Fight For My Sons Right Chapter 51-60

Please wait 0 seconds...
Scroll Down and click on Go to Link for destination
Congrats! Link is Generated





Written by: KoryanangNegra


Introduction
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"



Chapters 51-60
▃▃▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁▁

Chapter 51

Sumapit ang first birthday ni Santino at abala akong nag-asikaso ng lahat.
Simple at konting pagkain lamang ang aking personal na niluto kasama angtulong ni Manang Lorna. Pina imbitahan ko rin ang kanyang mga anak at mga apo upang makasama at makilala ko na rin. Sila lamang ang magiging bisita namin ngayon. Hindi ko lang alarn kung may inimbitahan na bisita si Senyorito Simon na darating.
Ang importante naman malusog at walang sakit ang anak ko.
Napangiti ako ng isusuot ko na ang ternong puting damit ng cutie patootie kong anak. Puti rin ang kulay ng kanyang sapatos at medyas maging ang kanyang sumbrero.
Ganap na alas diyes ng umaga ang oras ng pagbibinyag sa kanya sa malapit na chapel sa subdivision.
Si Manang Lorna ang napili kong ninang ni Santino. Hindi nga makapaniwala si Manang. Alam kong marami siyang nais itanong sa akin tungkol sa buhay namin bilang mag-anak ngunit  tahimik na lamang siyang nagmamasid.
At ang ninong naman?
Isa sa mga anak ni Manang Lorna.
Wala naman kasi akong kilalang iba na pwedeng tumayong ninong at ninang ng anak ko. Kung sanang na sa probinsya kami o kaya naman ay gising at magaling na si Nanay. Malamang na maraming kukunin 'yun para maging ninong at ninang ng una at nag-iisa niyang apo.
Kung sana ay buhay din si Senyora Loreta.
Malungkot akong nakatanaw sa gate ng mansyon. Kahit alam kong imposible ay patuloy ako sa panalangin na darating si Senyorito Simon para dumalo sa binyag ng kanyang anak.
"Karen, mag-aalas-dyes na. Baka mahuli tayo sa oras ng binyag." tinig ni Manang Lorna na mas bum ata sa kanyang ayos ngayon. Naka-kulay puti din siyang bistida na lampas tuhod at nag pahid ng konting lipstick.
"Sige PO, tayo na PO." Pinasigla ko na lamang ang aking boses para maitago ang kalungkutan na nadarama. Inayos ko ang aking kulay puting lace na dress na umabot lamang sa itaas ng aking tuhod at saka sinabit ang shoulder bag sa aking balikat at binitbit na si Santino.
Araw ng anak ko ngayon. Dapat maging masaya at huwag maging negatibo. Naniniwala akong darating siya. Naniniwala akong kahit paano ay maaawa siya sa anak namin.
Sa simbahan habang hinihintay ang pari ay panay pa rin ang sulyap ko sa malapad na pintuan. Panay ang usal ng panalangin na sana dumating si Senyorito Simon.
Dumatingna ang pari at sumenyas na mag-umpisa na ang seremonya ng binyag ngunit nakiusap pa ako na maghintay pa kahit konti dahil wala pa angtatay ng bata. Halos kalahating oras na ang paghihintay namin ay wala pa rin kahit anino ni Senyorito.
Ngunit patuloy pa rin akong naniniwala na papasok siya sa 100b ng simbahan.
Ako lang talaga ang patuloy na umaasa sa isang imposibleng mangyari.
Umaasa na darating siya kahit nag mukha akong tanga. Namuti na ang mga mata namin sa paghihitay.
Umabot pa ng isang oras ngunit wala talaga si Senyorito Simon.
"Umpisahan na po ninyo Father.
Pasensya na po at na -delay pa ng isang oras." Paghingi ko ng pasensya kay Father na ngumiti lamang at saka inumpisahan ang pagbibinyag kay Santino.
Wala mang kalahating oras ay natapos ang binyagan. Masaya ang mag-anak ni Manang Lorna na nagsasalo-salo sa handang pagkain sa lamesa.
Mabait at magalang ang mga anak at apo ni Manang Lorna na hindi naman nakapagtataka dahil mabait naman talaga si Manang.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mainggit sa kanila.
Masaya sila sa simpleng buhay na mayroon sila parang kami lang ni Nanay noong kami lang ang magkasama sa probinsya.
Simple pero nagmamahalan at masaya. Maaaringtama ang karamihan na masaya ang tao kapag may pera.
Nabibili ang lahat ng gustuhin.
Bahay, alahas, mamahaling sasakyan, pagkain o kahit pa ang pinakamahal na yarnan sa mundo.
Pero bakit kami ni Santino?
Bilyonaryo ang Papa niya. Nakatira kami sa malaki at magarang mansyon. May sariling kotse at maraming pera ngunit hanggang doon lang ang kaligayahan namin.
" Karen 
Boses ni Manang ang nag pabalik sa akin mula sa malalim na pag iisip. Tumingin ako sa sa kanya at inabutan ako ng plato na may laman ng pagkain.
Ngumiti ako saka inabot ang plato.
"Salamat po, Manang,'l wika ko at ngumiti sa kanya.
Bumaling si Manang kay Santino na naglalaro sa loob ng kanyang Crib.
"Kristiyano ka na Santino. Maging mabait at mabuti ka lagi sa Mama Karen mo,ll sabi ni
Manang sa anak ko saka hinaplos ang ulo ni Santino. Humagikgik naman ang anak ko at turnayo at parang nagpapakarga kay Manang.
"Gustong-gusto po kayo ni Santino," saad ko.
"Kasi gustong-gusto ko siya at saka ninang niya ako." Sagot ni Manang saka kinarga si Santino.
"Karen, bakit hindi man lang naka-attend ng binyag ni Santino ang papa niya? ll kapagkuwan ay tanong ni Manang.
Natigilan ako ngunit agad ko rin na hinamig angsarili.
"Busy po siguro sa negosyo." Nakangiwi kong sagot saka iniwas ang aking paningin sa
mga mata ni Manang. Ayokong mabasa niya ang kalungkutan sa aking mga mata.
"Karen, matanda na ako at marami na rin na pinagdaanan sa buhay," wika ni Manang na nakangiti habang karga si Santino na masayang nilalaro ang hawak na laruan na bigay ng Mommy Selene niya.
"Sa edad ko, alam ko na rin tukuyin kung totoo o kung peke ang ugali ng isang tao. Kung mayroong itinatago." Pagpapatuloy ni Manang habang nakatingin sa kanyang mag-anak na nag kasiyahan pa rin.
"Manang-" Nausal ko sa mahinang boses.
Tumingin siya sa akin ng nakangiti.
"Hindi karapat-dapat kung paano ang nakikita kong pagtrato ng asawa mo sa inyo ng anak mo. Maaring hindi ko alam ang istorya pero tiyak akong isa kang mabuting tao, Karen," sambit ni Manang. Nangingilid ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan na bumagsak. Mabilis ko itong pinunasan sapagkat ayoko ng maging mahina lalo na sa paningin ni Senyorito Simon. "Manang kayo na muna po bahala rito. Pupuntahan ko po ang asawa ko." Mabilis kong pagpapa-alam kay Manang at saka kinuha sa kanyang kandungan ang ngayon ay Kristiyano ko ng anak.
"Mag-ingat kayo, Karen." Pahabol ni Manang habang malalaking hakbang ang ginawa ko palabas ng mansyon. Patungo kami sa kompanya ng asawa ko at ama ni Santino.
 


Chapter 52


Hindi ko alintana ang mainit na panahon at pinuntahan agad ang lugar kung saan ko matatagpuan ang aking asawa na hindi man lang nagpakita kahit kanyang anino kanina sa binyag ng anak namin.
Nagmamadali akong lumabas ng Taxi na sinakyan namin ni Santino at saka ako tiningala ang mataas na building na napapalibutan ng mga salamin na nakakasilaw dahil sa tama ng sinag ng tirik na tirik na haring araw.
"Good afternoon PO, Ma'am Karen." salubongsa akin ng guwardiya na mukhang goons na dati ay ayaw pa kaming papasukin ni Santino dahil sa hindi naniniwala na ako si Mrs.Simon Andres Sto.Domingo. Ang nagmamay-ari ng matayog na building na ito at ang nagpapasahod sa lahat ng taong nagtatrabaho sa 100b nito.
"Good Afternoon din." magiliw kong sagot sa kanya at saka niya na ako pinag buksan ng pintuan na gawa sa salamin upang makapasok sa 100b ng building.
"Hello! Santino! "salubong rin naman ng
ibang mga empleyado na nakakakilala sa amin ng anak ko.
"Good afternoon PO, Ma'am." magagalang nilang salubong sa presensya naming mag-ina.
Bawat pagbati nila ay tango at ngiti na lang ang sagot ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako na binabati at tinatawag nila akong "Ma'am". Hindi kasi ako sanay na tinatawag sa ganung pangalan at mas lalong hindi rin ako sanay sa binibigay nilang special na atensyon sa aming mag-ina. Para sa akin ay ordinaryo lang kami ng anak ko at kaya lang kami narito upang komprontahin si Senyorito Simon.
Pagkasakay na pagkasakay ko ng elevator ay may pumindot na para sa akin kung saan floor ang destinasyon 1<0. Isa sa mga kasabay kong babae na naka corporate attire at matamis na nakangiti sa akin na nakalulan din clito sa elevator. Batid niya naman siguro kung saang palapag ang tungo namin ni Santino kaya siya na ang pumindot para sa aming mag-ina.
Nakangiti akong nagpasalamat sa babae at sinuklian din naman ako ng magiliw na ngiti.
Kinakabahan ako ngunit mas nangingibabaw ang galit sa 100b 1<0. Nanlalamig ako sa nadarama na inis at galit.
First Birthday at binyag pa ng anak ko pero
wala ang presensya ng Papa niya sa simbahan. Hindi ko iniisip ang nakakahiya na paghihintay ng matagal ng mga tao sa simbahan para sa pagdating ni Senyorito. Dahil mas dinaramdam ko ang hindi man lang niya kami pinagbigyan kahit ngayon lang na binyag ni Santino. Kahit ngayon lang maramdaman ng anak ko na meron siyang ama. Kahit ngayon lang na kailangan na kailangan siya.
Naghihimagsik ang kalooban ko! Nagpupuyos ako sa galit ngunit pilit kong hinahawakan at kinokontrol. Ayoko pa rin naman na gumawa ng eksena.
Masakit lang bilang isang Ina ang hindi man lang sumipot ang ama ng anak ko sa mismong araw ng binyag.
Tama ang sinabi ni Manang Lorna.
Hindi namin deserved ni Santino ang tinatrato ng ganito! Hindi kasalanan ng anak ko na ipinanganak siya at maging ama si Senyorito Simon.
Panay ang buntong-hininga ko. Pinapakalma ko ang aking sarili dahil baka mauna pa akong mawalan ng malay.
Sa samut-saring iniisip ay hindi ko napansin na kamingdalawa na lang ni Santino ang narito sa 100b ng elevator at narinig ko lang na tumunog
bilang hudyat na magbubukas na ito.
Tiningnan ko pa kung nasaan floor na karm at ng makitang narito na kami sa palapag kung nasaan ang opisina ng CEO ay nagmamadali akong lumabas.
"Ma'am, Karen!"
Agad akong ngumiti ng makita si Amy na nagulat pa sa biglaan naming pagdalaw na naman ni Santino.
"Amy." nakangiti kong tawag sa kanyang pangalan ng kami ay salubungin.
"Ma'am, alam po ba ni Sir na pupunta kayo ngayon? l' tila naguguluhan na tanong ni Amy at panay pa ang sulyap sa naka saradong pintuan ng opisina ng kanyang amo.
"Hindi Amy, kapag pupunta kami rito ay hindi naman kami nagpapaalam sa Sir mo. Narito ba siya sa 100b?" nakangiti pa rin ako ng sumagot at nagtanong naman sa kanya. Bagamat nalilito ako sa inaasal ng magalang na sekretarya ng aking asawa. Waring siya ay balisa at hindi mapakali.
"Kasi PO, Ma'am Karen." Atubiling sagot ni Amy na tila litong-lito.
Nagtataka man ako sa kanyang asal ay binalewala ko na lamang at nagpatuloy sa aking balak gawin.
"Sige Amy, papasok na kami sa 100b." At humakbang na ako patungo sa nakapinid na pinto.
"Ma'am Karen, sandali PO!" napalakas pa ang boses ni Amy nang makitang akma ko ng bubuksan angdoorknob ng pinto.
Napatingin ako sa kanya na naguguluhan.
Nakatingin lang naman siya sa akin na parang may nais sabihin. Ngunit wala naman siyang sinasabi.
Sa katahimikan at paghihintay sa nais sabihin ni amy ay nakarinig ako ngtila may tumatawa.
Kunot ang noo kong hinanap kung saan nanggaling angtawa na aking narinig.
Tawa ng isang babae at nanggagaling lang naman sa 100b ngopisina ng asawa ko.
Sinalakay ako ng kaba.
00 at hindi ako mahal ng asawa ko ngunit asawa pa rin niya ako. Legal kaming mag-asawa sa mata ng kahit na sinuman.
Akala ko tanggap kung hanggang sa papel lamang ang titulo ko bilang asawa niya. At kahit mambabae pa siya ay wala akong karapatan na tumutol, magselos o masaktan dahil hindi naman kami totoong nagmamahalan.
Pero bakit?
Bakit bumigat ang puso ko sa kaalamang sa likod ng nakapinid na pintong ito ay matatagpuan kong may kaulayaw na ibang babae ang aking asawa?
"Kasi Ma'am, kasi ano PO-" hindi matuloy-tuloy ni Amy ang nais sabihin sa akin at napapa karnot pa sa kanyang Lilo.
Bigla kong ipinihit ang doorknob at saka itinulak ang Pinto.
Tama ako.
May dalawangtao na nasa loob ng opisina. Pareho rin na nabigla sa pagpasok ko. Namin ng anak ko.
Parang sinaksak ng libo-libong patalim ang dibdib ko sa nakitang eksena nilang dalawa. Ngunit nanatili akong kalmado at hindi nagpapakita ng emosyon.
Ang asawa ko na nakaupo sa kanyang swivel Chair at nakakandong lang naman sa kanya ang isang babaeng malayong-malayo sa karakter ko bilang simpleng babae.
Maganda at eleganteng tingnan sa suot niyang kulay pulang dress na damit at labas ang maputi at makinis na balat ng kanyang balikat at  likod.
"Good Afternoon." Ako ang unang nakabawi at burnasag sa ilangsaglit na katahimikan na namayani dito sa 100b ng opisina.
 

 

Chapter 53


"Oh! long time no see, Karen!" ngumit  naman ang babae at hindi man lamang natinag sa kandungan ng "asawa ll ko. Wari pang natutuwa na naabutan ko sila sa ganung eksena. Siya ang babaengtunay na mahal ng asawa 1<0.
Ang babaeng galit na galit sa akin noong siya raw ay inagawan ko ng kasintahan.
Si Senyorita Daphne.
Samantalang salubong naman ang kilay ng aking asawa at matalim ang titigsa amin ng anak niya.
"Ano naman ang ginagawa ninyo dito? l' tanong niya na para bang hindi man lang tinablan ng hiya sa katawan. Asawa niya ako at kahit saang anggulo na tingnan ay isang kataksilan ang nasaksihan kong ginagawa nila ng dating nobya.
Binalingan ko sa aking likod ang namumutlangsi Amy.
"Secretary Amy, pwede ko bang makisuyong kargahin at alagaan mo muna itong anak ng boss mo." Pakiusap ko sa sekretarya na hindi malaman
kung ano ang gagawin. Binigyang diin ko talaga ang pagkakasabi ng "anak ng boss mo" at sigurado kong naririnig ng dalawang mukhang nabitin sa paggawa ng isang makasalanang milagro.
"Opo, Mam Karen. Santino halika na muna. Gusto mo ba na maglaro tayo? ll tarantang sagot ni Arny ngunit nagawa pa rin na ngumiti at kunin ang anak ko na agad namangsumama dahil kilala na naman siya dahil madalas kapag naririto kami sa opisina ng Papa niya ay siyang madalas niyang kalaro.
Tumango naman ako kay Amy na halata sa mukha ang simpatya para sa akin.
Isinara ko ang pintuan ng opisina at  binalingan muli angdalawa.
"Well, para sagutin ang tanong mo kanino Senyorito Simon kung ano ang ginagawa ko ngayon dito. Bakit? Asawa mo ako kaya naririto kami ng anak nating dalawa." Madiing wika ko ngunit banayad pa rin ang boses.
Mahinang tumawa si Senyorita Daphne.
Tawa na alam kong may kasamang pang-iinsulto. "Asawa na hanggang sa papel lang." Singit ng dating kasintahan ng asawa ko habang nakangisi.
Ngumiti ako at hindi nag papa-epekto sa kanyangtinuran.
"First birthday ni Santino ngayon at binyag niya. llang beses akong nagpadala ng text at ilang beses din akong turnatawag sa cellphone mo." Wika ko habang ramdam ang paninikip ng dibdib ko kahit pa nakangiti ako.
"Hinintay kitang dumating sa mansyon at ganun din sa simbahan para sa binyag ni Santino pero wala ka. Tapos nandito ka lang pala." Tuloy-tuloy ang litanya ko habang salitan ang aking paningin sa dalawang taong nasa harapan ko at hindi ko talaga sila binibigyan ng pahintulot na magsalita. Kapag nakikita kong bubuka ang bibig nila ay agad akong nagmamadaling magsalita.
"Karen, alam mong hindi ako pupunta at nilinaw ko na sayo. At kung ano man ang iniisip mo sa ginagawa namin ni Daphne. Wala kaming anumang ginagawa. Kaya don't make a scene." Madiin na muling sagot ni Senyorito.
Turnawa ako ng pagak at mas lalong nilawakan ang ngiti ko sa pagpapaliwanag ni
Senyorito na wala silang ginagawang masama.
"Huwag kang mag-alala, Senyorito. Kahit sino namang makakita sa posisyon ninyong dalawa ngayon ay hindi mag-iisip na mga taksil
kayo." Nakangiti ngunit nang-uuyam kongturan.
"Karen, huwag ka ngang ilusyunada. Alam mong pinakasalan ka lamang ni Simon dahil kay Lola Loreta and that's all!" mataray na singit ni Senyorita Daphne na may mapang-insulto na ngiti sa kanyang labi.
"llusyonada? Ako?" sabay turo ko pa sa sarili ko at sabaytawa ko rin naman.
"llusyonada man ako sa paningin mo ngunit baka nakakalimutan mo na ako ang Legal na asawa niyang lalaki na hinaharot at nilalandi mo." Malumanay ko pa rin na litanya.
Nakita kong paanong nalukot ang mukha ni Senyorita Daphne at madaling turnayo mula sa kandungan ng aking asawa at saka malalaking hakbang na ginawa upang lapitan ako.
"Ang talas na ngdila mo. Bakit ano ba ang pinagmamalaki mo? Ang kasal kayo ni Simon?
Ang may anak kayo? Nagpapatawa ka ba, Karen? Hindi ka kaÏlanman papasa sa standard ng boyfriend ko. Wake up! He's going to file an annulment against you! Dahil ako ang dapat niyang asawa at hindi ang kagaya mong pobreng probinsyana," sambit ni Senyorita Daphne na pinag siklop pa ang braso sa dibdib.
Hindi na ako nagulat sa mga sinabi niya.
Inaasahan ko na gagawin ni Senyorito Simon na
ipawalang bisa ang kasal namin.
"Daphne, please leave. Umalis ka na." Seryosong utos ni Senyorito Simon sa dating niyang nobya.
"What?! Simon siya dapat ang pina palayas mo! Not me! She is a b* * *h! Kasalanan niya kung bakit nagkalayo tayong dalawa. Siya dapat ang lumayas dito!" sikmat ni Senyorita Daphne na ituro pa ang direksyon ko. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa galit habang nagsasalita.
"Please leave, ayokong pag pyestahan ng mga tauhan ko ang pribado kong buhay." Muling pantataboy ni Senyorito sa hindi makapaniwala na si Senyorita Daphne.
Nagtagis ang bagang niya at binalingan ako muli ngtingin.
"Damn you! Ikaw angdapat umalis! Dahil isa kang mang-aagaw! Sinamantala mo ang kabaitan ni Iola Loreta at pinikot mo ang boyfriend ko para mapilitang pakasalan ka para nga naman may pantustus ka sa nanay mong hanggang ngayon ay tulog at kung ako sayo ay huwag ka ng um asa na magigising pa-"
Isang malakas na sampal ang lumapat sa kaliwang pisngi ni Senyorita Daphne na galing sa akin. Dahilan upang hindi niya na matuloy ang anupaman na kanyang nais sabihin.
"Minsan mo na akong sinampal kahit ako ang ininsulto mo. Pero ngayon hindi na ako papayag na insultuhin mo ulit ako. At sino ka para sabihin sa Nanay ko na hindi na siya gigising? Diyos ka ba?!" nanggagalaiti kong singhal sa kanya.
00 at pinag pasensyahan ko siya sa pang-iinsulto sa akin. Pero huwag na huwag niyang idadamay ang Nanay kol Dahil kaya kong gawin ang lahat para ipagtanggol ang aking Ina.
"How dare you to slap me! "akma akong susugurin ulit ni Senyorita Daphne ngunit mabilis na siyang dinaluhan ni Senyorito Simon.
"Stop it Daphne! Stop it! Ako na ang maghahatid sayo sa labas." At mabilis siyang hinawakan sa braso at iginiya palabas ng aking asawa ang dati niyang kasintahan na nagwawala.
Sabay silang lumabas at iniwan akong nag-iisa.
Napangiti ako.
Gusto kong matawa habang umiikot ang paningin ko sa kabuuan ng opisina ng aking asawa.
Pakiramdam ko ngayon. Ako ang panalo. Dahil ako ang naiwan sa itinuturing na kaharian ng asawa ko.
Ako pa rin ang nag-iisang reyna ng kaharian na ito.
Ngunit, ako nga ang nanalo pero kay Senyorita Daphne pa rin surnama si Senyorito Simon.



Chapter 54


"Masaya ka ba ngayon, Santino? Sa wakas ay kristiyano ka na? ll tanong ko sa anak kong panay angtampisaw ng mga paa sa tubig ng malapad na swimming pool sa likod bahay. Sinubukan ko lang na isawsaw ang kanyang mga paa kung ano ang magiging reaksyon niya. Akala ko ay magugulat siya sa lamig ngunit tuwang-tuwa ang bata habang mabilis na puma padyak sa malamig na tubig ng pool.
llang araw na simula ng mag isang taon siya at ilang na rin ng mangyari ang hindi ko inaasahan na dadatnan na eksena sa 100b pa mismo ng opisina ni Senyorito Simon.
Aaminin kong sobra akong nasaktan. Alam ko naman na hindi ako mahal ni Senyorito Simon ngunit hindi ko rin alam kung bakit waring nadurog ang puso ko habang paulit-ulit na bumabalik sa aking balintataw ng kung paano ko sila inabutan ni Senyorita Daphne. Gusto ko silang sugurin at saktan ngunit mas nanaig sa akin ang magingsibilisado.
Sunod-sunod na tunog ng doorbell ang
kumuha ng atensyon ko. Kaya naman binuhat ko na si Santino at pinunasan na ngtuwalya ang kanyang basang talampakan at nagpunta sa gate ng bahay upang alamin kung sino ang tao sa labas.
"Sino kaya?" nagtataka ko na tanong sa akingsarili. Hindi naman pwedeng si Manang
Lorna ang nag do-doorbell dahil nagpaalam si Manangna hindi muna makakapasok ngayon at dadalaw muna sa kanyang mga kapatid sa kanilangprobinsya.
"Si Senyorita Selene kaya? ll tanong ko ulit. Umuwi kaya ulit mula sa amerika ang hipag ko at narito ulit upang dalawin si Santino? Wala kasi akong ideya kung sino ang tao sa labas. Wala naman akong pinapadeliver na kahit ano. Baka naman bisita ni Senyorito Simon? Pero bakit hindi siya tumuloy sa opisina ng asawa ko?
Bago buksan ang malaking bakal na gate ay sinilip muna sa maliit na butas kung sino ang taong nasa labas.
Natigilan ako ng mapag sino ang hindi inaasahang bisita.
Pati ba naman dito ay magpupunta siya? Alam niya naman siguro na wala rito kung ang asawa ko ang hinahanap niya.
Anong kailangan niya?
Ayoko sana siyang pag buksan ngunit baka mabuti na rin sigurong magkausap kami nang kamingdalawa lang.
Nag buntong-hininga muna ako at saka dahan-dahan na binuksan ang gate.
"Bakit ang tagal mong buksan?" asik na tanong agad ni Senyorita Daphne at saka humakbang papasok sa 100b ng gate. Medyo tinabig niya pa ako dahil nakaharang ako sa kanyangdadaanan.
"Oh! My dream house!" palatak niya at inikot ang kanyang paningin sa bakuran ng mansyon. "Anong ginagawa mo rito?" matabang kong tanongsa kanya.
Ngunit wari siyang walang naririnig at  tinalunton ang daan patungo sa mansyon. Sinusundan ko lang naman ang bawat paghakbang niya.
Ngunit hindi pa niya sinasagot ang tinatanong ko.
"Anong ginagawa mo rito? Walang ibang tao rito kundi kami lang ng anak ko. Kaya kung meron ka man hinahanap ay hindi mo siya makikita kahit umikot ka pa ng ilang beses sa buong bahay." Imporma ko kay Senyorita Daphne na tila manghang-mangha sa nakikita na magandang kapaligiran ng mansyon.
Seryoso niya akong nilingon sa kanyang likuran at ang kanyang nakangiting mukha ay napalitan ng kaseryosohan.
"Anong ginagawa ko rito? Ang lakas naman ng 100b mo na tanungin ako ng ganyan tanong gayong alam mo naman kung sino ako sa buhay ni Simon na siyang nagmamay-ari ng mansyon na ito,l' sambit niya.
Seryoso lang akong nakinig sa kanyang mga sinabi.
"Bakit? Ano ka ba ni Simon na asawa ko at tatay ng anak ko?" deretsahan kong tanong.
"At tinanong mo pa talaga? Bakit nakalimutan mo na ba na ako angdating girlfriend ng sinasabi mong asawa mo?" nanlalaki pa ang mata ni Senyorita Daphne habang nagsasalita.
Hindi ako nag patinag.
"lkaw na rin ang nagsabi na dati kang girlfriend ng asawa ko. So, ano pa ang ginagawa mo rito? Isa ka ng nakaraan at ako kasama ang anak ko ang kasalukuyan." Malumanay kong pahaging sa babaeng kaharap 1<0.
"Dahil kasalanan mol. Kung hindi mo pinikot
ang boyfriend ko. Kami sana ang nagpakasal. Ako sana ang narito sa mansyon na ito at hindi ang kagaya mong hampaslupa!" nanggagalaiti niyang sigaw sa akin.
Dahil kanina pa siya sumisigaw ay waring nakaramdam ng takot si Santino. Yumakap ng mahigpit sa aking leeg si Santino at itinatago ang mukha. Ganito ang kanyang ginagawa kapag natatakot.
"Umalis ka na dahil kahit anong gawin mo ay hindi na magbabago ang katotohanan na ako na ang asawa ni Simon. Ako na ang legal at kami na ng anak ko ang pamilya niya. Ibaon mo na sa limot ang nakaraan ninyo." Pagtaboy ko sa kanya. Mali na pinapasok ko siya clito sa mansyon. Natatakot si Santino sa paraan ng kanyang pagsasalita.
"At sino ka para utusan ako na kalimutan ang nakaraan? Hindi mo ako pwedeng diktahan. Madali ko lang maagaw si Simon dahil ako ang tunay niyang mahal. At kahit ilang anak ay kaya ko siyang bigyan kaya huwag mong ipagmalaki sa akin na may anak kayo. Kayang-kaya kong agawin angdating akin lalo na ngayon na wala na si Lola Loreta. Wala ka ng kakampi pa." Nanggigil niyang turan na tila siguradong-sigurado sa kanyang mga sinasabi.
Nanatili akong kalmado sa kabila ng ako ay nanghihina na sa kanyang mga makatotohanang salita. Tama naman siya.
Siya ang talagang mahal ni Senyorito Simon. Ngunit na sa akin ang alas. Ako ang asawa at nasa akin ang lahat ng karapatan para kaladkarin siya palabas ng mansyon.
"Umalis ka na bago pa ako turnawag ng mga guwardiya at ipa kaladkad ka palabas ng bahay 1<0." Banta ko sa kanya.
"Wow! Bahay mo talaga? Ang kapal talaga ng mukha mang angkin ng mga bahay na hindi mo naman pag-aari kagaya ng pagkuha mo sa boyfriend ko! Hindi ka lang pala desperada at mukhang pera. Isa ka rin pa langdakilang mang aagaw na pag-aari ng iba!" patuloy niyang mga paratangsa akin.
Ngunit nanatili akong matatag na harapin siya.
"Ano man ang pag-aari ng asawa ko ay pag-aari ko na rin. Kaya mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Dahil ang lupang tinatapakan mo ay akin. Gusto mo bang ireklamo kita ng trespassing?" mahinahon kong pananakot kay Senyorita Daphne.
Natawa naman siya ng pagak sa aking sinambit.
"Ako trespassing? Hello! naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Baka ikaw pa ang mapagkamalan na trespasser sa itsura mo." Panunuya niya habangtiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Kung batayan nga naman ang itsura ay mukha akongyaya ng sarili kong anak kumpara sa ayos niyang mukhang may pupuntahan na party sa sobrang kolorete ng mukha. Hapit na hapit ang suot niya na damit at mini skirt sa kanyang katawan.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking short na suot. Maya-maya lang ay nasa kabilang linya na angtinatawagan 1<0.
"Hello PO. Magandang umaga. Meron kasi akong gustong ireklamo ng trespassing. Kaya kung pwede magpunta kayo agad para kaladkarin palabas ng mansyon ko ang babaeng inirereklamo ko.ll saad ko sa kausap ko sa cellphone kong hawak.
"How dare you!" singhal sa akin ng namumutlang si Senyorita Daphne.
"How dare me talaga dahil kung ako sayo. Umalis ka na bago ka pa abutan ng mga guwardiya na tinawag ko." Sagot ko sa kanya.
"Hindi pa tayo tapos babaeng ilusyonada. Babawiin ko sayo ang lahat ng dapat ay sa akin." Huling binitawang mga salita ni Senyorita
Daphne bago nag martsa palabas ng mansyon.



Chapter 55


Akala ko hindi ko mapapa-alis si Senyorita Daphne dito sa 100b ng mansyon kanina. Mabutl na lang at takot siyang ipakaladkad ko sa mga guard na tinawagan ko. Sabagay, hindi talaga ako nagbibiro. Talagang ipapakaladkad ko siya dahil ayaw niyang tumigil sa pagsasalita ng malakas. Natatakot tuloy si Santino sa kanya.
Kanina ng nandito siya. Nakaramdam ako ng takot.
Takot na baka isang araw ay umuwi na siya clito sa bahay sa pahintulot ni Senyorito Simon. Ngunit sa kabila ng takot ay sumibol din ang tapangsa akin. Hinding-hindi ako papayag na tumira siya dito. Ako ang asawa ng asawa ko kaya walang sinumang makakaagaw ng trono ko at ng anak ko sa bahay na ito. Kami lang ni Santino ang may karapatan na tumira dito.
"Anong ginawa mo at hinarang ako ng mga security guards ng subdivision dahil tumawag ka raw sa kanila at may gusto kang pakaladkarin palabas ng bahay? Sinong pinapasok mo ng walang pahintulot 1<0?" salubong ang makapal na kilay ni Senyorito Simon habang nag tanong sa
akin.
Halatang kararating niya lang galing ng trabaho dahil hawak pa niya ang kanyang mga gamit. Hindi pa rin siya nakapag palit ngdamit pambahay ay sinadya na talaga akong puntahan dito sa kusina upang tanungin sa nangyari kanina. Hindi na kasi inabutan ng mga securities na tinawagan ko si Senyorita Daphne clito sa bahay.
Pinunasan ko muna ang gilid ng bibig ni
Santino na aking sinusubuan ng kanyang cerelac. Pinainom ko na muna rin ngtubig ang anak ko bago ko hinarap ang bagong dating niyang ama. "Kanina kasi nandito si Senyorita Daphne. Halos magwala at ayaw niyang umalis. Kaya naman tumawag na ako ng mga security guards para magpatulong na paalisin siya. Natatakot na kasi si Santino sa paraan ng kanyang pananalita." Malinaw kong pagpapaliwanag.
Nilapag na ni Senyorito Simon ang kanyang mga hawak na garnit sa lamesa na parihaba clito sa kusina at saka tinatanggal ang kanyang kurbata.
"Paano nakapasok dito sa 100b ng bahay si Daphne?" muli niyang kunot-noo na tanong habang hinila na ang kurbata sa kanyang leeg.
"Pinapasok ko siya.ll Matabang kong
pag-amin.
Naningkit ang mga mata ni Senyorito Simon ng marinig ang sinabi ko.
"Pinapasok? At bakit mo siya pinapasok dito sa 100b gayong alam mong ayaw niya sayo at siguradong aawayin ka lang niya? " nakapamewang ang dalawang kamay ng asawa ko ng matigas na magtanong.
"Kasi gusto ko rin siyang makausap ng maayos. Tungkol sa mga personal na bagay. Lalo na ang tungkol sa atin. Ang kaso mukhang nagpunta talaga siya dito para ipamukha sa akin na hindi naman kami ni Santino ang gusto mong makasama sa bahay na ito." Malungkot kong pangangatwiran.
Hindi kumibo si Senyorito Simon at seryoso lang na nakatingin sa aming mag-ina.
"Kumain ka na ba? Maupo ka na at ipaghahain na kita. Sinigang na sugpo ang ulam.ll tanong at pag-aya ko sa kanyang kumain upang ibahin na ang usapan.
"Anong pinag-usapan niyo ni Daphne? Huwag mong sabihing nag-away kayo at urn abot sa nagsabunutan o nag sampalan kayong dalawa?" tanong ni Senyorito Simon.
Concern kaya siya kung nasaktan ako o si Santino? Syempre hindi sa amin kundi kay Senyorita Daphne. Nag-aalala siyang baka nasugatan ko ang makinis na balat ng kanyang ex-girlfriend.
Napa buntong-hininga ako bago sumagot.
"Huwag kang mag-alala, Senyorito. Hindi ko siya sinaktan kahit pa gustong-gusto ko siyang sampalin. Kahit pa gusto ko siyang sabunutan sa panggugulo na ginagawa niya. Gusto ko rin siyang kaladakarin palabas ng bahay upang ipamukha sa kanya kung sino ako at kung sino siya.l' Mahinahon kong paliwanagsa kabila ng naramdamang kirot sa puso ko.
Siguradong nag-aalala ang asawa ko sa kanyang dating nobya. Mas concern siya kung nasaktan si Senyorita Daphne kesa sa amin ng kanyang anak.
"Hindi mo kailangan na makipag-away kahit kanino para lang patunayan kung sino ka sa pamamahay na ito o sa buhay ko. Dahil kahit anong gawin mong pagtatanggol sa sarili mo ay hindi magbabago ang paniniwala ko. Hanggang papel lang ang pagiging mag-asawa natin. At sa susunod, huwag na huwag kang mag papasok ng kahit na sinuman dito sa bahay ko ng wala ang aking pahintulot," sambit niya at akma ng kukunin ang kanyang mga gamit na nilapag
kanina sa lamesa.
"Kung kailangan na makipag-away ako sa kahit pa isang libong bilang ng mga babae ay gagawin ko para lang masiguro na wala ng manggugulo dito sa bahay o kahit pa sa opisina mo." Matapang kong wika.
Lumingon sa akin ang asawa ko na paalis na sana.
"Huwag na huwag ninyo akong susubukan ni Senyorita Daphne dahil kaya kong gawin ang kahit pa imposibleng magawa ko para ipagtanggol ang sarili ko at ang anak 1<0." Dagdag kong sabi.
"Hindi mo na kailangan na sabihin. Alam kong kaya mong gawin ang lahat para manatili sa bahay na ito at maging asawa ko. Hindi mo na kailangan patunayan dahil nagawa mo na. Pinikot mo na nga ako hindi ba? Pinapalabas mo na ako ang ama ng anak mo. Kaya alam ko na marami kang kayang gawin at kaya pang gawin sa ngalan ng kayamanan na makukuha mo at ng anak mo." Maanghang na parunggit ni Senyorito Simon.
Ngunit ngayon pa ba titiklop ang aking tuhod?
"Anak mo si Santino." Madiin kong sabi.
Ngumisi si Senyorito Simon sa narinig ngunit hindi nagkomento.
" Anak mo siya kahit ilang beses mo pa siyang itatwa. At hindi ako magsasawang ipagpilitan 'yun. Anak mo si Santino at iyon ang totoo." Dugtong ko pa.
Hindi na ako nilingon ni Senyorito Simon. Tuloy-tuloy na lang siyang humakbang patungo sa itaas ng bahay.
"Huwag kang mag-alala, Santino. Hanggat narito si Mama ay hindi tayo susuko upang matanggap na ng Papa mo na anak ka niya.ll hinarap ko ng muli ang aking anak na abala sa pagsubo ng cerelac. Hinayaan kung siya na ang hum awak ng kanyang kutsarang gawa sa plastic upang pakainin ang kanyangsarili.
Biglang nawala ang anumang mabigat sa akingdibdib ng makita ang mukha ni Santino. Nagkalat na sa kanyang pisngi ang cerelac na kanyang sinusubo.
"Salamat, anak at dumating ka sa buhay ko. Paano na lang ako kung wala ka? Ikaw at si Nanay ang dahilan kung bakit masaya pa rin akong nabubuhay sa kabila ng mga masamang nangyari noong mga nakaraan," saad ko sa aking anak na patuloy lang sa kanyang ginagawa.
 


Chapter 56


Magmula ng naabutan ko na nasa 100b ng opisina ni Senyorito Simon ang dating kasintahan ay mas madalas pa lalo ang pagpunta-punta namin ni Santino sa kanyang kompanya.
Hindi ako papayag na magsama silang dalawa. Kung kailangan ay bakuran ko ang buong paligid ng kumpanya ay gagawin ko masiguro ko lang na hindi na makapasok dito si Senyorita Daphne.
Sa labas lang naman kami ng opisina ni Senyorito Simon. Waring guwardiya na tagabantay ang papel naming dalawa ni Santino.
Noong una ay nagtataka ang asawa ko kung bakit kami narito. Lagi pa siyang nagagalit at sa tuwing may pagkakataon ay tinataboy kami palabas ng kanyang kompanya. Ngunit nagsawa na siya sigurong nagtatanong at nagagalit sa amin ng anak niya. Kaya hinayaan niya na lang ako sa gusto kong gawin.
Kagaya naman ng nakasanayan ay hindi niya naman kami kinikibo kahit nakikita at kasama niya kami buong maghapon ni Santino. Para sa kanya ay hangin lang kami ng anak ko. Ngunit mabuti pa nga ang hangin kahit hindi nakikita ay nadarama naman. Kami ng anak ko ay hindi man lang niya madama.
Mag mukha man akongtanga sa paningin niya ay ayos lang. Kahit pa isipin ng mga empleyado niya na masyado naman ako kung magbantay sa asawa ko ay wala akong pakialam. Masiguro ko lang na hindi na mag pupunta rito si Senyorita Daphne.
Hindi rin naman umaalis si Senyorito Simon.
Bahay at kompanya lamang ang pinagkakaabalahan niya at kung umaalis sa kompanya ng alanganing oras ay agad kong tin atanong sa kanyang sekretaryang si Amy kung saan pupunta ang boss niya. Madalas namang sagot ni Amy ay sa business meeting sa mga investors ang punta ni Senyorito.
Minsan natatawa na talaga ko sa sarili ko. Nababaliw na nga siguro ako.
Para na akong isang babaeng takot na takot maagawan ng asawa.
Totoo naman.
Alam kong hindi nagbibiro si Senyorita Daphne sa kanyang banta. Ngunit hindi naman ako papayag na magtagumpay siya o silang
dalawa ni Senyorito Simon sa kanilang balak.
Hindi kami maghihiwalay ni Senyorito Simon. Dito lang kami ni Santino sa ayaw at sa gusto niya.
" Ang galing ng humakbang ng baby ko." Puri ko kay Santino na mabilis ng nakakalakad. Nakakarating na rin siya sa kung saan-saang sulok ng bahay. Kaya naman doble na ang ginagawa kong pagbabantay sa kanya. Masyado na kasi siyang malikot lalo na ngayon na marunong na siyang maglakad ng mag-isa. Narito kaming mag-ina sa malawak na garden ng mansyon.
Linggo at walang pasok sa opisina ang kanyang Papa kaya naman pahinga rin kami sa pag bakod sa kanya.
Tuwang-tuwa akong kinukuhanan ng mga video sa aking cellphone na gamit ang bawat kilos ni Santino na mabilis ng naglalakad. Napapangiti ako ng maluwag habang pinagmamasdan siyang masayang humahakbang. Kitang-kita ang kakausbong niyangdalawang ngipin sa ibabang bahagi ng gilagid sa tuwing siya ay ngumingiti.
Parang kailan lang ng naglilihi pa ako sa kanya. Naalala ko 'yung panahon na gustong-gusto ko ng inihaw na manok na ako mismo ang nag hanap sa daan kahit gabi na upang makakain lang ako.
Parang kailan lang ng mag-isa lang akong nag pupunta sa ospital para sa monthly check-up
1<0.
Parang kahapon lang din ng maaksidente akong mapa-anak ng wala pa sa tamang buwan dahil sa pagkahulog sa hagdan ng habulin ko si Senyorito Simon para ipakita sa kanya ang ultrasounds ng baby sa tiyan 1<0.
"Bakit umupo ka na sa damuhan? Pagod ka na ba anak? ll tanong at sabay lapit ko kay Santino na urnupo na sa bermuda grass. Marahil ay napagod na siya sa halos may isang oras na niyang paglalakad dito sa palibot ng hardin. Madalas ko nang kuhanan ng video si Santino lalo na noong nabubuhay pa si Senyora Loreta. Araw-araw akong nagpapadala ng mga cute na pictures at video ni Santino sa namayapang matanda. At lahat ng iyon ay naka saved sa cellphone ko. Gustong-gusto ko rin kasi itong ipakita kay Senyorito Simon. Kaso hanggang ngayon wala pa rin siyang ka amor-amor sa amin ng anak niya.
" Karen!"
Nagulat ako sa isang malakas na sigaw na tinatawag ang pangalan ko. Masyado kasi akong
nahulog at seryosong nanonood ng mga videos ni Santino na kinuhanan ko mula noong isang buwan ko pa lang siyang ipinapanganak.
At napansin kong wala ang anak ko sa tabi at magingsa paligid na nakikita 1<0.
"Santino! Santino, anak!?" tawag at hanap ko sa kanya. Masyado naman akong nalibang sa panonood at hindi ko namalayan na nakalayo na pala ang anak ko sa aking tabi.
"Nasaan ka singhal sa akin si Senyorito na mukhang galit na galit ng magawi ako sa isang sulok hardin kung saan siya madalas nakaupo at gurnagawa ng mga paper works niya sa kompanya kapag naririto siya sa labas ng bahay. Agad ko rin nakita si Santino na malapit sa lamesa at napansin kong may basa ang isang bahagi ng kanyang suot na darnit. Hindi ko pinansin ang galit ni Senyorito bagkus agad kong dinaluhan ang anak kong may inaabot pa sa lamesa na gamit ng kanyang ama.
"Santino, anak bakit basang-basa ka? l'
"Anong bang ginagawa mo at hindi mo binabantayan ang anak mo?" nanggagalaiti na tanong ni Senyorito Simon.
"Na sa garden kami at hindi ko napansin na nakalayo na pala siya sa akin." Sagot ko sa kanya at agad ko ng pinunasan ang basa na bahagi ng
katawan anak ko sa bimpo na laging kongdala na para talaga pamunas niya.
"Hindi mo napansin? Alam mo ba kung ano ang ginawa ng anak madiin na sabi ni Senyorito.
"Ano bang ginawa ni Santino sayo at parang kakainin mo siya ng buhay?" tanong ko naman at hindi ko na rin maitago ang inis. Paslit lang ang anak ko at kung mapatulan niya ay ganun na lang.
"Look!" itinuro ni Senyorito ang mga papel sa lamesa at ang laptop niya. Napansin ko ang nakatumbang baso ngjuice na siya sigurong sanhi ng pagkaka basa ng mga gamit sa ibabaw ng lamesa.
"Natabig ng anak mo ang baso ngjuice kaya naman itong mahahalagang papeles na minamadali kong tapusin ay nawalan ng saysay! ll singhal niya sa akin at winagayway pa sa harapan ko ang mga basang-basang papel na natapunan ngjuice na tumutulo pa.
 


Chapter 57


"Pasensya ka na Senyorito. Hindi naman sinasadya ng anak mo ang nangyari." Paghingi ko ng pasensya. Hindi ko naman alam na malakas ang loob si Santino at lalayo sa hindi niya na ako nakikita.
"Ikaw ang may kasalanan dahil hindi mo binabantayan ng maayos ang anak mo! Kung sa swimming pool tumuloy ang bata at nalunod dahil hindi mo binantayan nang maayos.
Maibabalik pa ba ng paghingi mo ng pasensya ang buhay niya?!" asik niya sa akin.
Hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil abala ako sa pagpunas kay Santino. Orange juice ang tumapon sa harapan ng kanyang damit at kitang-kita ang kulay dahil puti ang kulay ng damit ni Santino.
"00 nga naman pala. Wala na si Lola kaya naman lumilitaw na talaga ang tunay mong kulay. Wala na nga namang kwenta sayo kahit mapahamak ang batang anak mo dahil nakuha mo na ang gusto mo. Ang mapanahan ka ng limpak na limpak na pera. Kaya aminin mo na nagpapanggap ka lang na isang ulirang Ina. Kasi ang totoo, isa ka talagang pabaya at walang kwentang Ina na mukhang pera!" at dinuro pa ako sa mukha ni Senyorito Simon.
At na putol na ang mahabang pisi ng pasensya 1<0.
"Sobra ka namang magsalita! Sa ating dalawa ikaw ang pabaya at walang kwentang ama! l' sigaw ko rin sa kanya.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong galit.
Sumabog na ako!
Dahil sobra na siyang magsalita.
Ako pa talaga ngayon ang pabayang Ina?
"Sino sa ating dalawa ang hanggang ngayon hindi pa rin matanggap na anak si Santino? Hindi ba't ikaw?!" singhal ko sa kanya at dinuro ko rin siya gaya ng ginawa niya sa akin. Hindi ako matatakot na lumaban dahil walang katotohanan na naman ang kanyang paratang.
"Ano? Nasaan na ang ipinagmamalakl mong DNA test na sinasabi mong isasampal mo sa mukha ko sa oras na maging negative ang resulta? Wala na si Lola Loreta kaya naman wala ng pipigil sayo na gawin ang bagay na gaya DNA Test!" galit na galit kong sabi sa mukha niya.
Tiim ang bagang at marahas na paghinga ang nakikita ko sa itsura ni Senyorito Simon.
"Ano? Wala kang masabi? Siguro nga nag pa test ka na dahil hanggang ngayon wala kang naisasampal sa mukha ko. Dahil napatunayan mong mali ka! Ano ba ang pinagsasabi mo na nakuha ko na ang gusto ko dahil mayroon na akong limpak-limpak na pera? Bakit nakita mo ba akong namili ng mga mamahaling gamit? Ng mga branded na damit? Mga alahas? Mga mamahaling materyal na bagay para masabi mo sa akin na mukha akong pera?" tuloy-tuloy kong panunumbat sa kanya.
"00, siguro nga tama ka. Mukha nga akong pera at tama ka rin. Desperada talaga ako. Dahil hanggang ngayon na sa ospital ang nanay ko at pera ninyo ang burnubuhay sa kanya. Pero kahit kailan hindi ko inabuso o sinamantala ang kabaitan ni Lola Loreta. Dahil kusa siyang tumulongsa amin ng Nanay ko. Kusa niyang binigay ang mga bagay na kailanman ay hindi ko hinihingi!" nanggagalaiti kong sambit.
"At anong sabi mo? Ako? ll turo ko sa sa sarili 1<0.
"Ako pa talaga ang pinaparatangan mong pabaya at walang kwentang Ina? Ako na mula't-mulang nabuntis kay Santino ay ako lang mag-isang nagpupunta sa ospital para magpa-check up kahit hirap na akong maglakad at wala man lang umaalalay sa paglalakad ko. Nagutom ako sa paghihintay sa inihaw na manok na pinaglilihian ko pero pag-uwi mo kahit isang hiwa wala ka man langdala-dala! Kaya kahit gabi at buntis ay ako ang nag hanap at bumili sa labas. Ako lang ang gumigising sa madaling araw para mag palit ng diaper at magtimpla ng gatas. Madalas akong nalilipasan ng gutom dahil hindl' mo man ako matulungan mag-alaga kay Santino. Tapos ngayon tatawagin mo akong pabaya at walang kwentang ina dahil lang sa mga papel na pwede mo naman sigurong ulitin." Madiin kong dagdag litanya.
Nag tatagis ang bagang ko sa galit.
Pakiramdam ko nauubusan na ako ng hangin sa aking baga dahil hindi na ako makahinga ng maayos.
Titig na titig sa mukha ko si Senyorito. Lapat  na lapat ang kanyang labi at taas-baba ang kanyang adam's apple. Waring may nais siyang sabihin habang ako ay nagsasalita kanina ngunit nanahimik na lang at hinayaan ako sa aking talumpati.
"Are you done?" maya-maya ay seryoso niyang tanong sa akin nang hindi na ako nagsalita.
Hindi ako kumibo dahil ramdam ko pa rin
ang panginginig ng bawat himaymay ng kalamnan ko dahil sa galit. Nakatingin lang ako sa kanya ng matalim.
Kumilos si Senyorito Simon. Kinuha niya ang lahat ng mga papel na nabasa ngjuice at itinapon sa malapit na trash bin. Burnalik sa lamesa at kinuha ang nabasang laptop saka malalaking hakbang na pumasok ng mansyon.
"Papa," sambit ni Santino habang nakatingin sa direksyon na tinahak ng kanyang ama.
"Kahit nagagalit na sayo ang Papa mo siya pa rin ang binabanggit mo." seryoso kong turan sa aking anak na bahagya pa na nagulat ng marinig ang pag-andar ng sasakyan.
Sasakyan ng Papa niya na marahil ay aalis ng bahay dahil na badtrip.
Pumasok na rin kami ni Santino sa 100b ng mansyon upang malinisan ko na siya ng katawan. Napangiti agad ang anak ko ng makita si Manang Lorna na may dalang tray ng merienda habang naglalakad patungo sa kinatatayuan naming mag-ina.
Pero nakita ko kung paanong mula sa pagkakangiti ay napalitan ng pagkagulat ang mukha ni Manang at nagmadali na kaming lapitan ng aking anak.
"Mahabaging langit, Karen! Bakit dinudugo
Sa narinig kay Manang ay agad akong napatingin sa ibabang bahagi ng aking katawan. Ganun na lamang ang pagbaha ng gulat sa mukha ko ng makita ang urnaagos na buhay na kulay pulang likido sa aking binti.
"Halika na! Dadalhin na kita sa ospital, Karen." Alalang-alala si Manang at hindi na alam kung saan ilalagay ang dala-dalang tray. Agad niyang kinuha sa akin si Santino.
Litong-lito man ako kung bakit ako dinudugo ay mabilis kaming nakarating sa gate ng mansyon. Mabuti na lamang ay may dumaan agad na Taxi na walang nakalulan.
"Sa pinakamalapit na ospital at please lang pakibilisan dinudugo ang kasama 1<0." Tarantang sabi ni Manangsa Taxi driver na agad naman na pinaandar ang kanyang sasakyan.
Bakit ako din udugo?
Paulit-ulit na tanong ko sa isipan ko.
 


Chapter 58


Halos hindi ako kumukurap habang deretsong nakatingin sa isang sisidlan na nakapatong sa lamesa na malapit kungsaan ako nakahiga.
Isang maliit na kahon at nakabalot na ng tela.
Narito na naman ako sa isang pribadong silid ng isang ospital.
Pilit akong umupo ngunit lipad ang utak.
"Sorry for your loss, Miss."
Paulit-ulit kong naririnig sa aking tenga ang mga salitang iyon na galing sa doktor na tumingin sa akin kanina.
Paulit-ulit at naririndi na akong marinig. Tinakpan ko na ang dalawa kong tenga ng aking dalawang kamay ngunit tumatagos pa rin ang tinig.
Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maunawaan kung bakit.
Bakit?
Bakit ayaw pumasok sa isipan ko.
Bakit ayaw tanggapin ng buong sistema ng katawang lupa ko ang katotohanan na paulit-ulit ng sinasabi ng utak 1<0.
Para akongtinakasan ng lakas. Wari akong nalanta na gaya ng isang halaman.
Wala akong maapuhap na dapat sabihin o dapat pang banggitin.
Isang mahinang katok sa pinto ang aking narinig ang nagpa gising sa aking natutulog na diwa. Kasabay ng pagbukas ay iniluwa ang nakangiti ngunit bakas ang kalungkutan sa mukha na si Manang Lorna.
"Hinabilin ko muna si Santino sa mga anak at apo ko. Huwag kang mag-alala at tinitiyak kong aalagaan nilang mabuti si Santino." Imporma niya sa akin sabay lapagsa kanyang dala-dalahan sa monoblock na upuan malapit sa lamesa.
"Salamat po Manang. Hindi ko po alam ang gagawin ko kung sakaling wala kayo ng buong mag-anak ninyo." Naluluha kong mahinang pasasalamat kay Manang Lorna.
Lumapit sa akin si Manang at hinawakan ang aking mga kamay.
"Huwag mo ng isipin iyon, Karen. Ang mahalaga ngayon ay magpalakas ka upang agad kang gurnaling." Nangilid na rin ang luha ni Manang Lorna habang hinahaplos ang aking pisngi.
Muling dumako ang paningin ko sa maliit na kahon nakapatong sa lamesa.
"Dumaan ako ng mansyon. Naabutan kong nagmamadaling umalis ang asawa mo bitbit ang isang maleta. Sinubukan kong habulin ang kanyang sasakyan para sabihin na narito ka sa ospital ngunit hindi niya ako narinig," sambit Manang sa malungkot na tinig.
May bago pa ba?
Kailan ba siya nagkaroon ng pakialam? Baka hindi niya nga alam o namalayang wala kami ni Santino sa 100b ng mansyon.
Mabuti na ngang huwag niya ng malaman dahil tiyak akong hindi naman siya interesado na malaman kung bakit ako narito sa ospital.
Kaya bakit kailangan pang sabihin sa kanya?
"Manang, pasensya na po kayo kung naistorbo namin kayo ni Santino. Pero ang totoo PO. Ayoko na po siyang istorbohin pa." Tapat kong sabi na ang tinutukoy ko ay si Senyorito Simon.
"Karen, unang-una hindi kayo istorbo ni Santino sa akin at kahit pa sa buong pamilya ko.  Masaya kaming tulungan ka. At saka sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo-tayo lang
naman." Malumanay na saad ni Manang.
Nais kong ngumiti sa narinig pero talagang wala akong gana.
Sinong isang Ina ang magkakaroon pa ng ganang ngumiti matapos mawalan ng isang hindi pa naisisilang na anak?
00, nawalan ako ng isang anak.
Hindi ko man lang naramdaman na nasa sinapupunan ko na pala siya.
At heto siya sa harapan ko.
Nakasilid sa isang maliit na kahon.
Wala ng buhay.
Kailanman ay hindi ko na makikita pa
Masakit.
Napakasakit at sobrang sakit.
Pero hindi ako maka-iyak. Hindi ko kasi matanggap dahil hindi katanggap-tanggap na ganun lang siya kadaling nawala sa akin.
Tunog ng cellphone ang naka agaw ng pansin ko mula sa malalim na pag-iisip. Liningon ko si Manang na abala sa paghahalungkat sa kanyang bag.
" Karen, cellphone mo pala itong tumutunog." Sabay abot sa akin ni Manang ng cellphone. Ayoko sanang abutin ngunit tila may kung anong nag udyok sa akin upang sagutin ang tawag.
Sino man ang tumatawag ay wala akong ideya.
Dahil bukod tanging si Manang at secretary Amy lamang ang pinagbigyan ko ng cellphone number ko.
Unknown number ang nakarehistro sa screen ng cellphone ng makita ko ito.
Hindi ko ugaling sumagot ng hindi kilalang numero pero hindi ko din maintindihan kung bakit kahit wala akong ka gana-gana dahil sa pagluluksa ay sinagot ko ang tawag.
"Hello?" sabi ko ng itapat ang cellphone sa kaliwang tenga ko at tinanong naman ng kabilang linya kung ako ba si Ms. Karen Sto.Domingo.
"Ako nga PO." Tipid kong sagot.
"Ms. Sto.Domingo, kailangan po kayong magpunta sa ospital ngayon," sabi naman ng kabilang linya at sa narinig ay unti-unti ng nanlalabo ang aking paningin dahil sa pagbagsak ng aking Iuha habang nakikinig sa paliwanag kung bakit kailangan kung magtungo sa isang ospital.
"Papunta na po ako." Sagot ko sa
gurnagaralgal na tinig.
"Anong nangyari Karen? Sino ang tumawag?" nag-aalala na tanong ni Manang ng makita akong luhaan.
Umiling-iling ako at tinakpan ang sariling bibig ng aking palad para pigilan ang malakas na paghikbi.
Nagtanong muli ako kung bakit?
Bakit parang ang lupit naman ng kapalaran  sa akin.
Umiiyak kong tanong sa aking isipan.
Yumakap ako ng napakahigpit kay Manang Lorna.
Pakiramdam ko talagang bibigay na ang katawan ko sa samut-saring emosyon na nararamdaman ko.
Humagulgol ako ng iyak.
"Karen." Hinaplos ni Manang aking likuran upang ako ay pakalmahin.
"Manang, wala na rin ang Nanay ko. Wala na rin siya." Sa pagitan ng paghikbi ay nabigkas ko sa naghihinagpis na tinig.
Niyakap ako ni Manang nang mahigpit na para bang pinapadama sa akin ang taos pusong niyang pakikiramay.
"Manang, masama po ba akong tao? Masama po ba akong Ina? Para mawalan ng anak? Masama ba akong anak para walang kinilalang ama tapos ngayon namatayan ng Nanay? Manang, masama po ba ako? "
Sunod-sunod kong mga tanong kay Manang.
"Hindi anak, napakabait mong Ina kay
Santino kaya alam kong mabait kang anak sa Nanay mo. Pero ganun talaga ang buhay Karen, sadyang mahiwaga at mahirap maunawaan." Sagot ni manang sa basag na tinig.
"May dahilan ang Panginoon kaya nangyayari ang lahat Karen. Pagsubok lang ito para sayo, anak." Dagdag ni Manang.
Pagsubok?
Wala na po bang katapusan itong pagsubok na ito?
Una naaksidente si Nanay.
Pangalawa ang wala sa oras kong pag-aasawa na at ang turingsa akin ng aking asawa ay isang salot na basura, desperadang mukhang pera.
Pangatlo at pang-apat ay ang sabay na pagkawala ng anak kong hindi ko man lang nakita at si Nanay na alam kong lumaban pero burnigay na rin matapos ang mahabang pakikipaglaban para sa buhay.
Para ulilang-ulila na ang pakiramdam ko.
"Kailangan mong magpakatatag anak.
Kailangan ka ni Santino, Karen."
Lalo akong napaiyak sa narinig kay Manang.
Tama.
Si Santino, ang anak ko. Ang anak ko na lamang ang siyang meron ako ngayon.
Umiyak ako ng umiyak kay Manang Lorna.
Pagluha lamang ang tanging magagawa ko dahil ang pagdadalamhati na nararamdaman ko ay hindi kayang tumbasan ng kahit anong salita sa diksyunaryo o kahit anumang materyal na bagay sa mundo.
 


Chapter 59


"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, iha? Pinag-isipan mo ba ng mabuti itong gusto mong gawin 1<0?" kunot-noo na tanong sa akin ni Attorney Silvestre Clemente.
Mabuti na lang pala at naitago ko ang calling card niyang ibinigay sa akin noon.
Isang linggo na ang nakaraan ng sabay mawala sa buhay ko ang aking anak at si Nanay. Mahirap tanggapin. Pero kailangan kong umusad at magapatuloy sa buhay para sa kay Santino.
Hindi pa rin umuwi si Senyorito Simon magbuhat ng sabihin sa akin ni Manang na naabutan niya itong nagmamadaling umalis dala ang maleta na siyang ginagamit niya kapag lumalabas ng bansa.
"Opo, Attorney. Sigurado po ako." Matatag at nakangiti kong n aging sagot.
Tinitigan ako ni Attorney na parang pinag-aaralan at tinitimbang ang sagot ko at ang nais kong mangyari. Waring tutol siya sa nais kong gawin ngunit ako na mismo ang personal na nagsabi sa kanya.
"Tama ka naman, iha. Mahigpit na bilin ni
Senyora Loreta na kapag nakipaghiwalay si Simon ay awtomatikong mapupunta lahat ng ari-arian ng namayapang Senyora ay sa inyong mag-ina. Walang matitira kahit isang kusing kay Simon at maging ang mana na para kay Selene ay madadamay at mapupunta rin sa pangalan mo.
lyon ang nakalagay sa huling testamento at walang nakalagay na kung sakaling ikaw mismo ang nakipaghiwalay kay Simon." Litanya ng may-edad ng lalaki na matamang binabasa ang papel kungsaan nakasulat ang huling habilin ni Senyora Loreta.
lyon ang kondisyon ni Senyora Loreta sa kanyang huling testamento. Kaya kahit gustong-gusto na akong palayasin at hiwalayan ni Senyorito Simon ay hindi niya magawa. Dahil ang lahat ng kayamanan ng pamilya niya ay kami ni Santino ang makikinabang. Alam ko namang kayang-kaya ni Senyorito na mas higitan ang yaman na iniwan ng kanyang namayapang Lola dahil sa angking talino at diskarte sa larangan ng pagnenegosyo. Ngunit iniisip marahil niya ang kapatid na si Senyorita Selene na sanay sa luho at layaw sa buhay. Dahil mulat-mula ay anak mayaman sila o pwede rin namang ayaw mawala ni Senyorito ang kanyang kompanya. Ang kanyang pinamumunuang kaharian.
"Kaya po naririto ako, Attorney. Para personal na sabihin na kayo na po ang bahala sa lahat. Pipirmahan ko po ang kailangan kong pirmahan para po mapadali ang lahat." Malugod kong sabi sa kagalang-galang na abogado.
Saglit na nawalan ng kibo si Attorney at inayos pa ang salamin sa kanyang mata.
"Sabihin mo nga iha, anongdahilan mo para gawin ang bagay na ito? Karen, alam mo ba kung gaano kalaking halaga ang mawawala sa inyo ng anak mo?" tanong muli ni Attorney.
Ngumiti ako at sumagot ng diretso sa mga mata ng kausap ko.
"Hindi ko naman po kasi kailangan ang ganyang kalaking halaga at kadaming kayamanan. Wala naman po akong alam sa pagpapatakbo ng kahit anumang negosyo. Lumaki po ako sa hirap at sanay po akong pinaghihirapan ang isang bagay para makuha. Masaya na po ako sa simpleng buhay na kasama po ang anak ko, Attorney. Sapat na po ang mabuhay kami ng tahimik ng anak 1<0. Gusto ko na pong maging malaya sa lahat. Lalo na sa kasal namin ni Senyorito Simon. Alam ko po na nakakahinayang ngunit pinag-isipan ko pong mabuti ang lahat ng desisyon ko.l' Matapat kong n aging paliwanag.
Turn ango-tango si Attorney habang nakikinig sa akin.
"Well, kung talagang desidido ka na sa desisyon mong ito. Sige gagawin ko na at mukhang hindi ko na rin mababago ang isipan mo." Maya-maya ay sambit ni Attorney. "Maraming salamat po,ll sambit kong pasasalamat.
Sa sabay na pagkawala ng anak ko at ni
Nanay ay napagtanto ko na baka kinarma ako. Kinarma ako sa pagiging makasarili. Sa pag pilit kay Senyorito Simon na tanggapin at mahalin ako at si Santino.
Kaya handa na akong pakawalan siya. Ako na ang kusang kakawala sa anumang tali na nagdurugtong sa aming kasal.
At ang mana namin ni Santino?
Taos puso ko na rin na ibinigay sa pangalan ni Senyorito Simon.
00, lahat ng tao kailangan ang pera.
Sino ba ang hindi? Marami ngangtumataya sa lotto para sa inaasam na milyong panalo.
Pero kung iyon ang isa sa dahilan kung bakit nakulong kami ni Santino sa ganitong klaseng buhay. Malungkot dahil sa hindi kami tanggap at pinagtatabuyan. Ipa paubaya ko na sa kanila ang
lahat. Kahit gaano man karami angyaman na 'yon. Kanilang-kanila na lahat. Wala akong interes na garnitin.
Maging malaya lang kami ng anak ko at  maging si Senyorito Simon. Alam kong lubos siyang sasaya sa oras na mawala na kami ni Santino sa buhay niya.
At ano pa ba ang silbi ng pera kung ang isa sa dahilan ng pagtitiis ko sa kabila ng hindi magandang pagtrato sa amin ni Senyorito Simon ay dahil kay Nanay. Dahil kailangan niya ng magandang ospital at malaking halaga ng pera para sa gamutan.
Pero wala na si Nanay. Kaya ano pa ang pwede kong maging dahilan?
"Sige po Attorney, malayo-layo pa ang pupuntahan namin ng anak ko. Kung may kailangan pa ho kayo sa akin ay tawagan niyo na lamang po ako." Magalang kong parnamaalam sa may edad na abogado na magiliw din naman kaming inasikaso at inihatid sa labas ng kanyang tanggapan.
Paglabas ko ng kanyang opisina ay nakadama ako ng kaginhawaan. Tila may nawala na isang bagay na nakaatang sa aking balikat. Gumaan na para bang nawalan ako ng mga pasanin.
Ngumiti ako at inakay ang aking anak na tahimik lamang naman sa akingtabi. Nagpaalam na rin ako kay Manang Lorna at lubos ang naging pasasalamat ko sa mga naitulong niya sa amin ng anak 1<0. Gusto niya nga kaming kupkupin mag-ina na magalang kong tinanggihan. Mas gusto kong lumayo at magsimulang muli.
"Santino, aalis na tayo. Doon sa pupuntahan natin ay magsisimula tayong muli. Huwag kang mag-alala dahil gagawin lahat ni Mama ang lahat upang mabuhay tayo ng masaya." Hinalikan ko sa gilid ng ulo si Santino kasabay ng pagpatak muli ng mga luha ko.
Urniiyak ako hindi dahil sa anu pa man, kundi dahil sa katotohanan na katulad sa naging kapalaran ko ang magiging kapalaran ng aking anak na walang matatawag na ama habang lumalaki.
Ngunit pinapangako ko sa aking sarili.
Heto na ang huling beses na iiyak ako at kasabay ng pag-alis namin ay iiwan ko na rin ang mapait na alaala sa mansyon.
 


Chapter 60


"Bakit narito silang mag-ina?"
"Baka hiniwalayan na ni Senyorito Simon. Sabagay, hindi naman talaga Sila bagay at hindi nga ba ang usapan dati ay pinikot niya lang si Senyorito?l'
"Oonga, baka pinalayas na silang mag-ina sa bahay nila sa lungsod. Balita ko kasi ay doon Sila naninirahan sa isang malaking mansyon."
Bulungan ngtatlong kababaihan na nakatambay sa tindahan kung saan kami kasalukuyang bumibili ng kape at asukal ng karga-karga kong si Santino. Dahil malapit lang naman ang kinaroroonan nilang tatlo at medyo may kalakasan ang kanilang boses kaya naman malinaw kong naririnig na kami ng anak ko ang paksa ng kanilang pag-uusap. Hindi naman bago sa akin na kaming mag-ina ang pinag-uusapan  nila. Mula ngdumating kami sa bahay namin ay madalas ko ng makita ang mga nagbubulungan na mga kapitbahay habang nakatingin sa aming mag-ina.
Kunsabagay, hindi ko naman Sila masisi kung nagtataka man Sila sa biglaan naming pag-uwi na mag-ina. Ano pa nga ang ginagawa namin ng anak ko dito na alam ng karamihan ay nakatira kami sa siyudad. Alam ng lahat na ako ang asawa ng tagapagmana ng hacienda Sto.
Domingo at si Santino ang panganay na anak ni Senyorito Simon.
Wala naman kaming ibang pupuntahan ni Santino kundi ang urnuwi clito sa bahay ng aking yumaong Nanay. Isang linggo na rin ang nakaraan ng magdesisyon akong umuwi na rito sa aming probinsya. Mahirap na desisyon lalo pa at hindi naman nasanay si Santino na nakatira kami sa maliit na bahay kubo. Hindi siya sanay na nakakarinig ng tilaok ng manok sa urnaga at sa maraming tao na nakapaligid sa amin sa tuwing kami ay mamamataan sa labas ng bahay. Batid kong nais nilang mag-usisa ngunit walang may lakas-loob na magtanong ng direkta sa akin. Naroon ang pag aalinlangan dahil sa kaalaman na ako ay asawa ng nagmamay-ari ng mga lupang kinatitirikan ng kanilang bahay o ng lupang kanilangsinasaka.
Sa ngayon ay iniisip ko kung paano kami mabubuhay na mag-ina. Wala akong pera kundi ang natira sa pinagbentahan ko ng aking mga halaman na ginamit kong panggastos noong birthday at binyag ni Santino. Hindi rin naman ako makapag hanap ng trabaho dahil walang mag-aalaga kay Santino.
"Karen, lubos akong nakikiramay sa nangyari sa nanay Karina mo. Nakakalungkot na matapos ang mahaba niyang pakikipaglaban para mabuhay ay sumuko rin ang kanyang katawan.ll Malungkot na hayag ni Aling Perla. Ang isa sa kaibigan ni Nanay dito sa aming lugar. Magka edad sila ni Nanay at pareho na nag trabaho dati sa loob ng hacienda Sto.Domingo.
"Salamat PO, Aling Perla. Alam ko naman po na lumaban si Nanay upang mabuhay ngunit talagang hindi na po siguro kinaya ng kanyang katawang lupa." Wika ko naman. Muli akong naging malungkot ng maalala si Nanay. Sa totoo lang ay hindi ko alam ngayon kung paano ang mabuhay ng wala siya ng tuluyan dito sa mundo. Nasanay kasi akong Iaging siyang nakasaklolo sa akin. Sanay akong Iagi siyang na sa tabi ko mula noong ako ay kanyang isinilang.
Pero iba na ang sitwasyon ngayon. May anak na rin ako na dapat buhayin. Kaya naman dapat na akong masanay na turnayo sa aking sariling mga paa.
"Kamusta ka naman, Karen? At bakit narito kayo ng anak mo?" magkasunod na tanong ni Aling Perla.
Sa totoo lang ay ayaw kong pag-usapan ang kahit na anong dahilan kung bakit kami narito ng anak ko. Hindi na lang ako sumagot at bagkus ay iniba ang takbo ng usapan.
"Gusto ko po sanang magtanong kung meron po kayong kilala na burnibili ng bahay at lupa?" ang siyang naging tanong ko upang iwasang sagutin ang mga tanong ng kaibigan ni
Nanay.
Saglit na nag-isip si Aling Perla.
"Meron naman at sa katunayan nga ay gustong bilhin ang bahay ninyo."
Napangiti naman ako sa narinig kong sagot.
"Huwag mong sabihin na nais mong ipagbili ang bahay ninyo? 'l manghang tanong ng aking kausap.
Ang plano ko talaga ay ibenta ang lupa at bahay namin clito sa hacienda. Ayokong manatili rito lalo pa at kilala ng mga tao kung sino ang asawa ko at tatay ng anak ko.
"Opo, upang wala na po akong balikan pa sa lugar na ito. Aalis din po kasi kami ni Santino.ll Ang sagot ko.
"Akala ng karamihan ay naghiwalay na kayo ni Senyorito Simon kaya kayo ay narito na mag-ina. Naku! ang mga tsismosa nga naman.
Masyadong advance kung mag-isip. Nand ito ka lang pala upang ibenta na itong bahay ninyo? Sabagay, dapat mo na ngang ipagbili upang mapakinabangan dahil sayang lang kung kakainin lang ng alikabok ang buong bahay. Hayaan mo at sasabihin ko agad sa kakilala kong interesado rito sa bahay ninyo,ll saad ni Aling Perla na nakipag kwentuhan pa saglit ngunit nagpaalam na rin na pupuntahan pa ang kilalang interesado dito sa bahay.
Hindi na rin ako nagulat sa kanyang nasambit ukol sa usapan ng ibang tao kung bakit kami nandito ngayon ni Santino. Wala naman akong pakialam pa kahit pag-usapan pa nila ang buhay namin. Ang importante ngayon ay maka alis na kaming mag-ina sa lugar na ito. Ayokong lumaki dito si Santino. Siguradong pupukulin siya ng panlilibak ng mga mapanghusgang tao at sasabihan ng mga masasakit na salita gaya ng ginawa nila sa akin. Pag-aari ng mga Sto.
Domingo ang halos ng mga lupain na nakapalibot dito sa lugar kung nasaan kami ngayon ng aking anak. Kaya walang hindi nakakakilala sa amin ni Santino.
Mahirap na desisyon na pakawalan ang bahay na ito. Dahil punong-puno ng alaala ng nakaraan ang bawat sulok dito. Ngunit sa tuwing igagala ko ang aking mata sa kabuuan ng bahay ay nakikita ko kahit saan ang pigura ng aking Nanay. Masaya habang nakangiti at buhay na buhay. Kaya lalo akong kinakain ng lungkot at pighati.
Hindi ko alam ko kung saan kami pupunta ng anak ko pero bahala na. Gusto ko lang lumayo. Doon sa walang bakas ni Senyorito Simon. Doon sa makapag-umpisa kami ni Santino ngwalang taong pumupuna sa aming mag-ina.
"Kung nakaya ni Nanay na palakihin ako na siya lang mag-isa. Kakayanin ko rin para sa anak 1<0. " Determinado kong wika sa aking sarili habang nakatingin sa anak kong walang kamuwang-muwang sa kinakaharap naming sitwasyon.
 





 




About the Author

Good day! Thank you for visiting us! We hope you find what you’re looking for and that you enjoy your stay.

Post a Comment

Cookie Consent
We serve cookies on this site to analyze traffic, remember your preferences, and optimize your experience.
Oops!
It seems there is something wrong with your internet connection. Please connect to the internet and start browsing again.
AdBlock Detected!
We have detected that you are using adblocking plugin in your browser.
The revenue we earn by the advertisements is used to manage this website, we request you to whitelist our website in your adblocking plugin.
Site is Blocked
Sorry! This site is not available in your country.