingat naman sa lahat ng bagay si Santino kaya may tiwala ako sa kanyang paggamit sa bisikleta habang angkas pa lagi ang nakababatang kapatid.
Walang pasok ngayong araw ang bunso kong anak dahil may seminar na pupuntahan ang kanyang guro. Kaya naman si Santino lamang ang tutungo sa eskwelahan para mag-aral.
"Mag-ingat po ako, Ma. Alis na po ako. Pakisabi rin po kay Seb na huwag po masyadong lalayo kapag naglalaro po sila ni Estong. Baka po kasi magawi sila sa kakahuyan at mawala." Bilin sa akin ng anak ko at saka nag-umpisa ng magpedal ng bike at sumulong paalis. Nakakatuwa na sa kabila ng lagi silang hindi magkasundo na magkapatid ay lagi niya pa rin naalala si Seb. Talagang kuya na ang dating ni Santino sa kanyang batang kapatid 
"Maaga kang umuwi at wala ng ibang pupuntahan. Ubusin mo ang pagkain mo sa tanghalian." Pahabol kong bilin kay Santino.
Nakangiti ko pa na pinagmamasdan habang papalayo ang panganay kong anak. Ganun naman ang gawain ko sa urnaga kapag umalis na silang dalawa ni Seb. Mananatili muna akong nakatayo ng ilang sandali dito sa tabi ng gate namin na hanggang leeg ko ang taas na gawa sa kawayan. Hindi ako aalis hanggat natatanaw ko pa silang dalawa kasabay ang ibang mga kaeskwela na may kanya-kanya rin na gamit na bisikleta. Ang balak ko nga ay bilhan na rin ng sariling bisikleta si Seb ngunit nag-aalangan na ako dahil may pagkakaskasero ang bunso ko pagdating sa paggamit ng bisikleta dahilan ng minsan siyang maaksidente at mabalian ng buto.
Nakipag karerahan sa kalaro gamit ang bike at ng hindi makontrol ang preno dahil sa tulin ng kanyang pagpapatakbo ay burnangga sa isang malaking puno na sa tabi ng daan na ang resulta ay pagka pilay ng kaliwang kamay. Naalala ko kung gaano namutla ang anak kong si Santino sa nangyari sa kanyang kapatid. Hindi ko nga siya makausap ng maayos dahil wala siyang kibo at  nakatitig lang sa kapatid na panay ang iyak sa sakit dala ng kanyang pagka pilay. Mabuti na lang at wala ng mas malalang nangyari kay Seb.
Simula ng mangyari ang aksidente ay hindi ko na siya pinayagan na mag-isang mag bisikleta kahit nag-iiyak pa siya.
Nang hindi ko na matanaw si Santino sa daan ay nagdesisyon na akong ipihit ang aking katawan pabalik sa aking gawain at para ipagpatuloy na ang aking pagwawalis sa bakuran. Baka gising na rin si Seb na tulog na tulog pa kanina ng iwanan ko sa amingsilid.
Tuluyan na sana akong tatalikod sa gate ng may mahagip ang aking paningin. Napansin ko ang isang pulang kotse na nakaparada sa di-kalayuan. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Seb noong isang lang na may napansin siyang pulang kotse na nakaparada malapit sa amin at inakala pa nga ng anak ko na baka isang customer na bibili ng mga halaman namin na itinitinda. Karamihan din kasi sa mga suki ko sa mga halaman kong binebenta ay may kaya sa buhay at mga de-kotse pa kapag sinasadya ako dito sa bahay.
Pinagmasdan ko muna ang kotse na halatang mamahalin at kung hindi ako nagkakamali isa siyang Audi na mahal ang presyo katulad sa mga nababasa ko dati sa mga magazine.
"Bakit naman may mamahaling sasakyan na nakaparada clito sa maalikabok naming kalsada?
Baka naman napadaan lang at dito inabutan ng pagod at bahagya munang nagpapahinga?" kunot-noo kong mga tanong sa aking sarili. Ngunit waring kinabahan ako sa kung sino ang pwedeng mag may-ari ng ganitong klaseng sasakyan dito sa aming lugar. Wala akong ibang pwedeng paghinalaan kung sino ang may kakayahang mag may-ari ng ganitong klase ng sasakyan.
Isang linggo na simula ng nagmamadali akong makalayo sa 100b ng Hacienda Esmeralda. Halos madapa-dapa na nga ang aking mga anak sa klase ng paghatak ko sa kanila.
"Hindi kaya? Pero imposible naman. At saka kung totoo ang iniisip ko, bakit naman siya narito?" naguguluhan kong pakikipagtalo sa sarili kong utak.
Para akong tangang nag-iisip pero ayaw ituloy ang iniisip. Alam mo na tipong may ideyang pumapasok sa utak mo pero madali mong binubura at kinakalimutan at ayaw mong alalahanin kahit guhit lang.
Nag buntong-hininga ako.
Binalewala ko na lang ang laman ng aking isip sapagkat malayong mangyari ang bagay lyun.
Malayong mangyari na si Senyorito Simon ang nagmamay-ari ng pulang kotse na nakaparada ngayon dito sa harapan ng aming bahay.
Dahil isang malaking BAKIT? Ano ang pwedeng niyang maging dahilan para magpunta
Bakit siya narito? Anong kailangan niya? Alangan naman na bibili siya ng mga halaman o ng mga gulay sa amin?
Muli akong nag buntong-hininga.
Anu-ano na ang iniisip 1<0? Hindi imposible na mabili ni Senyorito Simon ang buong
Hacienda Esmeralda dahil sa darni niyang pera.
Pero ang imposibleng mangyari ay ang nasa isip 1<0. Dahil kailanman ay hindi mangyayari na kaya siya narito ay dahil sa amin ng mga anak niya.
Wala kami sa mundo ng mga pantasya na kung saan ang isang bidang lalaki na nagkamali ay hahanapin ang kanyang asawa at mga anak upang humingi ngtawad sa mga kasalanan na kanyang nagawa sa nakaraan.
Hinding-hindi kailanman mangyayari ang bagay nasa isip ko.
Dahil ang totoo?
Masakit masampal ng katotohanan at  realidad sa mundo.
 

Chapter 66


"Tao PO!"
"Sandali! Nandiyan na!" sagot ko sa kung sinumang nasa labas at nagpapa-tao PO. Sana naman ay isang customer at mamili ng halaman para naman may panggastos kami sa mga susunod na araw. Ang siyang naging dalangin ko habang nagmamadaling makalapit sa gate namin na gawa sa kawayan.
Isang magandang babae ang nakatayo sa labas ng aming bakuran. Waring ang edad ay hindi naman nalalayo sa edad ko. Mukha siyang disente sa pananamit pa lamang. May konti  siyang bahid ng makeup sa mukha at hindi masyadong mapula ang lipstick niyang gamit sa labi. Nakasuot siya ngdamit na may mahabang manggas na hanggang Siko at naka-slack na itim. Mas matangkad siya sa akin at maganda rin ang hubog ng katawan. Kung ang ibang mga babae ay tumataba pagkatapos manganak ay malamang na swerte siguro ako na hindi naman ako masyadongtumaba kahit may dalawa akong mga anak.
"Magandang umaga, ano ho ang kailangan
nila?" magalang kong pagbati ng malapit na ako kung saan siya nakatayo.
"Magandang urnaga rin sayo. Nais ko sanang bumili ng mga halaman na tinda mo." Ang naging sagot niya ay [along lumawak ang pagkakangiti ko.
"Tuloy ka at nang makapili ka sa mga halaman," wika ko at saka niluwangan ang pagkakabukas sa gate. Tumuloy naman ang babae at nagpalinga-linga agad sa aking bakuran kung saan makikita ang aking mga tanim na halaman.
"May nagustuhan ka na ba, Miss?" maya-maya ay naging tanong ko habang ang babae ay patuloy lang sa pagmamasid sa kapaligiran.
Burnaling naman agad ang kanyang paningin sa akin at matamis na ngumiti.
"Bibilhin ko lahat ng mga binebenta mong halaman."
Literal akong napanganga sa kanyang tinuran.
"Lahat? Marami kasi akong halaman na binebenta. Alin sa mga 'yon? ll nalilito kong tanong at hindi makapaniwala sa kanyang naging sagot.
"As in lahat ng mga halaman na binebenta mo at ito na nga pala bayad 1<0. Huwag mo ng bilangin at huwag ka ng mag-abala na suklian pa ako. Keep the change na lang." Sabay lahad niya ng mga malutong na pera na kulay asul na naka-bundle pa sa aking palad.
Gusto ko man siyang usisain pa ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang sling bag at may kinakausap at inuutusan na kunin ang lahat ng halaman na kanyang binili.
Akala ko nga ay nabibigla lamang siya o kaya naman ay nagbibiro ngunit maya-maya ay may pumasok na dalawang lalaki at isa-isa ng hinahakot ang mga halaman na itinuro ko na aking mga binebenta.
"Teka lang, Miss. Hindi naman sa tsismosa ako pero ano ba ang gagawin mo sa lahat ng mga halaman na binili mo sa akin? At saka sobra-sobra ang pera na binayad mo kahit hindi ko pa bilangin." Usisa ko sa magandang babaeng customer. Nahihiwagaan kasi ako sa kanya. Hindi naman sa panghuhusga ngunit waring wala sa kanyang itsura ang hahawak ng lupa at mag-aalaga ng mga halaman.
"Magaganda ang mga halaman mo at talagang nagustuhan ko. Dadalhin kong lahat ng mga binili ko sa shop ko sa Manila. Ibebenta ko rin
sila sa mga customers ko. At bakit kita binayaran ng sobra? Kasi baka isa lang sa mga halaman na binili ko sayo ay mabawi kong agad ang puhunan 1<0. Halos mayayaman din kasi ang mga suki ko sa aking munting negosyo." Ang naging sagot niya sa akin.
May punto naman ang kanyang dahilan ngunit parang may kulang. Parang hindi ako masyadong kumbinsido. Kunsabagay, ano naman ang gagawin niya sa Iahat ng mga halaman? Wala naman talagang masama na bilhin niyang Iahat. Pero hindi ko talaga alam kung bakit parang may bahagi sa utak ko na ayaw maniwala sa kanyang mga sinabi.
"Ma, sino po ang tinitingnan ninyo riyan sa labas?
Liningon ko ang anak kong si Seb na gising na pala. Pinagmamasdan ko kasi habang lumalayo ang isang mini truck na siyang naghakaot ng mga halamang binili sa akin ng isang hindi kilalang babae.
Lumapit ako kay Seb upang ipakita ang mga pera na hawak ko na galing sa pinag bentahan ko ng mga halaman.
"Talaga PO, Ma? Binili niya Iahat?" Hindi rin makapaniwala si Seb sa aking naging kwento.
"00, as in Iahat ng mga itinuro kong
halaman kasama na mga herbal plants." Tatango-tango ko pang naging sagot sa aking bunso.
"Malungkot po kayo niyan, Ma? Kasi wala na mga paborito ninyong babies?" malungkot na tanongsa akin ni Seb. Alam na alam ng mga anak ko kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing may mabibili sa mga alaga kong halaman. Masaya dahil may pantawid gutom kaming mag-iina pero nalulungkot dahil nabawasan na naman ang mga alaga kong halaman. Ano pa kaya ngayon na binili lahat ang mga halaman ko?
"Malungkot pero marami pa naman halaman si Mama at saka nandyan pa ang mga mother plants 1<0. Hintayin ko na lang sila na mag suwi at mapapalitan na ang mga nawala," sambit ko habang iginagala ang aking mga mata sa kabuuan ng aming bakuran upang bilangin pa ang mga natira kong mga halaman.
"Ma, may tao po sa gate." Kunot-noo pa na nakatingin si Seb sa direksyon kung saan naroon ang tao na kanyang nakikita.
Agad naman rin akongtumingin sa tinutumbok ng kanyang paningin. May tao nga na nakatayo roon ngunit nakatalikod kaya hindi ko makita kung sino siya.
Bago pa ko nakahakbang para puntahan ang
gate ay naunahan na ako ng aking anak na magpunta roon upangsinuhin angsinumangtao na naroon.
Narinig kong magalang na tinatanong ni Seb kung ano ang kailangan ngtao sa amin pero hindi ko masyadong naririnig ang sagot ng kanyang kausap.
Nang maka lapit na ako ay agad akong nilingon ni Seb.
"Ma, kayo po ang hinahanap ni Sir." Imporma ng anak ko na ibinalik angtingin sa kung sinong "Sir" na kausap niya.
Ganun na lamang ang pagka tigagal ko ng mapag sino ang kausap ng anak ko.
Kumakabog ang dibdib ko at parang may bumara sa lalamunan ko na nagdudulot kaya hindi ako makahinga ng maayos.
"Kamusta na, Karen?" isang baritono na boses na matagal ko ng hindi naririnig.
Isang tinig na pagmamay-ari ng isang lalaking walang ginawa kundi sigawan, singahalan, paratangan at pagsabihan ako at ang anak kong si Santino ng kung anu-anong masasakit na salita.
"Seb, anak. Pasok ka muna sa loob ng bahay." Baling kong utos sa anak ng mabawi
ko ang aking sarili sa pagkabigla.
"Okay PO, Mama." Sagot naman ng anak ko na sumulyap pa ng alanganing tingin sa lalaking mataman din siyang tinititigan.
Nang masiguro ko ng malayo si Seb sa amin  ay hinarap ko na ang lalaki.
"Anong kailangan mo?" walang emosyon kong tanong sa isang taong ayoko na san ang makita pa.
Si Senyorito Simon.


Chapter 67


Ngunit tila wala sa sariling hindi ako naririnig ni Senyorito Simon na nakatingin lamang sa direksyon ng bahay kung saan sinundan niya ngtingin hanggang pumasok ang bunso kong anak.
Wala pa rin kupas ang kanyang kagwapuhan. Pansin kong mas lumaki ang kanyang katawan at mas bumagay sa kanya ang matured na mukha. Nakasuot lamang siya ng simpleng round neck blue t-shirt at kupas na lumang pantalon at  tanging simpleng pares ng tsinelas ang kanyang sapin sa paa. Pero hindi maipagkakaila na naiiba siya kung ikukumpara sa itsura ng mga kalalakihang nakatira clito sa Hacienda. "Senyorito Simon?" muli kong untag sa kanya.
Tila naman siya nahimasmasan at ibinaling na ang paningin sa akin.
"Anong kailangan mo?" muli kongtanong habang walang emosyon at deretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bakuran na nasasakupan ng aking
munting bahay. Tila mayroon siyang hinahanap ngunit hindi matagpuan.
"May nakasalubong kasi akong mini-truck na maraming dalang halaman. Nagandahan ako sa mga halaman at ituro nilang dito nila nabili."
Kalmado niyang sagot na bahagya pa na ngumiti.
Teka? Katapusan na ba ng mundo? Si Senyorito Simon ngumiti habang kausap ako? Nilalagnat kaya siya?
Hindi ako makapaniwala sa loob-loob ko. Ngunit mas pinili ko pa rin ang maging sibil na tao tulad ng relasyon ng isang nagtitinda sa isang mamimili.
"Pasensya na PO, Senyorito. Wala na po akong ibebentang halaman sainyo. Kinuha na kasi lahat ng nakasalubong ninyong naka-mini-truck ang mga halaman kong tinda." Tapat ko naman na sagot.
Ewan kung paano ko ginawa na maging matatag ang aking boses at nilabanan ang nararamdaman na kaba sa akingdibdib. Pero nais kong palakpakan ang aking sarili sa pagiging kalmado na tila isa lamang ordinaryong mamimili ang kaharap at kausap ko.
"Hello Karen?! Si Senyorito Simon 'yan. Ang taong nanakit sa damdamin mo bilang asawa, sa pagiging Ina kay Santino at bilang isangtao. Baka nakalimutan mo na lahat ng hirap na dinanas mo kasama ang mga anak mo. Ang mga gabing umiiyak ka dahil hindi mo na alam kungsaan ka kukuha pa ng pagkain sa susunod na araw. Ang mga araw na tubig na lang ang almusal  tanghalian at hapunan mo upang mabusog lang ang mga anak mo sa konting pagkain na nasa hapag kainan ninyo." Munting tinig na nagpapaalala sa akin sa mga naging sakripisyo ko bilang isang Ina. Hindi kasi ako makapag trabaho ng mga panahon na iyon dahil masyado pang bata Sina Santino at Seb.
"Ganun ba." Sagot niya na patuloy pa rin sa paggalugad sa paligid gamit ang kanyang mga mata.
"Hayun! Gusto ko ang isang 'yon.ll Sabay turo ni Senyorito Simon sa mga halamang nakapwesto sa payak na teresa ng aking munting bahay-kubo.
Mabilis ang kanyang gin awang hakbang upang lapitan ang mga halaman at wala akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa kung nasaan siya pumunta.
"Heto ang gusto 1<0." Turo niya ulit sa isa mga paborito kong halaman. Ang aking peace lilies na ilang araw pa lamang umusbong ang naka tikom pa na bulaklak na ayon sa iba ay swerte kapag nakapag bulaklak ka ng halamang naturan.
"Pasensya na po talaga, Senyorito. Hindi ko po ipinagbibili ang mga halamang naririto sa teresa ng bahay ko." Paghingi ko ng pasensya sa kanya.
"Bukod tanging ang mga nakadisplay lamang doon.ll Turo ko sa isang maliit na pwesto na ginawa namin ng mga anak ko kung saan ko idini-display ang mga halamang pwedeng ibenta.
"Bibilhin ko kahit magkano.l' Giit niya na pirmis lamang nakatingin sa aking mukha. Iniwas ko ang aking paningin sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko kasi ay waring ginagalugad niya maging ang aking kaluluwa.
Umiling-iling ako dahil hindi ko talaga ipinagbibili ang nag-iisa ko na lamang peace lilies.
"Senyorito, hindi ko pwedeng ibenta ang halaman na yan dahil 'yan ang mother plant. Wala na kasi siyang ibang suwi kaya naman  nag-iisa lamang siya dito. Kapag binenta ko pa 'yan sayo. Mawawalan ako ng isang uri ng halaman na ibebenta." Paliwanag ko sa kanya habang inaayos ang berdeng dahon ng peace lilies na naka dikit na sa kulay puting bulaklak nito.
Nawalan siya ng kibo ngunit ramdam ko ang kanyang pagtitig sa aking kabuuan. Nakakailang man ang sitwasyon namin ay pinipilit ko talagang huwag magpahalata at huwag magpa-apekto sa kanyang presensya.
"Ganun ba? Sayang naman. Akala ko pa naman ay ipinagbibili mo." Sagot niya sa nanghihinayang na boses.
Turnango na lamang ako.
Muling naghari ang katahimikan sa paligid namin. Wala akong maapuhap na dapat sabihin gayong sa ibang mga customer ay napaka daldal kong mag-entertain.
"Kamusta na?" tanong niya nagpa baling sa aking leeg sa kanyang direksyon.
Hindi ko alam kung anong emosyon ang mababasa sa kanyang gwapong mukha.
Malungkot na waring nagmamakaawa.
Ngumiti ako ng hilaw at sumagot.
"Okay naman, Senyorito.ll Tipid kong sagot sa tinig na pinilit kong maging kalmado.
Mataman lang siyang nakatitigsa akin na tila may hinahanap sa ang aking mukha.
"Si Santino?"
"Nasa eskwelahan.'l Matabang kong sagot.
Bakit niya naman hinahanap ang anak ko?
Alangan naman na miss niya na hindi mangyayari
dahil ilang ulit niya noon na sinabi na hindi niya matatanggap si Santino bilang anak.
"Si Seb, anak ko rin siya hindi ba?" muli niyang tanongsa akin at hindi ko sinasadyang mapaismid sa kanyangtinuran.
Anak? Nagpapatawa ba siya?
Nag buntong-hininga muna ako at binalewala lang ang kanyang mga tanong. Para saan pa ba at dapat kong sagutin? Tapos na kami at wala na kaming dapat pang pag-usapan.
"Sige po Senyorito marami pa ho akong gagawin. Kaya kung inyong mamarapatin ay pwede na po kayong umalis. Sa ngayon talaga ay wala na akong maibebentang halaman pa. Kung gusto mo, ireserba ko na lang sayo ang mga bagong halaman na umusbong. Ang kaso mga dalawa hanggang tatlong buwan ko pa ibibigay sayo. "sabi ko sa mahinahong tinig. Ayokong maging bastos kaya naman iniba ko angtakbo ng usapan dahil ayokong pag-usapan kung sino man sa mga anak ko lalo pa at nasa paligid lamang si Seb.
"Dalawa na pala ang mga anak ko at pareho pang lalaki," sambit niya at mahina pangtumawa na hindi man iniintindi ang pagtaboy ko sa kanya.
Sa totoo lang naguguluhan ako kay
Senyorito. Ang hirap niya noong tanggapin na
anak si Santino at ngayong nakita si Seb ay tila may halong panghihinayang sa kanyang boses na nagpapahiwatig na parang bakit hindi niya nalaman na may isa pa siyang anak?"
"Senyorito, huwag kang mag-alala. Kung ang inaakala mo na baka ngayon na malapit ka lang sa amin ay mag hahabol akong muli ay huwag kang mangamba. Hinding-hindi ko gagawin kahit kailan ang anuman na iniisip mo. Sinisigurado ko sayo na walang malalaman ang kahit na sinuman tungkol sa kaugnayan natin sa nakaraan. Tungkol naman sa mga anak 1<0. Ipanatag mo rin ang kalooban mo dahil hanggang sa huling hantungan ay wala silang malalaman na kahit ano tungkol sa kanilang ama." Litanya ko.
 


Chapter 68


"Ngunit gusto ko rin sanang humingi ng paumanhin saiyo. Garnit din ni Seb ang apelyido mo. Napilitan akong gamitin upang maging isa lang ang garnit nila ni Santino. Pero huwag kang mag-alala wala talaga silang alam tungkol sayo. Kahit ang pangalan mo ay hindi nila alam." Pahayag ko sa mababang boses. Nang manganak ako kay Seb aytinawagan ko agad si
Atty.Clemente at tinanong kung wala na bang bisa ang kasal namin ni Senyorito Simon. Ang sabi niya ay may bisa pa kaya naman para hindi magka-iba ang apelyido nila ng mga anak ko ay napilitan akong gamitin muli ang marriage contract namin ni Senyorito Simon upang maparehistro ang pangalan ni Seb sa munisipyo.
"Salamat." Sagot naman ni Senyorito Para saan?
Marahil nagpapasalamat siya na ako ang kusang lumapit kay Atty. Clemente para sa proseso ng pagpapawalang bisa ng aming kasal at pagbibigay ng mana na iniwan sa amin ng yumaong Senyora Loreta.
"Salamat para saan? Dahil ba sa ako na
mismo ang nagpawalang-bisa ng anumang ating ugnayan? Salamat dahil binigay ko ng kusa ang mana na dapat ay sa amin ni Santino? Kung iyon ang rason ng pagpapasalamat mo ay hindi mo na ako kailangan puntahan ng personal. At saka sa inyo naman talaga ang lahat ng mga iyon. Kami ni Santino ay sampid lang at walang karapatan na sa anurnang kayamanan na meron kayo." Pahayag ko.
Tumingin lang siya sa akin at waring naninimbang ng dapat sabihin.
Naghari na naman ang katahimikan sa paligid. Wari bang pinagbigyan ngtahimik na simoy ng hangin at pagtigil ng huni ng mga ibon at kulisap ang anumangdapat naming pag-usapan na dalawa.
"Karen, alam kong masyado ng huli pero ikinalulungkot ko ang nangyari sa nanay Karina mo." Basag ni Senyorito sa saglit na katahimikan na namayani.
Alam kong wala siyang pakialam sa akin, kay Santino, kay Nanay at kahit anuman ang mangyari sa buhay ko. Ngunit ano itong kanyang binabanggit? Panaginip lang ba ito? Si Senyorito Simon naghahayag ng kalungkutan dahil sa pagkawala ni Nanay? Madalas niya ngang sabihin sa akin noon na desperada akong gawin ang
lahat upang may pampagamot kay Nanay sa ospital.
Maaring nakalimutan na ng isipan ko ang malungkot na pangyayari sa nakaraan dahil napalitan na ng mga magandang alaala kasama ng dalawa kong mga anak.
Pero ngayong naririto sa harapan ko ang isang tao na nagpapaalala sa akin ng malungkot at masakit na nakaraan. Nalaman kong hindi ko pala ito lubusan na nalimot. Bagkus naisantabi lamang sa isang tagong sulok ng puso ko.
"Huli na rin pero gusto ko sanang humingi ng tawad sayo.ll Seryoso niyang sabi sa akin.
Sa narinig na kanyangtinuran ay tuluyang bumagsak ang aking mga luha. Nag-unahang umagos sa aking pisngi. Pero ano pa ba ang magagawa ng paghingi niya ng tawad?
Maibabalik pa ba ang nakaraan at mga nasayang na sandali na sana ay kasama namin siya habang lumalaki ang aking mga anak? Ang buhay ng Nanay ko? Lalong-lalo na ang anak ko na hindi ko man lamang nasilayan? Mababago ba ng paghingi niya ng tawad ang nakalipas na panahon?
"Senyorito, anuman ang nangyari sa nakaraan ay ayoko ng balikan pa. Kaya pakiusap Senyorito. Sana ito na rin ang huling araw na pupunta ka rito. Huwag kang mag-alala kung
sakaling man na dumating ang araw na mahanap ka at makilala ng mga anak ko bilang ama ay asahan mong itatago ko pa rin ng paulit-ulit at  hindi ko kailanman aaminin." Tapat kong sabi.
lyon naman talaga ang balak ko. Alam kong darating ang panahon na malalaman ng mga anak ko kung sino ang tunay nilang ama dahil wala namang lihim na hindi nabubunyag at walang katotohanan ang basta na lang nababaon sa kasinungalingan. Pero handa akong itikom ang bibig ko at magsinungaling muli para huwag lang silang um asa na tatanggapin ng isang Senyorito Simon bilang mga anak.
"Iniisip ko kung paano mong binuhay mag-isa angdalawang bata? Paano mong nakayanang alagaan sila gayong nag-iisa ka lang?" tanong niya sa malungkot na tinig. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at saka siya sin agot.
"Mahirap at sobrang hirap lalo na ng manganak ako kay Seb. Pero nakayanan ko naman. Ngayon nga ay nag-aaral na sila.ll Ngumiti ako ng pilit habang nagsasalita.
Tama, sobrang hirap ng sitwasyon ko. Dahil wala naman akong kamag-anak na malapit. Nang manganak ako kay Seb ay inalagaan lamang ako ng komadrona na nagpa-anak sa akin at siya na
rin ang tumitingin-tingin kay Santino ng ilang araw hanggang mabawi ko ang lakas 1<0.
Tinipid ko ang pera na pinag bentahan ko ng bahay at lupa na pundar ni Nanay. Nagtitinda rin ako ng kung anu-ano para kahit paano ay may pantawid gutom kaming tatlo. Hanggang sa naisipan kong magbenta muli ng mga halaman na tanim ko. Mayroon din akong tanim na gulay na kapag umaani ay siyang pantawid gutom namin ng mga anak ko at ang sobra ay matiyaga kong inilalako sa daan habang kasama rin ang mga anak ko. Awa naman ng Maykapal ay nakaraos kaming tatlo sa araw-araw.
"Patawad, Karen."
Waring may dumaan na kung ano sa hangin ng marinig ko ang paghingi niya ng tawad at  direktang pagbanggit sa pangalan ko. Tila ba tumigil ang lahat kahit saglit na saglit lang na segundo.
"Senyorito, masaya at kuntento na kami ng mga anak ko sa kung anong buhay na meron kami ngayon. Kung ang hinihingi mo ng tawad ay ang paraan ng pagtrato mo sa amin ni Santino noon ay hindi ko masasagot kung napatawad na kita. Subalit hindi na naman importante ang bagay na iyon. Ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay ang mga anak ko. Mga anak na hindi
ako magkakaroon kundi rin dahil sayo. Ngunit alam ko rin namang kahit kailan ay hindi mo sila matatanggap bilang mga anak kung kaya nakikiusap din ako sayo na huwag ka ng magpupunta rito." pakiusap ko sa kanya.
Seryosong nakatingin sa akin si Senyorito at pagkuwan ay nag buntong -hininga at tumingala sa maaliwalas na asul na kalangitan.
"Salamat sa oras, Karen. Alis na ako."
Tumango na lamang ako at pinanood siyang mabagal na humahakbang palabas ng aming bakuran. Ngunit tumigil siyang muli pagkarating sa labas at muli akongtinanaw. Ibinaling ko agad  ang aking paningin sa aking mga halaman at matapos ang ilang sandali ay nagtaas akong muli ng paningin sa labas ng bakuran.
Wala na si Senyorito Simon.
Nakaramdam ako ng kahungkagan.
Lungkot. Panghihinayang.
Akalain ko bang matapos lamang ang ilang taon ay muli kaming magkikita at magkakausap. Kaya ako noon lumayo sa hacienda Sto. Domingo ay dahil ayoko ng magkaroon ng pagkakataon na mag krus pa ang landas namin ni Senyorito Simon.
Napangiti ako ng mapait sa kawalan.
At nausal sa isip na, "Ibang klase talagang magbiro ang kapalaran."
 


Chapter 69


"Pasensya ka na, anak hindi ko man lang naisingit ang pambili ng mga bagong piyesa ng bike mo. Binayaran ko na kasi lahat ng naging utang ko kay Aling Iska noong nangailangan tayo ng pera para may pampagamot kay Seb." Malungkot kong sambit kay Santino.
Kanina kasi pag-uwi niya galing sa eskwelahan ay hindi niya napansin na nabutas pala ang gulong ng kanyang gamit na bisikleta na dahilan para mag lakad lang siya pauwi ng bahay. Madalas na rin masira ang kadena ng kanyang bisikleta kaya naman usad pagong lang ang takbo nila ni Seb kapag magka-angkas na nakasakay dito.
Ang pinag bentahan ko kasi ng mga halaman ay na pambayad ko kay Aling Iska na siyang nagpautang sa akin ng malaking halaga noong naaksidente si Seb sa pagbibisikleta at nabalian ng kamay.
Ang balak ko sana ay kalahati lang ang ibibigay ko at makikiusap na sa susunod na lang ulit ako magbabayad ngunit kailangan na pala ng pambili ng gamot ng mabait na matandang
babae kaya naman binayad ko ng lahat. May natira man sa pera ngunit binili ko naman ng makakain naming tatlo gaya ng bigas, ilang piraso ng sardinas, sabong panlaba, panligo at ilang garnit sa eskwelahan ng mga anak ko.
"Okay lang po, Ma. Ang mahalaga po ay wala na po kayong iniisip na malaking utang. Pwede pa naman po itong gulong. lpapa-vulcanized ko na lang po." Sagot ng maunawain kong anak at  saka niya na maingat na pinunasan ang kanyang bisikleta.
"Hayaan mo, Kuya. Kapag malaki na ako at may trabaho. Ibibili kita ng magandang motor para hindi ka na nag ba-bike." Nakangiting sambit ni Seb sa kanyang nakatatandang kapatid.
"Okay, pero mag-aral ka na munang mabuti kasi hindi ka makakakuha ng magandang trabaho kapag hindi ka nakatapos ng pag-aaral,'l wika naman ng anak kong panganay.
"Nakakuha kaya ako ng siyam na tamang sagot noong nakaraan pagsusulit namin sa math at up to ten 'yon. Isa lang ang mali ko." Buong pag mamalaking kwento naman ni Seb sa kanyang kuya.
"Bakit may mali ka pang isa? Dapat perfect ten ang nakuha mo."
"Pero pwede na 'yon, Kuya. Mataas na ang score ko." Giit ng bunso kong anak.
" Talaga ba? Nakuha mo ang ganong score? Ang galing naman ng anak ko.ll Puri ko kay Seb upang agawin na ang kanilang atensyon. Mahirap ng patagalin ang kanilang usapang magkapatid at baka mauwi na naman sa pikunan at mag-away naman sila.
"Opo, Ma. Sabi nga po ni teacher, very good daw po ako."
Napangiti naman ako ngtunay sa unti-unting pagbabago ni Seb. Sana nga at tuloy-tuloy na ang kanyang pag-aaral ng mabuti. "Hayaan mo, anak. Hahanap si Mama ng pwedeng maekstrahan ngtrabaho para may pambili ng kailangan na piyesa ng bike mo. Hindi rin ako mapalagay kapag iniisip kong hindl maayos ang garnit mong bisikleta," wika ko naman at binalingan si Santino na abala pa rin sa pagpunas ng kanyang bike.
"Huwag po kayong mag-alalala, Ma. Maingat na naman po ako sa pag pedal. Ang kaso po masyado na po sigurong luma ang mga piyesa ng bike ko at sadya na po na nagpapalit." Sagot ng aking panganay.
Tama nga siguro si Santino. Kahit gaano naman siya kaiingat kung talagang bumibigay na ang kanyang bisikleta ay wala na siyang magagawa kahit gaano pa siya kaingat sa kanyang ginagamit. Sana nga ay makahanap at maekstrahan akong trabaho upang makabili ng mga kailangan niyang garnit. Bakit ba kasi hindi ko naisip na kailangan nga pala ni Santino ng pera.
"00 nga po pala, Ma. Sino po 'yung lalaki kanina? Kilala niyo po ba siya? ll kunot- noo na tanongsa akin ni Seb.
"Sinong lalaki?" kunwari ay hindi ko alam kung sino ang kanyang tinutukoy. Malamang na ang tinatanong niya ay si Senyorito Simon.
"lyon pong kaninang umaga. Kilala niyo po ba siya, Ma? Ang tagal po kasi ninyong nag-usap."
"Ah, hindi, anak. Hindi ko siya kilala at  burnibili lang siya ng halaman pero sabi ko nga na may nakabili ng lahat at wala na akong mabibigay pa sa kanya." Wala sa 100b kong paliwanag.
"Ang tagal niyo po kasing nag-uusap kaya akala ko po ay magkakilala po kayo. Pero napansin ko PO, Ma. Parang hawig niya po iyong kasama ni Senyora Esmeralda noong may kasiyahan po sa hacienda. Siya po ba 'yon? ll Bigla akong nalito sa mga sinabi ni Seb.
Hindi ko alam na napansin niya pala na
bahagyang nagtagal ang pag-uusap namin ng kanilang ama kaninang umaga. Ano ba ang pwede kong m aging kasagutan?
"Baka kamukha lang, Seb. Ano naman ang gagawin ng isang haciendero dito sa ating munting kubo?" naunahan na kong sumagot ni Santino.
Bahagya namang waring nag-isip si Seb sa sin ambit ng kanyang kuya.
"Sabagay, baka kahawig lang nga siguro ng lalaking kasama ni Senyora Esmeralda," ani Seb na urnupo sa tabi ng kanyang kuya Santino at naki usyuso sa ginagawa ng nakatatandang kapatid.
"Kokontronlin ko na lang ang bigat ng katawan ko kapag angkas mo ako, Kuya. Kaya ko naman na sigurong gawin 'yon para huwag masira ang bike natin."
Napangiti naman ako sa balak gawin ni Seb. Mabuti na lang talaga at kahit paano ay naiintindihan nila ang kalagayan namin sa buhay. Ngunit madalas na inuusig din ako ng sariling konsensya.
Kung sana na hindi ko isinuli ang mga ari-arian na nasa pangalan namin ni Santino ay baka hindi nahihirapan ng ganito ang mga anak ko.
Sino ba ang mag-aakala na ang mga anak ko na matiyagang nag aangkasan sa isang lumang bisikleta upang makapasok sa eskwelahan ay mga anak ng isang mayaman na tao?
Ngunit hindi naman siguro kami sasaya ng ganito kung hindi ko sila inalis sa ganung klaseng buhay. Baka madalas ko rin silang makitang urniiyak kapag tinataboy ni Senyorito Simon.
"Ma, nagkita nga po pala kami ni Manang Puring kaninang pauwi na po ako. Ang bilin niya po ay kung may oras daw po kayo bukas ay puntahan niyo raw po siya at mag patulong po sainyo.ll
"Ganun ba, anak. Hayaan mo at m sasaglit ako sa kanya bukas.ll Tugon ko.
"Ma, hayan na PO. Agad na pong sinagot ang dalangin ninyo para po magkaroon tayo ng pambili ng mga gamit ng bike ni Kuya." Bulalas ni Santino.
Madalas naman kasi na kapag pinapatawag ako ni Manang Puring ay magpapatulong sa mga gawain sa hacienda.
"Pero paano ng pala ako pupunta ngayon sa hacienda? Siguradong naroon na ang bagong may-ari na ayoko na sanang makaharap at  makausap pa. Ngunit paano naman ang pangangailangan ng anak 1<0?"
pagtatalo ng isipan ko.
 


Chapter 70


"Manang, magandang urnaga po sa inyo. Sinabi po sa akin ni Santino na puntahan ko raw ho kayo." Pagbati ko kay Manang Puring ng makapasok ako sa 100b ng mansion ng hacienda Esmeralda.
Halos hindi ako nakatulog magdamag sa pag-iisip kung pupunta ba ako ng hacienda o hindi. Alam kong baka naroroon ang bagong nagmamay-ari ng hacienda na ayoko na sanang makita o makausap pa. Ngunit binalewala ko lang ang pag-aalinlangan at mas urniral sa akin ang puso ng isang Ina. Kailangan ko ng pagkakaperahan upang makabili ng bagong gulong ng bisikleta ni Santino. Mas matimbang ang anak ko sa kahit anupaman na nararamdaman ko.
"Magandang umaga rin naman, Karen. Mabuti na lang at nagpunta ka. Ikaw talaga ang una kong naisip dahil nga alam ko rin naman na kailangan mo ng pagka kaperahan. Isa pa, alam ko kung paano ka magtrabaho. Bukod sa malinis ay talagang wala akong masasabi," sambit ni Manang Puring habang hinawakan na ako sa
braso at hinila na papasok ng mansion.
"Ano ho ba ang kailangan kong gawin, Manang?" tanong ko na hindi maiiwasan na simpleng magpaling-linga sa paligid kahit narito lang naman kami sa kusina ng mansion.
"Okay lang ba kung magpatulong ako sa mga gawin clito sa mansion? Malinis naman ngunit may mga inalis at may mga bagong dating na gamit ang Senyorito." Tugon ni Manang Puring na pinaupo muna ako sa upuan at saglit iniwan upang tingnan ang kanyang niluluto sa kalan na ilangdipa lang naman ang layo.
"Opo, Manang. Kahit ano po basta po kaya kong gawin. Kailangan ko rin po kasi talaga ng pera dahil ibibili ko ng bagong gulong ng bike na gamit ni Santino." Pag kuwento ko kay Manang na hinahalo ang kanyang mabangong niluluto.
Matapos kaming makakain ng almusal kasama ng ilang mga kawaksi ng mansion ay nagsimula na kaming kumilos upang mag linis at ayusin ang mga bagong gamit sa kani-kanilang nitong dapat kalagyan. May bago at malambot na sofa na pinagtulungan naming mailagay sa sala. May mga magagandang paintings na hindi ko lubos maunawaan kong ano ang ibig sabihin ng mga nakapintang larawan.
Ako ang natoka sa pagpunas ng mga bagong
gamit na kungtutuusin ay malinis naman at walang alikabok. Maingat at dahan-dahan ang ginagawa ko dahil baka magasgasan lalo na ang mga malalaki at mamahalingvase.
" Karen 
Muntik ko ng nabuwal ang isa sa mga vase na aking pinupunasan na nakapwesto dito sa tabi ng malaking pintuan ng marinig ang isang pamilyar na tinig na turnawag sa aking pangalan. Unti-unti akong umikot upang harapin ang taongtumawagna nasa aking ikuran.
"Magandang urnaga PO, Senyorito." Buong galang kong pagbati sa kabila ng pag-aalangan ko na siya ay harapin at kausapin.
Nakatingin lang naman siya sa akin. Mukhang kagigising niya lang mula sa pagtulog base na rin sa kanyang itsura. Naka sando siyang kulay puti at nakapadyama pa. Gulo-gulo pa ang kanyang alon-along buhok na kagaya ng kung paano rin kagulo ang buhok nina Santino at Seb paggising sa umaga.
"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
Binatawan ko muna ang malinis na basahan na aking hawak at saka sinagot ang kanyang tanong.
"Pasensya na PO, Senyorito kung nagulat man kita na narito ako sa mansion mo. Kapag talaga kailangan ni Manang Puring ng iba pang dagdag na kasama sa paglilinis dito sa mansyon ay isa ako sa agad na tinatawag. Ngunit kung ayaw mong narito ako ay agad naman akong aalis," wika ko sa mababangtinig.
"Bakit ba ganyan agad ang iniisip mo? Hindi naman ganun ang ibig kung sabihin sa tanong ko. Nasaan nga pala ang mga bata? ll seryoso niyang tugon at tanong.
Bakit? Ano pa ba ang maaari niyang maging ibig sabihin? At bakit niya naman tinatanong kung nasaan ang mga anak ko?
Dalangin ko lang din sa mga oras na ito ay wala sanang makapansin at lalong-lalo na meron makarinig sa pag-uusap namin ni Senyorito Simon. Ayoko na may nakakaalam na magkakilala kami. Lalong-lalo na kung ano ang kaugnayan niya sa amin ng mga anak ko.
"Senyorito, hindi na naman mahalaga kung ano ang ibig mong sabihin sayong naging tanong pero may isa lang sana akong hiling." Sa halip ay wika ko.
"Ano lyon? Kahit ano ibibigay ko.'l Mabilis naman na sagot ni Senyorito Simon at waring urniwalas pa ang mukha sa narinig.
Deretso ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata.
"Huwag mo sana akong kausapin pa. Alam naman ng lahat na hindi tayo magkakilala at baka may mag-isip o kaya ay magtaka. Pagdating sa mga bata ay huwag ka na rin sanang magbanggit. Alam ko naman kung saan kami lulugar. Kaya lang naman talaga ako narito ay dahil sa trabaho at wala ng anupaman na dahilan. Kaya nakikiusap ako. Tratuhin mo ako ng tulad ng kung paano mo ako tratuhin dati. Ganun din sana sa mga anak ko. Huwag mo kaming intindihin o kahit pa pansinin. Ituring mo lang kami na isa sa mga ordinaryong tao na naninirahan dito sa paligid ng hacienda." Pakiusap ko sa mahinang boses habang luminga-linga pa sa paligid dahil baka may tao langsa malapit. 
"Ganun ba?"
Maikling tanong ni Senyorito Simon. Kung kanina ay naging masigla ang kanyang tinig ng kanyang marinig na ako ay may hihilingin. Ngayon naman ay waring naging malungkot matapos ang aking naging pakiusap.
"00, Senyorito. Sa totoo lang nagdalawang-isip na akong magpunta rito sa mansion dahil ayoko na sanang magkita pa tayo.
Kaya kung iniisip mo na may iba akong intensyon
kung bakit narito ako ngayon ay huwag kang mag-alala. Narito lang talaga ako para magtrabaho gaya ng dati ko ng ginagawa ng
Senyora Esmeralda pa ang nagmamay-ari dito. Kaya huwag ka sanang mag-isip ng anupaman. Narito lang ako para magtrabaho at kumita ng pera para sa mga anak ko." Patuloy kong pagpapaliwanag.
"Hindi ko iniisip ang ganung bagay at wala akong iniisip na may iba ka pang intensyon. Sige ipagpatuloy mo na kung ano ang ginagawa mo." Walang emosyon niyang sagot at utos sa akin.
Tumango na lang ako bilang tugon at muli ko na siyang tinalikuran upang ituloy ang aking naudlot na ginagawa. Ngunit ramdam ko pa rin ang kanyang presensya na waring patuloy pa rin akong pinagmamasdan. Gusto ko siyang lingunin pero mas pinili ko ang siya ay balewalain at magpatuloy sa aking gawain. Marahil ay binabantayan niyang mabuti kong ginagawa ko ng maayos ang aking trabaho. Kilala ko si Senyorito, malamang na sinisigurado niya lang na hindi masayang ang pera na kanyang ibabayad sa serbisyo ko.
 





 




About the Author

Good day! Thank you for visiting us! We hope you find what you’re looking for and that you enjoy your stay.

Post a Comment

Cookie Consent
We serve cookies on this site to analyze traffic, remember your preferences, and optimize your experience.
Oops!
It seems there is something wrong with your internet connection. Please connect to the internet and start browsing again.
AdBlock Detected!
We have detected that you are using adblocking plugin in your browser.
The revenue we earn by the advertisements is used to manage this website, we request you to whitelist our website in your adblocking plugin.
Site is Blocked
Sorry! This site is not available in your country.